Kylie Padilla admires her Tita BB Gandanghari: “In a way, medyo ina-idolize ko siya kasi, mahirap ilabas yung kung sino ka talaga."

Kylie Padilla on her image as an actress: “Sa totoo lang, ayoko ng tweetums na image. Iba ang gusto ko, e. Yung parang Good Daughter [her teleserye] na hindi naman tweetums."



“Wala akong pipiliin na iba,” ang tumatak sa amin na sagot ni Kylie Padilla, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng summer special ng Tween Hearts sa La Virginia Resort sa Mataas Na Kahoy sa Batangas City noong Huwebes, March 29.
Naging tugon ni Kylie ang mga katagang yun nang tanungin namin kung masaya ba ito na si Derrick Monasterio ang ka-loveteam niya sa show.
Ayon pa kay Kylie, “Wala akong pipiliin na iba. Mabait kasi siya. Masayang kasama at saka kapag may problema ka, iintindihin ka niya.”
Na-curious tuloy kami kung may insidente na nagkaroon siya ng problema at nakita niya ang pag-alala sa kanya ni Derrick.
“Dati, family problem kasi. Tinanong niya ko kung okay lang ako, kung kamusta.
"Sinabi ko sa kanya at sabi nga niya, huwag ko na lang masyadong isipin.
"Ganoon siya, may puso siya. Meron kasi na walang pakialam.”
Hindi ba nagpaparamdam sa kanya si Derrick?
“Hindi,” nakangiting sagot naman niya.
“Tingin ko kasi, ayaw naming masira ang friendship na meron kami.
"Kumbaga, mas mahalaga yung friendship.
“At saka, iniisip ko kasi, ligawan niya ako at pagkatapos maghiwalay kami, wala na agad ang friendship.”
LOVE TEAM. Mabilis na “Gusto ko! Gustong-gusto ko!” ang sagot ni Kylie nang tanungin kung sang-ayon siya kung i-push sila ng GMA-7 bilang loveteam.
Sabi pa niya, “Sa totoo lang, ayoko ng tweetums na image.
"Iba ang gusto ko, e. Yung parang Good Daughter na hindi naman tweetums.
"Pero dahil kay Derrick, gusto ko.
“Ewan ko, masaya, e. Tapos yung ano namin, yung chemistry namin, hindi namin pinipilit.
"Hinahayaan lang namin pero, gusto naman ng tao. So, there’s something there.”
FRIENDS WITH ALJUR. Kamusta naman sila ni Aljur Abrenica?
“Kaibigan pa rin.”
May lumalabas na diumano’y wala na silang komunikasyon, totoo ba yun?
“Hindi na ako nakakapag-text kasi, sobrang busy kami ngayon.
"Unlike before, I was not in showbiz. Pero nandoon pa rin naman ang friendship.
"But if people are thinking na kami, I don’t think it’s the right time ngayon.”
Sabi pa niya, “Mas okay na single. Nagiging kumplikado lahat kapag in-love.
"So, mas okay na po na ganito. [I am] happy being single with a lot of friends.”
Tinanong naman namin si Kylie kung may pinanghihinayangan ba siya sa friendship nila ni Aljur kung totoo man na hindi na sila masyadong nagkakausap?
“Minsan nakaka-miss. But I think, it’s better na ganito.”
Hindi siya pumunta sa birthday party ni Aljur sa resort nila sa Batangas?
Mabilis namang sagot ni Kylie, “Hindi ko sinadya yun. There was rehearsal at saka, may party ang buong pamilya.”
Itinanggi naman niya na parang gumanti siya rito dahil noong siya ang nag-birthday, si Aljur naman ang hindi dumating.
Sabi ni Kylie, “Hindi naman po. There was really a party noong gabing yun.
"At saka, binati ko siya. May gift ako sa kanya.”
Pinadala raw niya ang regalong Ray-Ban sunglasses kay Aljur at natuwa naman daw ito.
“Kasi, yun ang gusto niya, e. Ako ang nagtanong, ano ang gusto mo?
"Mahilig ka ba sa shades? ’Oo.’ Yung mga Ray-Ban? ’Okay.’
"Yun na yun. Pero siyempre, ako naman ang namili ng design.”
Noong birthday naman daw niya, relo naman daw ang naging birthday gift ng binata sa kanya.
Kung mabibigyan ng pagkakataon, nakikita ba niyang puwede naman talagang mauwi sa mas malalim na relasyon ang anumang meron sa kanila ni Aljur ngayon?
“Pinag-iisipan ko pa. I don’t wanna be stupid with my decision.
"Siyempre, nasa showbiz tayo. Complicated e, kapag nasa showbiz.
"Pinag-iisipan ko pa. Siyempre, we’ll never know kung ma-in-love ba ko.
“Pero sa ngayon, wala talaga. Ganito kasi yan, I really promised that I will focus on the Good Daughter.
"Kapag successful ang Good Daughter, masayang-masaya ko.
"Iba pala talaga kapag nangyari yung wish mo, yung goal mo, masaya ka pala talaga. Hindi ka muna naghahanap ng kilig.
“Kaya ako, sobrang masaya lang. In fact, kahit wala akong tulog, pagpunta ko ng set, masaya pa rin ako.
"Hindi yung, ’Hay, taping na naman.’ Hindi ganoon, e.”
SHE ADMIRES TITA BB. Nasulat na rin naman ang family get-together nila na kasama si BB Gandanghari, kapatid ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.
Ito ang pinuntahan niya noong birthday party ni Aljur. Nag-treat nga raw sa kanila si BB sa The Fort.
Para kay Robin Padilla, Rustom pa rin daw tawag nito sa kapatid.
Pero kay Kylie, nabalitang Tita na ang tawag niya kay BB.
“Well, para sa akin naman kasi, I didn’t get to know Tito Rustom. Ang nakilala ko lang talaga, si Tita BB.
"Pero kay Papa kasi, lumaki sila na Rustom, kaya mahirap masanay. Naiintindihan ko naman si Papa.”
Ngayong nakakasama na niya si BB, paano pa niya ito nakikilala?
“In a way, medyo ina-idolize ko siya kasi, mahirap ilabas yung kung sino ka talaga.
"Minsan kasi, may mga ibang tao na takot ipakita kung sino sila.
"So, for him…her, to do that, sobrang lakas ng loob niya.”
Ang lola niya ay against daw kung sakaling magpapa-sex change ang tiyuhin niya.
Kung siya ang tatanungin sa bagay na yun, okay lang ba sa kanya?
“Masakit yun, di ba? Sana lang huwag niyang saktan ang sarili niya.
"Kasi, hiram lang natin ang katawan natin kay God, e. Parang okay na yun, e. Ayoko lang naman masaktan siya.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN