Rocco Nacino dares butt exposure in epic Lam-ang; hopes to reach Coco Martin’s status

Rocco Nacino is one of the fast-rising male stars of GMA-7. In just a few years, Rocco has gained credibility as an actor. He has won two acting awards and bagged the title role in the movie, Lam-ang, which is based on the Ilocano epic.


Naka-kahon na ang shooting ng historical action-drama launching movie ni Rocco Nacino ang Lam-ang. Pero hindi muna ito masisimulan agad-agad dahil hindi pa raw tapos ang vital setting ng movie ayon mismo sa aktor.

“Kinu-construct pa po ang village na gagamitin.

“So, yung expected date ng shooting naming supposedly on March 31, naurong po sa April 20.

“And yung second date ng shooting, sa May na po,” pagbabalita ni Rocco sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Maliban sa training niya sa arnis, ang Filipino martial arts na gumagamit ng yantok, paulit-ulit raw na binabasa ni Rocco ang script bilang paghahanda sa kanyang characterization at dialogues.

INDIGENOUS COSTUME. Ang proyektong ito ang pinaka-daring movie na gagawin ni Rocco, lalo’t kinakailangan niyang magsuot ng bahag.

“Opo, kita yung dito ko,” sabay turo sa magkabila niyang puwet.

“Pero wholesome pa rin po!” natatawa niyang dugtong bilang paglilinaw na hindi ito isang sexy film.

Paanong wholesome?

“Hindi ko po alam e. Nasa kanila na po yun kung gusto nilang takpan ang puwet ko!” kasunod agad ang pagtawa niya.

Pero handa ba naman siyang ipakita ang behind niya, lalo’t G-string na matatawag ang mga bahag?

“Oo nga po, e. Siyempre, gusto kong irespeto ang culture ng mga Ilokano.

"Tingnan po natin sa costume-fitting, balitaan ko kayo.”

Payag ba naman siyang ipakita ang kanyang puwet?

“Opo, I would do it.

"I would do it for my first title-role film. Anything that is needed, I would do.”

Makinis ba naman ang behind ni Rocco?

“Papakinisin natin!

"Hindi ako perpektong tao kaya… ewan ko, first time ko ’yan kung sakali.

“I don’t know what to do. Ipapakita muna natin kay Direk [Ana Agabin] kung okey.

“At tingnan natin. I really can’t say kung ano’ng mangyayari.”

PRESSURE. Maisip pa lang daw ni Rocco ang mga gagawin niya sa pelikula, ’tulad ng pagsusuot ng G-string at kung paano ang magiging acting sa movie, hindi niya maiwasang makaramdam ng pressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobra!” pag-amin niya.

“Magkakasama na po yun. Kasi kung sakali man, first time ko po [magbahag] yun.

“Hindi ko alam kung kakayanin ko, pero pipilitin ko na kayanin.

“Pero as much as possible, not too much.

“Kasi I don’t want to jump to that image agad at kung kaya pang maging wholesome.”

BUTT EXPOSURE. Nakikita ba niya ang posibilidad na kapag na-expose ang ka-macho-han niya, pagpi-piyestahan ito ng mga bading at babae?

“Sige lang, go!” mabilis niyang tugon.

“Okey lang, basta magawa ko lang nang maayos yung film—magawa ko nang maayos yung fight scenes.

“Magawa kong tama yung culture na ginagawa ng mga Ilokano.

“Basta, tama lang yung lahat. Maging masaya lang yung mga Ilokano.

“Gusto ko lang maging maganda yung film at ma-appreciate ng lahat ng tao.”

LOVE SCENES. May love scene ba sila ni Rochelle Pangilinan na gaganap na leading lady niya sa movie?

“Unfortunately no. Pero lalabas yung affection namin sa isa’t isa through our fight.

“So, may landian ’yan at away," sabi ni Rocco.

HEIGHT DOESN’T MATTER. Hindi inakala noon na magbibida si Rocco sa isang pelikula at magiging mabilis ang pag-akyat ng kanyang showbiz career dahil hindi siya katangkarang artista.

Pero napatunayang hindi totoo ito dahil sa pagbibidahan niyang big-budgeted movie at dalawang acting awards na natanggap niya mula sa Star Awards at Golden Screen Awards.

“Well, it goes to show that height doesn’t matter, height is not everything.

“I’m happy to [reach] the level of…Coco Martin!

“Alam mo yun? Ganun rin siya. Isa sa mga actors na nirerespeto at iniidolo.

“Alam kong halos pareho kami ng height, but he can still achieve great things.

“Yun ang gusto kong sundan!” saad ni Rocco.

Masasabi bang siya ang Coco Martin ng GMA-7?

“That would be great! I’d be honored to have that title.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, gusto kong maging Rocco Nacino. I want to be known as Rocco Nacino.”

BOLDEST BOLD. Pero hindi pa raw kaya ni Rocco ang magpakita ng private parts gaya ng ginawa ni Coco sa Serbis.

“Mas gusto ko pong to give what I can for now and hindi madali yung ginawa ni Coco, hats off to him.

“Ganun siya ka-professional kaya nagawa niya yun. Ako, I still have my limits, e.

“I’m still very early in my career. Mahirap mag-jump sa gano’ng klaseng image or portraying role.

“How far can I go?

“Ganito pa lang… like dito sa Lam-ang.

“That’s how far I would go… G-string, I can do that, I hope.”

Maliban sa Party Pilipinas, napapanood din si Rocco sa daytime drama series na The Good Daughter sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN