Regine Velasquez-Alcasid on Twitter bashers: “E, ‘yon ang kaligayahan nila, so hayaan na natin.”

Regine Velasquez-Alcasid on husband Ogie Alcasid’s new advocacy: “I’m very, very proud of my husband, kasi ano niya ito, e, idea niya ito, e.”


Isang sorpresa sa karamihan ang pagdating ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa launching ng OPM2Go kagabi, March 28, sa Eastwood Citywalk.

Ang maybahay ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid ay nagbigay-suporta sa kanyang mister at naghandog pa ng kanta sa mga dumalo sa naturang event.

Pagkatapos ng kanyang performance ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Regine.

Ano ang masasabi niya na mayroon nang OPM2Go na ang layunin ay mapalawak ang local music industry o OPM?

“I’m very happy,” ngiti ng Asia’s Songbird.

“Actually, no’ng kinukuwento pa lang sa akin ito ng asawa ko, na-excite na ako agad, e.

“Kasi alam ko na kailangan natin ng ganito, e. Para mabuhay ulit ang ating industriya at saka para mas madali na makakuha ng mga songs.

“Kasi puwede sa phone lang, madaling mag-download, ang dali.”

SUPPORTIVE WIFE. Sa mga ganitong adhikain ni Ogie, sobra-sobrang suporta raw ang ibinibigay ni Regine sa kanyang mister.

Aniya, “Siyempre, ‘yon naman ang role ng asawa—suportahan yung mister.

“And I’m very, very proud of my husband, kasi ano niya ito, e, idea niya ito, e.

“At natutuwa ako na… it’s coming to life yung mga iniisip niya, nangyayari, natutuwa ako.

“’Tsaka ayun na nga, I’m very proud.

“We’re so blessed kasi mabait rin kasi siyang tao, kaya talagang bine-bless siya ni Lord.”

OGIE & EUGENE. May ginagawang musical film ngayon si Ogie, ang I Do Bidoo Bidoo, kung saan ang gaganap niyang asawa ay si Eugene Domingo.

Ano ang masasabi ni Regine sa pagkumpirma ni Ogie na may"love scene" sila ni Uge sa pelikula?

“Ewan ko kay Uge! Ewan ko! Hay naku, Uge! Ewan ko, hindi kita papansinin!” biro naman ni Regine.

Pagbawi niya, “No, of course, I’m so proud!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutuwa talaga ako sa project na ito [I Do Bidoo Bidoo].

“Nakakatuwa kasi no’ng nagkita kami ni Uge, talagang sabi niya, ‘Kailangan gawin ito ng asawa mo.’

“And now, I understand why—sobrang bagay talaga sa kanya.

“Kasi nakita ko na yung ibang scenes—nakakatuwa, sobrang bagay sa kanilang lahat.

“And nakaka-proud kasi musical ‘tapos music pa ng APO [Hiking Society] yung ginamit.”

(CLICK HERE for related story)

TWITTER. Mainit na pinag-uusapan ngayon ang isyu tungkol sa mga batikos na natatanggap ng mga artista sa Twitter mula sa tinatawag na "bashers."

Isa na nga si Regine sa nakatikim ng ganitong treatment mula sa Twitter users.

Matatandaang sinagot ni Regine ang ilang followers niya na pumuna sa hitsura ng anak nila ni Ogie na si Nate.

Pero kinalaunan ay humingi ng pang-unawa ang Asia’s Songbird dahil nasaktan lamang daw siya bilang isang ina.

(CLICK HERE to read related story.)

Bukod sa kanya ay naging isyu rin ang pagsagot nina Sharon Cuneta at Zsa Zsa Padilla sa bashers nila sa Twitter.

Ano ang masasabi ni Regine sa isyung ito?

“Wala, e, okay na ‘yon.

“E, ‘yon ang kaligayahan nila, so hayaan na natin,” mabilis niyang tugon.

Nagtwu-tweet pa ba siya sa kabila ng mga isyu ngayon sa social networking site?

“Yes, pero merong time na nag-stop ako.

“Kasi since alam nila na merong… iba kasi na since may pinatulan akong isa, akala nila lahat na papatulan ko.

“So, ang daming pumapasok na hindi ko naman na kailangang makita.

“So I rested for a while, but now I’m back."

“BUTIHING MAYBAHAY.” Samantala, nag-e-enjoy ngayon si Regine sa pagiging asawa ni Ogie at ina sa baby boy nilang si Nathaniel James.

Ito ang dahilan kung kaya’t wala muna siyang nakalinyang proyekto ngayon.

“Ako’y butihing maybahay muna sa ngayon.

“And I’m enjoying this rest period that I’m being given.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, pinagbubuti ko ang pag-aalaga sa anak ko, sa asawa ko.

"But hopefully I’ll be back as soon as I lose all the weight I gained during my pregnancy.

“So, ayun muna, nagpapapayat muna ako.

“E, hindi naman gano’n kadali bilang matanda na ako.

“So siyempre, mas mabagal na yung metabolism ko, mas mahirap ng magpapayat," saad ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN