Nadine Lustre believes she improved her acting skills after doing P.S. I Love You

Nadine Lustre was thankful that P.S. I Love You was offered to her because it enabled her to improve her “drama skills.”


Matapos gawin ang primetime drama series ng TV5 na P.S. I Love You, wala pa raw bagong soap opera na gagawin si Nadine Lustre.

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa set ng bago niyang show na Sunday Funday, sa Splash Island, Biñan, Laguna.

Dito’y nabanggit niyang malaki ang naitulong sa kanya ng karanasan niya sa naturang show upang malinang ang talento niya sa pag-arte.

“‘Yong drama skill ko,” bulalas ng dalaga nang tanungin namin kung ano ang mga na-improve sa kanya matapos gawin ang nasabing teleserye.

“Kasi sabi po kasi nila, kapag nagda-drama ka parang open na open ‘yong emotions mo, parang madali kang ma-attach sa emotions mo, parang gano’n.

“So, lately parang lalo ako naging iyakin, dati emotional po ako parang mapagalitan lang ako parang naiiyak-iyak ako, ngayon lalo akong naiiyak, iyakin ako.”

BUBBLY NADINE. Samantala, bagamat wala pa siyang bagong teleserye, abala si Nadine sa Sunday noontime show ng Kapatid network na Sunday Funday.

Hindi na bago sa mga variety shows si Nadine, dahil bago pa siya lumipat ng TV5 ay lumalabas na siya sa Party Pilipinas kasama ang all-female group na Pop Girls.

Kung ang seryoso na Nadine ang nakita ng kanyang fans sa dati niyang soap opera, ang masayahing pagkatao naman daw niya ang mapapanood sa varity show na ito.

“‘Yon, makikita nila ako… hindi naman magaling, pero kung gaano kataas ‘yong skill ko sa pagsayaw.

“Singing, hindi pa po ako masyadong kumakanta dito, puro dance.

“Tapos makikita nila more on fun side ko, ‘yong makulit side, so ‘yon.”

Naging bahagi rin si Nadine ng defunct show ng TV5 na Hey! It’s Saberday.

Pero sa pagkakataong ito’y wala na ang mga naunang henerasyon sa kanila tulad nina Alex Gonzaga, JC de Vera, Arci Muñoz, at Danita Paner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya masaya man na nabigyan ng bagong show, aminado si Nadine na kabado rin siya sa magiging pagtanggap ng tao sa kanilang programa.

Paliwanag niya, “Hindi pa naman ako gano’n kakilala, mayroon nang fans pero hindi pa naman gano’n karami unlike sina ate Alex, sina ate Arci, sina kuya JC.

“Uhm, may worry pa din na baka konti ‘yong manonood, kasi siyempre sila may fan base na sila, e, medyo malaki na ‘yon, e.

“So ‘yon, medyo nagwo-worry lang ako ng konti.”

Ngunit nakangiting pahabol ni Nadine, “Pero kaya ‘yan, kakayanin ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN