Model-actor Lemuel Pelayo dreams of working with Iza Calzado; does not mind doing “bading” roles

Lemuel Pelayo is on his way to achieving his goal of making it in showbiz. To his credit, he has appeared in movies opposite respected actresses like Alessandra de Rossi, Maja Salvador, and Jodi Santamaria; as well as getting involved in filmfest entries like Adolf Alix, Jr.’s Chassis.


Maganda raw sanang birthday gift para sa model turned actor na si Lemuel Pelayo na makatrabaho si Iza Calzado, na matagal na niyang hinahangaan ang ganda at husay sa pag-arte.

Lemuel turned 27 years old last March 25.

Ilang linggo bago ang kanyang birthday ay nag-audition siya para sa isang role sa kauna-unahang drama series ni Iza sa ABS-CBN, ang Kapag Puso’y Sinugatan.

“Wala pa namang sinasabi kung nakapasa ako sa audition. Pero sana nga nagustuhan nila ako kasi gusto ko talagang makatrabaho si Iza,” sabi ni Lemuel nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Dagdag pa niya, “Ang ganda-ganda kasi ni Iza at magaling pang umarte.

“Magiging malaking karangalan sa akin ang makasama siya sa isang series.

“Kahit na supporting cast lang, basta mabigyan lang ako ng eksena with Iza, masaya na ako.

“Perfect na birthday gift na sa akin iyon!”

VARIETY OF ROLES. Simula nang pasukin ni Lemuel ang showbiz, hindi naman siya naging mapili sa role.

Sinubukan niya muna ang comedy sa pelikulang D’Survivors.

Nasundan ito ng indie film na Romeo & Juliet bilang boyfriend ni Alessandra de Rossi.

Sa critically-acclaimed Adolf Alix, Jr. film na Chassis, gumanap naman siyang asawa ni Jodi Sta. Maria.

Hanggang ngayon ay hindi pa naa-approve ang pagpapalabas ng pelikulang ito sa commercial theaters.

Kuwento ni Lemuel, “Nakarating ako sa Pusan International Film Festival in Korea because of that film.

“Maganda ang pagtanggap ng mga tao doon sa local films natin.

“Nakasabay namin doon yung Here Comes The Bride at Donor.

“Sayang at hindi pa siya maipalabas sa atin. Direk Adolf shot it in black and white.

“Uso na ngayon sa Hollywood ang paggawa ng black and white films, ’tulad ng The Artist.

“Sana lang maipalabas na yung Chassis para ma-appreciate nila ang kabuuan nito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GAY ROLE. Sa huling ginawang pelikula ni Lemuel, ang My Cactus Heart, ay gumanap siyang bading na kapatid ni Maja Salvador.

Aniya, “Na-challenge ako sa gay role na yun.

“Marami naman akong mga friends na bading kaya marami akong pinaggayahan ng character ko sa movie.

“May mga nagkagusto naman sa role ko.

“Akala nga nila totoo akong bading. It means na napaniwala ko sila na gay ako.

“Kung positive na feedback, may negative din naman.

"Okey lang, nag-uumpisa pa lang naman ako.

“Makakatulong sa akin ang mga criticism nila sa akin. Hindi naman ako pikon na tao.

“Kung makakatulong sa akin ang mga pintas, welcome sa akin iyon.”

MULTI-TASKS. Nakatapos ng Hotel and Restaurant Management course sa Lyceum University of the Philippines si Lemuel, pero aminado siyang nahirapan siyang pagsabayin ang school, showbiz, at modelling.

“At least, may fallback ako in case na mag-iba na ako ng career.

“Enjoy ako sa showbiz kasi parating may bago at exciting ang mga nangyayari.

“Plus, okay ang kinikita mo. Puyatan nga lang parati.

“Minsan nagiging tsismoso na rin ako—nakikibalita ako sa mga nangyayari.

“Hindi pa naman ako natsitsismis ng kung anu-ano. Pero part ‘yan ng pinasok natin.

“Kung magawan man ako ng tsismis, okey lang siguro, at least, pinag-usapan nila ako!” sabay tawa ni Lemuel.

Nasa drama series na Angelito Batang Ama si Lemuel bilang Arthur na kaibigan ni JM de Guzman.

Nakagawa na rin siya ng ilang TV shows sa bakuran ng GMA-7 ’tulad ng Bebe & Me, In My Life, Daisy Siete, Kaya Kong Abutin Ang Langit, at Stairway To Heaven.

Active pa rin sa paggawa ng TV commercials si Lemuel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN