PEP EXCLUSIVE Part 1. Mark Herras on competition among StarStruck grads: "Never akong nainggit... hindi ako nakikipag-compete sa kanila."

Mark Herras on his status as a Kapuso star: “Siguro I’m just enjoying kung anong meron ako ngayon. Kahit malaki yung mga katawan nila, hindi naman ako nawalan ng career. I mean, hindi naman ako natahimik… hindi natahimik yung showbiz career ko. Hindi naman ako naitsapuwera ng GMA, di ba? Hindi naman ako pinabayaan ng GMA. And I’m very happy and very thankful sa GMA, hindi nila ako pinabayaan.”


Nagliwanag ang mukha ni Mark Herras nang pansinin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na medyo nagkakalaman na siya. Hindi tulad noon na payat ang kanyang pangangatawan.

Eksklusibong nakausap ng PEP si Mark sa thanksgiving presscon para sa patuloy na pamamayagpag ng Afternoon Prime ng GMA-7 noong Martes, March 27, sa Studio 6 ng GMA Network.

Kabilang si Mark sa cast ng Hiram Na Puso, kung saan siya ang leading man ni Kris Bernal.

Nang batiin namin si Mark ay dire-diretso na siyang nagkuwento ng mga ginagawa niya kung bakit mas naging okay ang katawan niya ngayon.

Madalas kasing mapuna ang kanyang kapayatan noon.

Sabi ni Mark: “Actually, nakatulong sa akin yung kain talaga!

“Actually, nagwu-workout ako, pero sa bahay lang.

“Kasi may gamit naman ako—may plates ako, may bar, may barbell ako, ‘tapos may push-up bars ako.

“So, mas okay sa akin yung gano’n kasi hindi ko naman talaga target na talagang yung sobrang… well, siguro mga next year or eventually this year.

“Pero sa ngayon kasi, para lang hindi ako pumayat, kain lang ako nang kain.

“’Tapos normally, kapag wala akong trabaho, kunwari wala akong trabaho the whole day, puwede akong mag-workout sa morning.

“‘Tapos ‘pag medyo na-bored ako sa hapon, bago matulog…

“One time, galing ako sa Party P [Pilipinas] rehearsal, so galing ako sa sayaw, yung energy ko, ang taas pa.

“E, kailangan ko nang matulog kasi maaga ako ng Sunday, ginawa ko, nagpagod ako sa push-ups ‘tapos dumbbells.

“Siguro after 30 [minutes] to one hour yata, bagsak ako!”

FOR HIMSELF. Naitanong namin kay Mark kung may kinalaman ba ang “pagpapalaki” ng katawan upang masabayan ang ibang male stars ng GMA-7 na nagpapalaki talaga ng katawan.

Sagot ng 25-year-old actor, “Actually, hindi pa naman ako nakikipagtagisan ng katawan sa kanila.

“Kasi, like for example, we have Aljur [Abrenica], we have Enzo [Pineda], we have Rocco [Nacino]…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro sa ngayon kasi, gusto ko lang na maayos lang yung katawan ko.

“Parang maalis lang sa akin yung payat na image, na parang, ‘Ano ba ‘yang si Mark, hindi naman tumataba, lagi na lang gano’n!’

“So, this time, salamat at napansin n’yo na nag-gain na ako ng weight.

“Hindi pa nga halata kasi sabi ni Rochelle [Pangilinan], ‘Ang payat mo sa suit mo.’

“‘Tapos ngayon,” patuloy ni Mark, “ang ginagawa ko naman, bukod sa lakas kong kumain, nagbawas ako ng kanin.

“Kasi ang daming nakakapansin, ‘Uy, ang laki ng tiyan mo!’

“Sabi ko, ‘Sa kakakain ko ‘yan, e.’

“Nung first, mahirap, e. Kasi talagang literal, minimum of two cups of rice ako, e.

“Ganun ako kumain, e. Kanin, carbs talaga ako, e.

“So, bigla akong nagbawas.

“‘Pag gabi, hindi ako nagka-kanin. Or mag-kanin man ako, sobrang half lang.

“‘Tapos ‘pag lunch, medyo lagpas ng one cup of rice.

“So, ganun lang ang ginagawa ko ngayon.

“Hindi pa naman ako yung talagang sumasabay dun sa talagang ripped yung katawan.”

COSMO BACHELOR BASH. Noong isang taon ay rumampa si Mark sa Cosmo Bachelor Bash. Pero hindi gaanong naging maganda ang resulta ng pagrampa niya dahil marami ang nakapuna na wala sa kundisyon ang pangangatawan niya noon.

Natawa si Mark nang tanungin namin kung “reresbak” ba siya ngayong taon sa Cosmo Bachelor Bash.

“Oo nga, e… Sabi ko nga, nakita ko yung inilabas na picture actually ng PEP, sabi ko, ‘Ano ba naman ‘to? Ang dami-daming picture na maganda, yung tiyan ko pa yung nakita talaga!’

“Kasi nagse-search ako sa Internet, pina-flash yung mga pictures, sakto talaga pa-rip ako ng shirt, hindi naka-ano yung tiyan. Yun, nakita talaga!”

Sabi pa ni Mark, “Siguro if ever na parampahin ako siguro this year, aalamin ko nang mas maaga.

“Actually, nung Cosmo Bash last year, nasabihan ako two weeks before the ramp, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, talagang I don’t have any time to prepare.

“Nagte-taping pa kami ng Time of My Life no’n, so sobrang ngarag.

“And before that night, nung Cosmo Bash, galing pa akong taping, so wala akong time kahit papaano mag-workout during the day.

“Talagang pagdating ko sa backstage, do’n ako bumubomba… para akong gago sa likod!

“Buti na lang kamo, may mga nakasabay din ako na…

“Pero sabi ko, ‘First ramp ko naman ‘to, first Cosmo Bash ko naman ‘to…’

“In-enjoy ko lang actually. Sobrang nag-enjoy lang ako sa ramp na ‘yon.

“And if ever nga, kung paparampahin nila ako this year, siguro dapat malaman ko na two to three months before.”

Talagang paghahandaan na niya?

“Hindi naman siguro yung sobrang wasak, pero kung ano ang maa-achieve ko siguro na makapag-revenge lang dun sa last year, di ba?

“Pero kung sakaling talagang sabihin nila na, ‘You have to prepare for this year, ito ang gagawin namin sa ‘yo…’ siguro, maybe.”

MARK’S PEG. Nabanggit din ni Mark sa PEP na kung hindi man siya kagaya ng ibang Kapuso male stars na nagpapalaki ng katawan, ito ay dahil iba ang nais niyang sundan na yapak.

“Kasi actually, ang peg ko ha, yung peg ko kasi si Kuya Aga [Muhlach]!” pagtatapat niya.

“Actually, lately lang siya nagpakita ng katawan, e.

“Yung isang movie niya with Anne [Curtis]… grabe na yung katawan niya do’n. ‘Tsaka yung with Angelica [Panganiban].”

Sabi pa niya, “Ang gagawin ko talaga is one at a time.

“I mean, napansin naman ako this year dahil sa Hiram Na Puso na, ‘Uy, kaya pala ni Mark gumawa ng mga heavy scenes! Kaya pala niya ngumalngal, kaya pala niyang ngumawa!’”

May impression ba sa kanya noon na hanggang pagpapa-cute lang ang kaya niyang gawin?

“Hindi naman, actually,” tugon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When it comes to acting naman kasi, hindi naman puro pa-cute yung naipapakita ko.

“Nasubukan na nila ako… like may ginawa kaming Blue Moon before—heavy [drama] movie with Tito Eddie Garcia, Tito Boyet de Leon, Dennis Trillo…

“And nakagawa ako ng mga indie films before…

“Hindi naman nila ako sinasabihan ng ‘Ano, puro pa-cute lang ka lang,’ kasi hindi naman nila nakikita when it comes to acting.

“Siguro physically, sa katawan, siguro sinasabi, ‘Ano ba, parang ayaw mong magpalaki ng katawan?’

“Siguro do’n lang nila ako napupuna.

“Pero when it comes to acting, hindi naman nila ako nasasabihan.”

FIRST STARSTRUCK WINNER. Si Mark Herras ang kauna-unahang male winner ng reality-based artista search ng GMA-7, ang StarStruck.

Magmula nang manalo sina Mark at Jennylyn Mercado noong 2004 ay nagkaroon na limang batches ang StarStruck.

Sa tuwing may bagong batch ng StarStruck, hindi ba nakakaramdam si Mark ng inggit o di kaya’y pakiramdam na tumatanda na siya o di kaya’y napag-iiwanan na siya?

“Actually, mas matanda talaga ako sa kanila, given na ‘yon!” tawa ni Mark.

Dadag niya, sa seryosong tono na, “Kasi ako, since the day I started doing showbiz, and since the day na alam kong may dumarating na bago—Batch 2, 3, 4 hanggang 5, last sila Rocco—lagi kong sinasabi sa sarili ko na…

“Actually, hindi ako naiinggit, e. That’s my point.

“I mean, never akong nainggit do’n sa mga ka-StarStruck ko.

“At the same time, hindi ako nakikipag-compete sa kanila, e.

“Pero siyempre, normally, nasa showbiz tayo, you have to look good…

“Pero siguro ang ginagawa ko lang is mas inaayos ko muna yung… like dun sa acting, e…

“Hindi ako yung tao na kailangan kong makipagsabayan sa kanila.

“For example, like yung kay Aljur, yung napupunta sa kanila, I’m happy for him.

“Like si Rocco, sobrang natutuwa ako dahil, di ba… I mean, nandiyan sila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, never naman akong nagsalita na parang, ‘Hanggang dito na lang ako.’ Parang gano’n.

“Siguro I’m just enjoying kung anong meron ako ngayon.

“Kahit malaki yung mga katawan nila, hindi naman ako nawalan ng career.

“I mean, hindi naman ako natahimik… hindi natahimik yung showbiz career ko.

“Hindi naman ako naitsapuwera ng GMA, di ba? Hindi naman ako pinabayaan ng GMA.

“And I’m very happy and very thankful sa GMA, hindi nila ako pinabayaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN