Part 1. Marvin Agustin wants his life story to be an inspiration to others

Marvin Agustin has proven that anyone can be successful in his chosen endeavor once he puts his heart into it—and he calls it passion. He considers his ventures not as a business but an opportunity to help the unemployed and provide them direction.


Patuloy na itinatanggi ni Marvin Agustin na isa siya sa pinakamayamang artista sa local showbiz dahil sa pagkakaroon niya ng restaurants na nagkalat sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Kapag pinalalabas na ni Marvin sa mga press na subsob siya sa trabaho, ang dating ay hindi pa kuntento ang aktor sa kanyang kayamanan.

“No, alam n’yo naman, di ba?

“Before, I used to work for the money, now I work because I’m passionate about this.

“Ang sarap lang na sa negosyo namin, ang dami mong natutulungan.

“Everytime you open a restaurant, mag-e-employ ka at marami kang pamilyang natutulungan. It’s more on that.

“At masarap ring mag-guide yung mga employees mo sa kumpanya, yung hanapin yung direksiyon nila sa buhay,” paliwanag ni Marvin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

JUST ENOUGH. Nilinaw ni Marvin na hindi naman ganun malaki ang kinikita niya sa kanyang restaurant.

Aniya, “Yung sa restaurant, hindi naman siya gano’n kalaki, honestly, kasi you keep on expanding, e.

“So, yung investment namin, kumakalat sila. Kaya hindi pa kami nakakapag-return of investment agad-agad.

“Nasa expansion level kami. Right now, we have 24 stores, iba-ibang branch na.

“Yung kinikita ko sa showbiz, napupunta ’yan sa mga bata, sa gastusin sa bahay, ganun.”

Secured na ang kinabukasan ng kanyang kambal—ang six years old nang sina Santiago at Sebastian.

“That’s one thing I made it sure.

"Kasi, yun yung gusto kong alagaan—yung edukasyon nila.

“Though, hindi ko naman ibinibigay lahat dahil gusto ko meron rin silang paghirapan eventually.

“Kasi, ayaw ko rin silang makaramdam ng comfort, baka maging tamad yung mga anak ko.

“So, ayoko yun," saad ni Marvin.

Ano ba ang gusto niyang makita sa mga anak paglaki ng mga ito para masabing may pinaghihirapan sila sa buhay?

“Sa trabaho, kahit ano, kung ano ang gusto nilang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang yung isa, gustong sumali sa American Idol.

“Tatawag sa akin, ‘Dad, I wanna join American Idol!’ Uy, English speaking…sa international school sila nag-aaral.”

“They have options because they’re American citizens.

“Kung gusto nilang mag-aral sa ibang bansa, hindi mahirap.

“Bahala sila, ako naman magga-guide lang whatever they do with their lives.”

SHOWBIZ KIDS. Hindi lang daw sa American Idol gusto sumali ng mga anak niya.

Noong uso raw ang Junior MasterChef ay gusto rin daw ng mga itong sumali.

Kaya nga raw feeling ni Marvin ay may hilig talaga ang kambal niya sa showbiz.

“Tingin ko performers, e. ’Pag sumasama sa akin sa shoot, gusto magpakita sa camera. Yung ganun,” kuwento ni Marvin.

Alam ba ng mga bata na artista ang ama nila?

“Oo, alam nila. Like no’ng mag-mall tour kami nina Judy Ann [Santos] for Househusband.

“Kasi yung DVD release nun, kumpanya namin ang nag-release, sumama sila.

“So, habang naglalakad kami, napapatingin sila sa akin, nagtataka kung bakit maraming guards.

“’Dad, why did they know you?’ Tanong sila nang tanong.

“Alam nila I’m an actor, pero hindi nila alam yung popularity o yung pag-artista ka, kilala ka ng halos lahat.

“Tatanungin ka nila, ‘Why is she talking to you?’

“Sasabihin ko, ‘Coz she’s a friend. You see if you’re a good boy, you’ll have a lot of friends.’”

SILENT MILLIONAIRE. Kahit sinasabi ng marami na silent millionaire na si Marvin, palagi pa rin niya itong kinukontra at sinasabing marami lang siyang pinagkakaabalahan.

Suspetsa tuloy ng marami ay ayaw lang nitong mapag-initan ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

“Maayos naman ako sa mga taxes,” mabilis niyang depensa.

Mas gusto raw kasi ni Marvin na pag-usapan siya para maging inspirasyon sa lahat kaysa uriratin kung gaano na siya kayamanan.

“I’d like my story to be an inspiration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman totoo na mayaman ako.

“Gusto ko maging inspiration ang story ko na hindi hadlang ang kahirapan o pinag-aralan.

“Nasa drive talaga ng tao kung meron siyang gustong marating sa buhay, no matter how hard that goal is…

“Kung gusto talaga niya, gagawin niya.”

Nakakaramdam ba siya ng pagkainis dahil ang tingin ng marami ay napakayaman na niya?

“Hindi naman, I’m sure natutuwa sila.

“Minsan nangyayari lang sa pelikula na mascot dati, waiter dati, ngayon may-ari na siya ng restaurant.

“Masarap rin sa akin. I’ll try to be a good example…

“I’ll try to be somebody na… gusto ko ’pag nakikita nila ako, gusto nilang matupad ang mga pangarap nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN