PEP EXCLUSIVE: Zsa Zsa Padilla assures public Dolphy is doing "good"; says daughters Karylle and Zia are "coasts apart"

Zsa Zsa Padilla on overcoming trials: “I pray a lot. I go down on my knees and pray. A lot of phases are tough, and I have to admit there are some problems about money—not only my family butother people that’s an extension of our family. So, there are things that need to be ironed out. Marami, maraming problema na kasama and you’re going in the hospital sometimes. It’s tough talaga."


Masaya si Zsa Zsa Padilla sa itinatakbo ng career ng kanyang mga anak na sina Karylle at Zia Quizon, na katulad niya’y nasa music industry na rin.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa kahapon, Marso 29, sa set ng pelikulang I Do Bidoo Bidoo sa Liliw, Laguna.

“I was crying,” sabi ni Zsaz Za nang tanungin namin ang kanyang reaksiyon sa pagkapanalo ni Zia ng Favorite New Artist award sa MYX Music Awards.

“It was overwhelming!

"It’s very refreshing kasi a lot of people love Zia, and a lot of artists actually come up to me and say, ‘Your daughter is really fantastic, we love her voice.’

“It’s refreshing to hear her voice, she’s a contra-alto, it’s very rare especially in the Philippines where we are overloaded with sopranos and belters, and we hear this girl with a different voice, with something new to offer.”

COMPARING HER DAUGHTERS. Samantala, hindi naman maiwasan na mapagkumpara ang mga anak niyang sina Karylle at Zia.

Una nang sinabi ni Zia sa isang panayam noon na hindi siya maaaring ikumpara sa kanyang nakatatandang kapatid.

Paliwang ni Zia, “It’s just that, you know, we’re very different—we have different voices, I guess.

“My influences are more mas rock, RnB, and soul, and jazz

“They are more of mga pop, ’yong mga birit na kanta, which is a different interpretation.”

(CLICK HERE for related article.)

Ang opinyon na ito ni Zia ay siya ring sentimiyento ng kanyang ina.

Sinabi ng Divine Diva sa panayam sa kanya ng PEP: “I don’t know why people do that because they are coasts apart.

“I mean, compare me and Karylle, yes, because we sound alike, right?

“But silang magkapatid shouldn’t be, and we’re not in competition with anyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, we’re all… but people are like that, I guess—they just want to compare.”

Pero kahit ano pa man daw gawing paghahambing sa magkapatid, natutuwa si Zsa Zsa dahil hindi sila apektado nito.

“They are sisters, come on!” natatawang sabi niya.

“If people kunwari would tell me, ‘Your daughters are really good singers, they are shinning, ganyan,’ be happy, I’m their mother.

“In the same light, if people tell Zia, ‘Zia, I love your sister,’ she will be happy for her sister.

“Kanya-kanyang taste, e, kanya-kanyang gusto, di ba?”

ON DOLPHY. Napag-usapan na rin lang ang kanyang mga anak, hindi na rin nakaiwas si Zsa Zsa na mapag-usapan naman ang ama ni Zia na si Dolphy.

Bagamat hindi sila kasal, mahigit 20 taon nang nagsasama sina Zsa Zsa at Dolphy.

Bukod kay Zia ay may isa pa silang anak—si Nicole.

Si Karylle naman ay anak ni Zsa Zsa sa dati niyang asawa na si Modesto Tatlonghari.

Hindi na masyadong nakikita ng mga tao si Dolphy, simula nang lumabas ang balitang na-ICU ito dahil nahihirapang huminga.

Mula noon ay iba’t ibang espekulasyon na ang nagsilabasan sa tunay na kalagayan ng Comedy King.

Pero ayon kay Zsa Zsa, “Right now, he’s good naman... right now.

“Kasi they don’t see him anymore.

“Actually, it’s up to us if we want to, you know… It’s just that he can’t be around people ’coz he’s compromised.

“He easily catches a cold or cough, and for his age, it’s really dangerous because he has the tendency to get pneumonia.

“It’s hard because, you know, he battled with pneumonia so many times the past few years that, you know, it’s hard.

“’Coz a lot of times, he’s okay in the hospital, then something happens, you know, he’s not so good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re just happy that right now he’s in a good place.”

PRAYERS. Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok sa buhay ni Zsa Zsa ngayon, nananatili raw siyang matatag sa tulong ng panalangin—at dahil na rin sa kanyang mga anak at kay Dolphy.

“I pray a lot,” nangingiting sabi ng singer-actress.

“I go down on my knees and pray.

“A lot of phases are tough, and I have to admit there are some problems about money—not only my family but other people that’s an extension of our family.

“So, there are things that need to be ironed out.

“Marami, maraming problema na kasama and you’re going in the hospital sometimes.

“It’s tough talaga.

"Kaya that’s why I cried when I said goodbye with my Budoy family.

"I said, ‘I will miss you guys.’ Kasi you don’t know, they have been really good with me.

“Of course, I always come back to my girls. And as long as they are there for me, I’m alright.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN