Jake Cuenca denies that his recent tweets refer to ex-girlfriend Melissa Ricks

Jake Cuenca on using Twitter to vent his feelings: "I’ve learned my lesson; I don’t want to do that again. Too many people react to it. Basta ako, I will never say anything bad to anyone. Paniniwala ko yan bilang isang tao—if you have nothing good to say, don’t say anything at all. Those [tweets] things naman were pertaining to myself."


Marami ang nakapansin na emosyonal ang mga pino-post na tweets ni Jake Cuenca.

Walang nakakaalam kung sino ang pinatutungkulan pero kung ang pagabasehan ay ang tema ng mga mensahe, may matinding aspeto ng buhay ang pinagdaraanan ang aktor ngayon.

May sinabing “karma” si Jake na alam na raw niya ngayon.

Inaakala ng iba na may kinalaman ito kay Lovi Poe na minsang na-link kay Jake bago pa man nakalaya si Ronald Singson at nababalitang nagkabalikan na ang dalawa.

Sa presscon cum press preview ng Kung Ako’y Iiwan mo nuong Thursday, March 29, sa 9501 Restaurant, ELJ Building sa ABS-CBN, ipinaliwanag sa amin ni Jake kung ano talaga ang tunay na saloobin niya sa mga na-post niyang tweets kamakailan.

TWEETS. “Sometimes nagiging release ng emotions ang Twitter pero that’s nothing serious.

“Sa akin naman kasi alam mo yun? Pag stressed-out ka, kailangan mong mag-vent.

“Although natutunan ko na parang, I don’t wanna do that anymore, ang daming nagre-react, so parang ayoko na.

“Siyempre sa schedule ng artista and I work almost every day—I work on several projects, pag-uwi mo sa bahay medyo stressed-out ka na.

“Tao lang naman ako, puwede naman akong ma-stress, ‘di ba?”

EX-GIRLFRIEND? Agad naming tinanong kung may kinalaman ba ito sa kanyang love life kung saan naituturo na si Lovi Poe daw ang rason ng page-emote ni Jake sa Twitter.

“No, it’s my family. Sa akin naman I’m always very open with my personal life.

“I’d rather not keep anything secret kasi siyempre ‘pag magtatago ka din naman mahirap…

“If there’s something up with my love life, you guys would be the first to know—maniwala kayo sa akin!

“For me, like what I said, my sked is really booked now.

“‘Di ko madalas nakikita ang pamilya ko so you know sometimes I wanna sleep in my house, or sa bahay ng parents ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta right now I’m dating, I’m single and dating and that’s it.

“Regarding Lovi-Ronald, I’m not gonna say anything about that.”

NO COMMENT. Ngayong nagiging issue ang mga pino-post na messages sa Twitter, hindi kaya magiging mas conscious na si Jake sa mga ipino-post niya?

“Well, for me if I’m not gonna say anything nice, usually I’m not gonna say anything at all.

“Except for that instance na na-stress ako, at nasabi ko yun, pero even for the bashers, it’s freedom of speech and that’s what Twitter about.

“I think you’re allowed to say whatever you want pero pinaniniwalaan ko na, if you can’t say anything good at all, tumahimik ka na lang.

“Baka may nakita kayong tweets but I’ll never say anything bad about someone else.

“Sa akin naman, it’s in reference to myself all the time.

“I’m just human, I get stressed. I’ve learned my lesson; I don’t want to do that again.

“Too many people react to it. Basta ako, I will never say anything bad to anyone.

“Paniniwala ko yan bilang isang tao—if you have nothing good to say, don’t say anything at all.

“Those [tweets] things naman were pertaining to myself.”

MOVING ON. Sa mga recent interviews kay Jake, nakapagbigay siya ng pahayag na masaya siya kung totoong nagkakaigihan na si Paul Jake Castillo at ang ex-girlfriend niya na si Melissa Ricks.

Marami tuloy ang nagsasabi na mukhang naka-move on na raw talaga si Jake sa break up nila ng ex.

“Oo naman, it’s been a year.

“I can say na talagang nakapag-move on na kaming dalawa.”

Nagbabalik-showbiz na ang ex-girlfriend ding si Roxanne Guinoo pagkatapos nitong magpakasal at manganak.


TEAM-UP WITH ROXANNE. Tinanong namin si Jake kung bukas ba siya na makatrabaho muli ang ex-girlfriend na maaaring mabuksan na naman ang mga intriga sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung okay sa kanya, okay sa akin. It would be interesting, let’s see.

“But sa ngayon nasa ibang network ‘ata siya.

“Basta I don’t wanna cause problems for her kung ang pag-team up namin ang magiging problema.

“Iba na ang buhay niya ngayon, she has a family, she has a kid.

“Tulad nga ng sabi nila, ‘pag may anak ka na, talagang lahat nagbabago yan.

“For me, kung bibigyan kami ng project, yes it would be interesting…

“Pero kung magko-cause ng problema lang, I don’t wanna cause problems to her or her family.”

NEW RELATIONSHIP. We also asked Jake if he’s open to a new relationship right now.

“Tulad ng sinabi ko before, once na ready na ako magsalita, sasabihin ko naman but for now, nothing for sure.

“Wala pa namang sigurado, ayokong udlutin.

“Kung ma-i-in love ako ulit, siguro ma-i-in love ako sa isang tao na mababaw ang kaligayahan at spontaneous.

“Masarap yung ganun, simpleng bagay lang.

“’Di naman kailangan ng material na bagay, ‘di naman kailangan ng isang napakagandang lugar.

“Basta para sa akin, special yung moments.”

ONGOING PROJECTS. Mapapanood na ang Overseas Filipino serye o OFserye na Kung Ako’y Iiwan Mo na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Bangs Garcia at Shaina Magdayao this coming April 16 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Excited ang aktor sa muling pagtatambal nila ni Shaina at sa ofseryeng pinagbibidahan.

“Para sa akin, ang sarap ng feeling na makita mo ng harap-harapan yung trabaho mo.

“Yung huling teleserye ko, Green Rose pa, so medyo matagal na.

“Para makita ko ito at makita na talagang na-i-intrigue yung mga tao sa soap, sobrang nakaka-flatter at nakaka-touch.

“Trailer pa lang, ang dami nang nagre-react, so ang saya.

“I do not think there’s another leading lady who knows me—Shaina knows me.

Before it was Roxanne yung talagang taong alam kung paano pindutin yung buttons ko—alam kung paano ako paiiyakin or pagagalitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At this point, sobrang bina-value ko yung sa amin ni Shaina kasi hindi kami mabilisan yung binigyan ng malaking proyekto agad.

Kumbaga yung teamup namin, pinaghirapan namin yan.

“Pinatunayan muna namin bago kami binigyan nito, kaya sobrang fulfilling na binigyan kami ng sariling show ngayon.

“I’ve not work with anyone else who knows me more than Shaina.”

FOR REAL. Takaw-pansin ang mga matitinding komprontasyon at sampalan nina Shaina, Bangs at Jake.

Mga eksenang hindi raw kaya nagkakapisikalan na at nauuwi minsan sa pagkapikon tulad ng nangyaari sa ibang artista?

“Totohanan yun! ‘Di ko masabi na hindi masakit, halata naman sa trailer.

“Nag-usap kami ni Shaina bago pa namin ginawa yung mga eksena.

“Sinabi ko kay Shaina, ‘Ilabas mo, ‘wag tayong mandaya!’”

“Kasi at that point ang bigat-bigat ng dala ng character ni Shaina.

“Nakita ninyo naman sa istorya ang pagsasama namin.

“Destined kami para sa isa’t-isa pero para ma-deny ka ng destiny mo, masakit talaga.

“Kaya sabi ko kay Shai, ‘Sige saktan mo ako...tatanggapin ko—makapal naman ang mukha ko e.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN