PEP Exclusive: Mark Escueta talks about simple joys with Jolina Magdangal

Mark Escueta shares relationship with Jolina Magdangal: “Parang nagsimulang mag-grow yung relationship as a married couple, so that’s a good kind of adjustment.”


“Okay na okay.

“Naghahanap ng bahay,” mabilis na tugon ni Mark Escueta nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang buhay nila ng asawa niyang singer-actress na si Jolina Magdangal.

Aniya, “Kasi ngayon nakatira kami sa house ng parents ko sa Parañaque.

“Kaya naghahanap ng sarili namin.”

Kumusta naman ang buhay may-asawa?

“Sobrang tagal na namin—kaka-four-month anniversary lang namin, so masaya, masaya, masaya!” nagagalak niyang sabi.

Ikinasal ang dalawa noong November 21, sa Splendido Golf and Country Club, Tagaytay.

GROWING TOGETHER. Ngayong kasal na sila, may magandang pagbabago sa kanilang buhay.

Kuwento ni Mark, “In a way, mas simple—siyempre kasi, alam mo ‘yon, pagmag-boyfriend and girlfriend kayo medyo... hindi mo pa alam kung ano mangyayari in the future, e.

“Meron pa kayong mga tanong na ‘Tayo na ba talaga?’ o kung mga kung ano.

“Pero ngayon na kasal na kayo madali na, alam niyo na.

“Pinagpaplanuhan niyo na yung future niyo, magiging family niyo.

“At yung career naging twice as important kasi may isa pang purpose, e.

“So, kaya para sa ‘kin mas naging simple na siya.”

Nasa adjustment period pa rin ba sila?

“Oo, adjustment in a good way,” mabilis niyang tugon.

Paliwanag nito, “Parang nagsimulang mag-grow yung relationship as a married couple, so that’s a good kind of adjustment.”

DELAYED HONEYMOON. Pagkatapos ng kasal, hindi nakapag-honeymoon sina Mark at Jolina dahil sa dami ng kanilang commitments sa trabaho at sa kanilang mga pamilya.

“Actually hindi pa kami nakapag-honeymoon, so hopefully baka this summer.

Bakit hindi pa sila nakapag-honeymoon?

“Ano, no’ng una nag-entertain pa kasi kami ng mga relatives namin.

“‘Tapos naglipat kami.

“‘Tapos ngayon nag-a-adjust kami sa pagkalipat namin, so ayon.

Saan naman kaya nila planong mag-honeymoon?

“Number one choice namin is Alaska sana.

“Gusto naming makita yung Northern Lights na in person, pero ‘yon pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi, suyurin namin yung mga bansa sa Europe, ‘tapos magco-commute lang kami.

USAPANG BABY. Hindi sila nagmamadaling magkaroon ng anak.

Aniya nga, “Basta kung kailan dumating okay kami.

“Open kami kahit this year or next year.”

Ilang kids ba ang gusto nila?

“At least two, two—isang boy and girl.

“Kung sabay okay lang sa akin, kambal,” biro pa nito, sabay tawa ng Rivermaya drummer.

JOLINA AS AN ACTRESS. Natanong na rin ng PEP si Mark kung ngayong mag-asawa na sila ni Jolina, binibigyan ba niya ng limitasyon ang mga tatanggapin nitong mga roles.

Mabilis niyang sagot, “Sa ngayon wala, wala naman.

“Wala pa namang limitations, and if ever man magkaroon ng ano, lahat naman napag-uusapan namin, e.

“So it shouldn’t be a problem.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN