Part 2. Marvin Agustin prides himself on being "practical"; reveals reported Madonna concert will not push through this year

Marvin says he makes it a point to spend time with his kids. With skype and the internet, Marvin is now able to keep in touch, virtually, with his children. He relates: “Nasasanay na kasi sila kapag out of the country ako so, kahit nasa Manila ako, pag nai-skype kami, akala nila nasa abroad pa rin ako."


Sa listahan daw ng mga kuripot sa showbiz ay hindi puwedeng mawala ang pangalan ni Marvin Agustin.

Ano ang reaksiyon dito ni Marvin?

“Hindi naman ako kuripot, praktikal lang… O, di ba, may term? Alam kung paano sasagutin?” natatawang sabi ng actor-entrepreneur.

Pero dugtong niya, “Sinasabi ko naman kasi sa kanila na may tamang panahon para gastusin mo ang ganitong bagay, di ba?

“Parang may tanong nga sa amin, e, bakit raw hindi ako nagsi-share o nagdu-donate. Mga ganyan-ganyan.

"Those things I do but I don’t announce those anymore.”

Ano yung mga pagkakataong gumagastos o naglalabas siya ng pera para sa sarili niya o sa mga taong mahal niya?

“Sa mga bata… sa school nila, sa education nila.

“Mahal ang eskuwelahan nila kasi international school, ’tapos dalawa nang dalawa. So, times two na yun!”

ENDORSEMENTS. May potential na maging commercial endorsers ang kambal ni Marvin, pero kapansin-pansin na wala pang nagagawang TV ad ang mga ito.

Tumatanggi ba si Marvin sa mga TV ad offers?

“Yung mom nila, parang mas ano, e… sabi niya, ‘High profile na nga ako, yung mga anak ko na naman.’

“Sabi niya, ‘Saka na lang, hindi naman mawawala yun.’

“Partnership namin ito ng mom nila.

“Whatever her decision, yun na rin ang sinusunod ko," paliwanag niya.

SEPARATION. Pagdating naman sa sitwasyon nila ng ina ng kanyang mga anak, na magkahiwalay sila, hindi pa raw nila ito ipinapaliwanag sa kanilang mga supling.

“Hindi pa kami nag-e-explain, pero alam nila na nasa mom nila sila nakatira.

“Minsan nagtatanong sila kung bakit sa bahay ng mom nila sila nakatira.”

Nararamdaman ba ng mga bata ang sitwasyon nila, kung nahihirapan ba sila?

“It never became hard on us since we never practice naman yung nakagisnan nilang magkasama kami. Hindi, e.

“Ang nakagisnan nila, we have separate, different houses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa namin ini-explain yung sitwasyon namin ng mom nila.

“Actually, akala nga nila OFW ako!

“Kasi minsan, there were times na the whole week, even weekends, hindi nila ako nakikita.

“Mag-i-Skype lang kami, magtatanong sila, ‘Daddy, is it nighttime there?’

“So, sa sobrang busy lang.

“Nasasanay na kasi sila kapag out of the country ako, so kahit nasa Manila ako, ’pag na-i-Skype kami, akala nila nasa abroad pa rin ako.

“Nagtatanong sila, ‘Daddy is it night time there?’ ’Uy, nandito lang ako sa Pilipinas!’" natatawang kuwento ni Marvin.

Dagdag pa niya, “Alam naman nila, e, hindi lang nila nakagisnan na magkasama kami.

“Nararamdaman naman nilang masaya kami, walang away, positive.

“Nagkakasama kami minsan ‘pag dinner o ‘pag ipinapasyal yung mga bata.”

Tuwing weekends lang daw nakakasama ni Marvin ang kanyang mga anak, pero ngayong nalalapit na ang showing ng pelikula niyang Moron 5 and The Crying Lady, may mga weekends na hindi niya nakakasama ang mga anak.

“Naiintindihan naman nila, kasi sinasabi ko naman sa kanila na ganito yung work ko.”

MOVIES VS TV5 OFFER. Pagdating naman sa kanyang TV career, inamin ni Marvin na may offer sa kanya ang TV5.

“Oo, hindi ko naman puwedeng sabihing wala.

“Pero nasa point ako ngayon na parang parang gusto ko munang mag-pelikula.

“May gagawin akong isa pang movie, ’tapos nagpu-produce ako ng TV show with TV5 [Kanta Pilipinas].

“Parang masyado akong malu-lose focus ako kung magsu-soap ako ngayon.

“So, siguro magsu-soap ako ‘pag pa-third quarter na ng taon," sabi niya.

MADONNA CONCERT. Nagbigay rin ng pahayag si Marvin tungkol sa balitang production company raw nila ang magdadala kay Madonna dito sa Pilipinas.

“Gusto namin… ’eto na yung statement ko para hindi nakakalito…

“Gusto namin, pero hindi pa ngayon dahil medyo mahal pa at saka wala na siyang available time this year.

"Gusto talaga namin… we had talks pero I can’t confirm when…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mahal nga lang, sobrang mahal!” bulalas niya.

Dagdag niya, “Pero may dadalhin kami, hindi pa one hundred percent confirm.

“May solo, may grupo… tatlong act ang dadalhin namin, puro American artists lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN