Lovi Poe on doing lesbian love scenes: “Another new thing, I’m game for anything."

Lovi Poe’s acting talent shines as proven by several awards she has accumulated so far. "About six, I think," she tries to recall. The latest came from Star Awards for Movies as Best Supporting Actress. Her concentration is focused on doing good in her movies, thus perhaps, setting aside her lovelife for the moment.


Sa nakaraang 28thStar Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC), napanalunan ni Lovi Poe ang Best Supporting Actress award para sa pelikulang Yesterday Today Tomorrow.

Pero hindi ito ang una niyang acting award.

“Six, I think,” sagot ni Lovi nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ilan na ang tropeyo niya bilang aktres.

Nakausap ng PEP si Lovi sa set visit ng Legacy noong March 23 sa Timberland Sports and Nature Club sa San Mateo, Rizal.

GRATITUDE. Sa acceptance speech niya sa Star Awards for Movies, pinasalamatan ni Lovi ang mga taong nagpasaya at nagpaiyak sa kanya.

“Marami… marami. May mga tao naman na nagpasaya at nagpaiyak rin sa akin.

“Nagpasaya... marami—mga kaibigan ko.

“Actually, lahat ng tao sa buhay ko, malaki yung impact naman ng bawat tao, so thankful ako sa kanilang lahat.”

At sa mga nagpaiyak, may sama pa ba siya ng loob?

“Marami rin!” sabay-tawa ni Lovi.

“Since bata ako, hindi ko tinatanggal sa utak ko yun, nakatatak yun.

“Hindi ako nagtatanim, nakatatak lang siya.

“At least nagagamit ko siya sa trabaho ko.

“Now I know why, kasi before, may mga questions na, ‘Bakit nangyari ito sa akin?’

“Now I know why, na hindi ako makakaiyak, hindi ako makakahugot ng [emosyon] kung hindi nangyari yung mga iyon.”

“JUST FRIENDS.” Masaya ba ang lovelife ni Lovi ngayon?

“Walang lovelife, I’m just enjoying—enjoy mode," nakangiti niyang sagot.

Sila pa ba ni dating Ilocos Sur Governor Ronald Singson?

“No, magkaibigan kami," mabilis na sagot ng Kapuso actress.

“We have the same circle of friends, of course, hindi maiiwasan yung magkasama kami wherever... events or anything.

"But we’re not back together.”

Ano ang pumipigil para magkabalikan sila?

“Well ano, e, na-realize ko lang na mas okay lang na mag-isa.

“I don’t want any... parang distractions first ‘coz yung focus ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Especially now sa Legacy, masaya ako with my role, with my character [na] ayoko namang sayangin.

“Parang gusto ko wala muna akong stress, wala akong ibang iniisip.”

Hindi raw nanliligaw ulit sa kanya si Ronald.

“A, hindi naman. He knows naman na we should be friends first.”

LEGACY OF LEGACY. Ang Legacy na primetime drama series ng GMA-7 ang isa sa mga nagmarkang TV project ni Lovi.

“I’m so happy talaga kasi gusto ko yung role ni Natasha kasi totoong tao siya…

“Mabait siya sa mga taong mahal niya, pero sa mga hindi niya gusto, pinapakita niya.”

May eksenang isinubsob siya ni Cherie Gil, na gumaganap bilang kanyang ina, sa basurahan. Kumusta ang eksenang yun?

“Okay lang, tama lang naman.

"But then, ang galing ni Miss Cherie Gil! I was like… anong oras na ba nun?

“Madaling-araw na, kaya ang hirap ng umiyak ‘pagka ganoong oras.

“Pero may part dun na niyakap ako ni Miss Cherie and then very psycho yung dating niya, doon ako lalong…

“So, ang saya, because of course, everytime, naii-starstruck pa rin ako kay Miss Cherie.

“Kasi she’s playing my mom, ’tapos lagi ko siyang kaeksena kaya super-happy ako.”

Nananaig ba ang pagiging fan niya kapag kaeksena niya si Cherie?

“Nung first day, first scene ko with her, talagang kinabahan ako.

“Super natural lang siya, so I had to brush it off na kunwari hindi siya ang kaeksena ko, para ma-overcome ko.

“But then ayun, she made me feel very comfortable; she’s very nice and very sweet.”

VACATION TIME. Super-bonding na rin daw sila ng mga co-stars niya, lalo na sina Alessandra de Rossi at Heart Evangelista.

Sila nga ang magkakasama sa Holy Week.

“Oo , eah, nag-iisip kami ni Alex ’tsaka ni Heart na umalis," banggit ni Lovi.

Nagkuwento rin si Lovi tungkol sa mga eksena nila ni Alex sa Legacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natatawa ako! Sa rehearsal, tatawa muna ako, and then ‘pagka take, doon lang ako magseseryoso.

“Kasi tuwing rehearsals, natatawa ako sa kanya!”

May pressure ba siya na husayan niya ang pag-arte dahil mahuhusay ang mga kasama niya sa Legacy at para huwag siyang masapawan?

“Hindi, ang maganda nga, because there’s nothing sa amin yung nagpapatalabugan.

“It’s… whatever comes naturally and then kung kaninong moment yun, moment niya yun. There’s no such thing as stealing the moment.

“I think that’s very important when it comes to work, hindi kailangan ng ganun.”

NETWORK TRANSFER. May isang taon pa ang kontrata ni Lovi sa GMA-7.

Pero tulad ni Paulo Avelino, hindi kaya ilipat siya sa ABS-CBN ng manager nilang si Leo Dominguez? Papayag ba siya?

“Wala naman kaming napag-uusapan na ganun, so far.

“That part, I don’t know.

“I’m just ano lang naman, as long as I’m given the right stuff, I’m fine naman.

“So far naman, I’m happy with Legacy.

“So as long as tama lang yung ano, I’m happy naman," sabi ni Lovi.

NO LIMITATIONS. May eksenang "tomboyan" daw sa bago nilang movie ni Jennylyn Mercado, papayag ba siya sa daring scenes sa kapwa niya artistang babae?

“A, really? Hindi pa po namin napag-uusapan, but then let’s see…

“Another new thing, I’m game for anything.

“Kasi when it comes to acting naman, it’s like… people are smart enough naman to know it’s for the movie, it’s work.

“I think it’s time na rin na we evolve into new things…

"Like in Legacy, ang daming pinapalabas ngayon na ngayon lang pinapakita sa teleserye.

“Na so far, I mean, iyon ang napansin ko, it’s nice to do that kasi if you always have limitations, where’s the fun in that, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What’s new ‘pag paulit-ulit na lang?”

CHALLENGED. Ano ang mas gusto niya—siya yung girl or siya ang tomboy?

“I’d love to do… kahit ano, e, kahit ano sa akin.

“’Pag natsa-challenge ako, mas masaya ‘pag natsa-challenge ako.”

So, kung siya ang tomboy ang role at may kissing scenes, okay lang?

“Okay lang.”

“E, kasi sa Legacy, may eksena na si Alex kiniss ko… pero hindi torrid.

“You know, it’s hard for me to say, but if iyon naman [torrid kissing] ang papagawa sa akin… ewan ko, bahala na!”

Hindi ba nagagalit ang mommy niya, ang dating aktres na si Rowena Moran, kapag nagpapaka-daring si Lovi?

“No naman, no naman, ’coz of course, there’s a limit.

"But there are times naman na you have to cross the line a little bit.

“She’s happy kasi when she watches Legacy at kung anuman ang ginagawa ko sa TV.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN