Louise delos Reyes remains noncommittal on real relationship with Enzo Pineda; denies she’s pregnant

Louise delos Reyes on talks that she’s pregnant: “Definitely no! Hahaha! Natatawa na lang ako ‘pag naririnig ko na buntis daw ako… ganyan… ‘tapos sobrang payat ko… ‘tapos napagkakamalan pa ako na may sakit."


Hindi man aminin nang tuwiran ni Louise delos Reyes, isa sa GMA Artist Center tween star, ay obvious na obvious na may relasyon na sila ni Enzo Pineda, ayon na rin sa mga binitawan niyang mga salita.

Mas maganda raw kung si Enzo ang aamin sa kung ano ang tunay nilang relasyon, pakiusap ni Louise sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong solo pocket interview na ginanap sa 17th Floor ng GMA Network Center.

Ngayon daw ay mas focused si Louise sa kanyang career dahil bukod sa kanyang regular show sa Kapuso network, may isa pa siyang pelikulang gagawin kasama sina Kristoffer Martin, Enzo Pineda, at Teejay Marquez.

“Bukod sa My Beloved, may gagawin po akong movie ulit, horror po siya e, under GMA Films, yung Basement.”

Anong role niya dun?

“So far po, ‘di ko pa po alam e.

"‘Di ko pa sure kung ano talaga binigay para sa ‘kin saka ‘di pa po kami nag-i-start, after Holy Week po ‘ata, e.”

FATIGUE. Marami ang nagsasabi na may malubha raw na sakit si Louise dahil madalas siyang nahihimatay.

“Hihihi! Malubhang sakit? Talaga? Hihihi! Natawa naman ako dun!

“Hindi po totoo yun! Sobrang pagod na rin kasi nung last time, nahimatay ako.

“Galing ako sa taping ng My Beloved, ‘tapos umuwi lang ako sa ‘min para maligo.

“’Tapos my taping ng Spooky Night, ‘tapos umuwi lang ako para maligo, ‘tapos taping ulit ng My Beloved.

“Sunod-sunod na araw yun, ‘tapos my rehearsal pa ako sa Party Pilipinas, bale technical, na umaabot ng hanggang umaga, kaya ‘di ko masisisi yung katawan ko kung sumuko siya sa sobrang pagod.”

Wala bang lugar na pahingahan during breaks kung kinakailangan?

“Nakakatulog naman po ako, kaya lang po yung taping po kasi ng My Beloved dun sa area na yun, puro ako ang kinukunan, so, ‘di din po ako nakakapagpahinga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ka talagang malubhang sakit?

“Wala, sobrang pagod lang talaga… stress.

“’Tapos yung pagkahimatay ko naman before that, nung Miley Cyrus concert, sobrang pagod ‘tapos daming tao, pagod sa concert, ‘tapos galing pa kami nun sa live chat.

“’Tapos ang dami-dami po naming ginawang activities nun… kahit itanong ninyo po sa mga doctor, ‘pag nakulangan ng oxygen ang isang tao may tendency talaga mahimatay.”

NOT PREGGY. So hindi rin totoo na buntis siya ayon sa mga bali-balita?

“Definitely no! Hahaha! Natatawa na lang ako ‘pag naririnig ko na buntis daw ako… ganyan… ‘tapos sobrang payat ko… ‘tapos napagkakamalan pa ako na may sakit.

“E, kung malubha na ako, sana naglalagas na yung buhok ko.”

So tinatawanan lang niya yung mga intrigang ibinabato?

“Opo. Tinatawanan ko na lang siya, at the same time, siyempre nasasaktan din ako lalo na ‘pag nakikita ko malungkot yung pamilya ko.

“Lalo na ‘pag may mga intrigang ganun, siyempre nasa show business ako, kailangan ko maging matatag talaga para sa kanila.”

MORE SEXY ROLES. After Alakdana, tuloy-tuloy na ba ang pagpapa-sexy ni Louise?

“Ay hindi pa po, siguro po short–shorts at sando lang.

How about wearing a two-piece swimsuit?

“No, ‘di pa po kaya magsuot ng two-piece.

How about a one-piece swimsuit?

“Hehehe… Depende, ako kaya ko siguro mag-one piece, pero naka-shorts.

“Kailangan ko muna tanggalin yung mga taba ko sa katawan bago ako mag-ganun pero so far siguro, konting skin po muna.

“Ayaw ko nang bigla na lang magpapakita ng sobra-sobra.

“Gusto ko konti-konti lang muna parang, patikim—parang panunukso ba? Ayaw ko yung todo-todo na.”

MEN’S MAGAZINE. Pwede na ba siyang sumabak na cover girl ng men’s magazine ngayong taon?

“Hindi pa po talaga.”

Kaya ba ayaw pa niyang mag-pose nang sexy sa men’s magazine ay dahil may plano siyang sumali sa beauty pageant?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro kasama rin yun. Para sa ‘kin talaga, wala sa plano ko mag-cover sa mga men’s magazine, so far.”

Kamusta na sila ni Enzo?

“Okey naman po, we’re doing good.”

Kamusta ang friendship nila?

“Yung friendship namin? Siguro mas lumalim na rin naman.

“Siguro almost one year na din kami na talaga consistent sa isa’t isa, mas naiintindihan na namin ang isa`t- isa.”

Hindi na ba away-bati?

“Away-bati? Hahaha! Masyadong pang-bata na yun!

“Nung nakilala ko nga si Enzo, unti-unti nawawala yung pagiging childish ko… marunong na akong umintindi ng nararamdam ng ibang tao—meron naman good side.”

Bukod kay Enzo, nag-entertain pa ba siya ng ibang manliligaw?

“Hindi na po masyado. Kasi po, ang pangit naman po tignan na na-meet ko siya last year ‘tapos iba na naman this year, ‘tapos iba na naman next year.

“Ayaw ko din na ang tingin sa akin, ‘Ano ba yan? Para namang playgirl!”

Wala ba siyang balak sabayan ang ka-loveteam niya na si Alden Richards na ngayon ay tumutodo ang pagpapa-sexy?

“Paunahin ko na siya muna, total mas matanda naman siya sa ‘kin, e. Hehehe.

“Sa kanya na muna yung spotlight ngayon, kasi last year, ako naman yung sinoportahan niya.”

Papaano kung may nali-link sa bawat isa sa kanila ni Enzo?

“Nagtatanungan kami personally.

“Siyempre ‘di naman porke’t nalaman mo na ganito-ganyan, kokomprontahin mo agad—away agad!

“Kailangan mo tanungin muna yung mismong taong involved kung totoo ba yan o hindi?... Ganun kami ka open sa isa’t isa.”

RELATIONSHIP WITH ENZO. Ilang months na ba sila ni Enzo? Yung totoo—kasi umamin na si Enzo.

“Ganun ba? Hayaan na lang natin na si Enzo ang umamin. Hehehe.”

May malubha na bang away o samaan ng loob sila ni Enzo?

“Wala pa naman, as of now.”

Pero happy naman si Louise ngayon sa piling ni Enzo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo! Haping-happy naman ako!

“Ano siya… parang more than BF [boyfriend], more than a friend.

“Parang hirap kasi sa isang relationship kung puro relation na lang… ang iisipin mo kasi sa amin, more on advice—my respect sa isa’t isa.”

Sinong madalas magselos sa kanilang dalawa?

“Ahhh… Babae kasi nakikita mo ‘pag nagseselos, ‘pag lalaki ganyan-ganyan… patingin–tingin lang, pero ‘pag sobra na…

“Ayun! Sinasabi niya, ‘Nakakalake na yan, ha?’”

Sino naman yung pinagselosan niyang lalaki ?

“’Wag na po, non-showbiz naman siya.

“Mas naunang mangligaw yung guy, kasi yung family kasi nila, close sa amin talaga.”

Ano’ng name niya?

“Hehehe. Non-showbiz nga po. Hahaha. Isa po siyang politician—bata pa.

“Sa Cavite SK, sa barangay po namin siya. Saka po may mga artista din po.”

Sobra bang magselos si Enzo?

“Sobra po siya magselos. Ako naman po kasi, pa-cute na selos lang, parang malambing… Hehe. ‘Di! Joke lang, joke lang!”

May pinagselosan na rin ba siya?

“Non-showbiz girl din, e. Mga kaibigan niyang mga babae.

“Minsan, ‘pag nakikita ko kausap niya yung ibang babae, ‘pag nakikita niya ako nagseselos, sasabihin niya sa akin, ‘Ano ba yan? GF lahat yan ng kaibigan ko!’

“’Tapos sasabihin ko, ‘Ah, OK—fine! Hehe… mga ganun lang, ‘di naman kami yung type na selos na selos na selos.”

FRIENDSHIP. Naging close ba sila ni Katrina Halili na isa sa mga co-stars niya sa My Beloved?

“Hindi po masyado. Ang mga naging close ko po sila Jennica Garcia, Djanin Cruz, Sam, Andrea [Torres].

“Si Ate Kat [Katrina] po, mas naging ka close niya Mommy ko.

“Lagi sila nag-aasaran na baka Mommy ko ang napaglihian ni Ate Kat!

“Kawawa naman yung bata, pero lokohan lang yun.”

Nung nagte-taping sila nina Katrina, napansin ba niya na parang buntis si Katrina?

“Hindi po.”

So ngayon niya lang nalaman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, basta alam ko lagi po siya kumakain.

“Nalaman ko lang sa Startalk nung nagpa-interview siya kaya nagkakabiruan, ‘Ano ba yan? Mali pinaglilihian ni Kat! Dapat yung anak [si Louise], ‘di yung nanay [Mommy ni Louise]!’

“Marunong kasi sa astronomy si Ate Kat kaya si Mama naging interested kung ano magiging luck ko.

“Pero wala talaga kaming napansin na baka buntis si Ate Kat kasi lagi siyang kain nang kain.

“Nagulat na lang talaga kami nang lumabas na yung balitang buntis siya,” pagtatapos ni Louise.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN