What Lenten practices do stars observe?

Except for Karylle (right) who will be going out of town this Holy Week, most stars—like, (L-R) Kiray Celis and Alden Richards—will just rest and relax.


Para sa karamihan ng mga artista, ang Mahal na Araw ay pagkakataon upang makapagpahinga mula sa mga busy schedule nila.

Sa kaso ni Karylle, nakagawian na raw niyang magbakasyon kasama ang kanyang mommy Zsa Zsa Padilla at mga kapatid na sina Nicole at Zia.

Aniya, “We go to Subic Boardwalk every year.

"This year, we’ll be staging a play called Centurion’s Servant by Good Friday sa gabi.”

THE TRADITIONAL WAY. Kung bakasyon ang ginagawa ng host-singer, iba naman ang nakasanayan nina Alden Richards at Kiray Celis.

Ang Kapuso actor ay pumipirmi lamang sa bahay.

Aniya, “A, kasi my dad kasi wants us to be at one place lang during Holy Week.

“So, we probably stay home lang and then siguro Visita Iglesia sa different churches.

“Then, hindi po kami lalabas kasi we’re not raised to go out every Holy Week and go to beaches.

“So, ‘yon sa bahay lang, watch seven last words, and just keep company of each other.”

Si Kiray naman, gagawin itong bonding time ito kasama ang mga mahal sa buhay.

Ang sabi ng Kapamilya teen star, “Ano, siguro sa bahay lang, pahinga.

“Kasi sunod-sunod talaga ako ngayon, e, parang hindi ko alam ‘yong pahinga ngayon, parang kailangan ko siyang i-Google muna.

“‘Yon ang kailangan kong gawin sa holy week—igu-Google ko ang pahinga, tulog, relax, beauty rest.

“So, ‘yon pahinga ‘tsaka time with family, kasi ‘pag dumadating ako sa bahay, ligo ’tapos alis.

“So, hindi ko na din nakakausap mga kapatid ko, nakaka-miss din. ‘tsaka siguro noon ng movie with family, friends, ganyan bawi.”

Ikaw, ano’ng plano mo?

Magbakasyon ka man gaya ni Karylle o manatili sa bahay gaya ni Alden o magpahinga gaya ni Kiray, huwag kalimutan na panahon din ito para makapag-nilay-nilay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN