Kiray Celis proves her acting skill through series of film projects

Kiray Celis “claims” that since Mara Clara started, “do’n na talaga nalaman ng mga tao na hindi lang basta comedy ako.”


“Actually last year pa lang taon ko na, e, ‘yong Mara Clara year.”

Ito ang naging pahayag ng batang aktres na si Kiray Celis ng amin siyang makapanayam kahapon, Marso 29, sa set ng upcoming film na I Do Bi Doo Bi Doo sa Liliw, Laguna.

Aniya, “I claim it na taon ko na talaga ‘yon, kasi do’n na talaga nalaman ng mga tao na hindi lang basta comedy ako.

“Kasi do’n ko din napatunayan na, ‘wow, kaya ko rin magtaray,’ kasi ang role ko do’n maliit na nang-aaway, e.

“Kasi maliit talaga akong natural, e, talagang sobrang tapang ko na kaya kong awayin si Mara at si Clara sabay.

“So, ang daming naloka do’n, so masaya ako kasi napatunayan ko… kasi sa Going Bulilit, ako ang inaapi do’n. No’ng nag-Mara Clara ako, do’n ko napatunayan na puwede rin pala akong mang-api.

“So, ‘yon ngayon tina-try ko na ‘yong ibang mga genre.”

SINGING IN A MUSICAL. Bukod sa kanyang Saturday show na Luv U, abala rin si Kiray sa kanyang first musical na I Do Bi Doo Bi Doo.

Dito’y gaganap siyang isa sa mga anak nina Eugene Domingo at Ogie Alcasid, at kapatid ni Sam Concepcion na isa sa mga lead star ng pelikula.

Alangan ang iba sa talento ni Kiray sa pag-awit, at isa raw ‘yon sa mga gusto niyang patunayan sa pelikulang ito.

Aniya, “Ayon nga, na mas marami pa ang makaalam na marunong din akong kumanta. Kasi comedy din ito, e, alam na nila ‘yon, di ko na kailangan patunayan siguro.”

Tuwang-tuwa naman sumagot ang batang aktres nang tanungin namin ang karanasan niya sa isang musical.

“So exciting!” bulalas niya.

“Excited ako and siyempre ‘yong cast, super bongga. Isa na do’n si Ms. Zsa Zsa Padilla, sir Gary Valenciano, Ogie Alcasid, siyempre Eugene Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, at first hiyang-hiya akong gumalaw, kasi parang feeling ko ang hirap gumalaw sa mga kasama mo, kasi mga bigatin talaga, e.

“So nanliit ako— maliit na ako pero nanliit pa talaga ako.

“Pero pag nakasama mo na sila, masaya sobra, sobrang hyper ko sa shooting na ‘to, ay grabe talaga!

“Hindi ko alam kung ano nakakain ko dito, pero sobrang saya lang.

“‘Tsaka makakausap mo silang lahat, ang akala mo lang ang hirap nilang abutin, pero masarap silang kausap, lalo na si sir Gary, sobrang daldal.”

BUSY KIRAY. Samantala, hindi lamang sa pelikulang iyon natatapos ang listahan ni Kiray ng kanyang pinagkakaabalahan.

Bukod sa I Do Bi Doo Bi Doo, kasama rin siya sa tatlo pang pelikula: Kimi Dora Part 2, You Light Up My Life, at The Mommy Returns.

Sa pelikulang Kimi Dora, si Kiray ang gaganap na ina ng kambal na ginagampanan ng award-winning actress na si Eugene Domingo.

Sunod naman niyang ikinuwento ang magiging karakter niya sa The Mommy Returns¸ kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion, Ruffa Gutierrez, at Pokwang.

“Anak ako ni Mr. Gabby Concepcion—I’m so sorry, I’m KC Concepcion, it’s Kiray Celis so KC, ano ba ‘yon!” nagbibirong simula ni Kiray.

“So, ito ‘yong movie na bonggang make over talaga.

“Itong sa The Mommy Returns ito ‘yong pinakamaganda kong movie, diyan ako maganda talaga.

“Siyempre KC peg ko, e, ‘tsaka aawayin ko lang naman si Ruffa Gutierrez— abangan ninyo ang mga sampalan namin dito at tarayan talaga.”

Ang pelikulang ito raw ang naging daan upang madiskubre ni Kiray na marunong din pala siyang umarte.

Paliwanag niya, “Kasi maski ako sa sarili ko, kapag umiiyak ako natatawa talaga ako sa sarili ko. ‘Yong face ko parang hindi kapani-paniwala talaga.

“Pero nang makita ko ‘yong trailer namin, sabi ko, ‘shucks, puwede na akong maging artista.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon ko lang napatunayan na marunong akong umarte talaga.”

Paghanga naman sa mang-aawit na si Angeline Quinto ang paulit-ulit na ibinahagi sa amin ni Kiray nang tanungin tungkol sa pelikulang You Light Up My Life.

Bilib daw siya talaga kay Angeline na “magaling” para sa isang baguhan sa pag-arte.

Aniya, “Kapatid niya ako do’n, masaya, magugulat kayo sa isang Angeline Quinto do’n na first time umarte.

“Kasi malaki rin expectation sa amin sa movie na ‘yon kasi nga si ate Angeline, kapag sinabi mo na Angeline Quinto aarte— malabo.

“Pero kapag sinabi mo na kantahan, wala ka na masasabi do’n.

“So, ito ang first niyang pagsabak sa pag-arte agad so mataas talaga ang expectation ng mga tao, tapos si Coco martin pa ang ka-love team niya.

“Kung hindi man magaling para sa inyo, magaling siya para sa isang baguhan, sobra.

“Kasi first time niyang umarte, wala siyang alam sa pag-arte, so magugulat ka talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN