Aga Muhlach on entering politics: "Siguro yes, it’s parang stage sa buhay natin na all of a sudden you just want to do something."

Aga Muhlach says his wife Charlene Gonzalez supports his decision to enter politics: "Sabi niya, ’Whatever will make you happy.’ Ang sinabi niya sa ‘kin, ’If you do run, in case you decide to run,’ ano, sabi niya lang, ’Please,’ sabi niya talaga, ’Please make sure that you do good. Para you give to them what’s theirs’… Yun lang talaga ang request niya sa ’kin.”



Muling nagpapasalamat si Aga Muhlach sa dalawang award-giving bodies na nagbigay sa kanya ng parangal bilang best actor para sa papel na kanyang ginampanan sa pelikulang In The Name Of Love na kapareha si Angel Locsin.

Unang nagwagi ang Kapatid star sa PMPC’s Star Awards for Movies bilang best actor na ka-tie si Governor ER Ejercito para sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Sunod na nakuha ni Aga ang best actor award mula naman sa EnPress’s Golden Screen Awards.

Sa kanyang panayam sa Paparazzi Showbiz Exposed, Sabado, March 31, inamin ni Aga na hindi naman niya pinangarap na maging grand-slam best actor ngayong taon.

Kuwento niya, “No naman, no, no, of course not!

"Kasi ang importante lang naman sa’ kin when I did the movie is to come out with a nice film na magugustuhan ng tao and then fortunately, pinansin naman ng mga kritiko.”

Nilinaw din niya sa host ng show na si Dolly Anne Carvajal ang tungkol sa balitang hiwalayan nila ng landas ng manager na si Manay Ethel Ramos.

Aniya, “I think whatever it is, nasa amin na yun.

"Parang hindi ako sanay lang, parang mahirap lang, hirap lang ako para pag-usapan sa publiko ang tungkol sa aming dalawa.

“Good or bad, parang I think it’s best for us, both of us…parang akin na lang yun, amin na lang yun.

"Lahat ayos, everything is okay, so ganun lang siya.”

Mutual decision ba ito sa pagitan nila ni Manay Ethel?

Tugon ni Aga, “Were okay, ayokong magsalita, hindi ko talaga makomentohan…

"Kasi para sa ’kin ano, sa aming dalawa, hindi naman kami para…para magbukas at magsara ng pinto e.

"Mahal ko si Tita Ethel talaga.

"And sinasabi ko naman sa kanya, everybody knows naman that kung ano man ang mga nangyari sa buhay ko, you know, dahil sa turo niya sa ’kin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyang diin naman ni Aga na walang katotohanan na ang Viva na ang magha-handle ng kanyang karera.

Ayon dito, “No, no, no, it’s not true, it’s not true… so for everyone, [I’d like to make that clear ha], Viva is not managing me.

"Kumbaga may movies na ko sa kanila, so yun.”

AGA TO RUN IN 2013? Sa mga nakaraang interviews ni Aga, palagi nang naitatanong sa kanya ang pulitika.

Ilang taon na rin ang nakaraan nang mapabalitang tatakbo ito bilang mayor ng Muntinlupa pero hindi ito nagkatotoo.

Ngayon naman ay napabalitang tatakbo ito sa bayan ng kanyang mga magulang sa Camarines Sur, bilang kongresista sa 4th District. Diumano, nagpa-register na raw si Aga bilang botante sa San Jose, Camarines Sur.

Tatakbo nga ba siya?

Kuwento ni Aga sa Paparazzi, “Well sa politics tinitingnan ko talaga siya.

"You know, taga-Bicol kami. Madalas nga ako dun. Tinitingnan ko.

"Why all of a sudden? Bakit parang gusto ko siya?

"Siguro yes, it’s parang stage sa buhay natin na all of a sudden you just want to do something.

“Ayoko namang sabihin na, ayoko namang parang cliche na, ’I want to help.’

"Ang point ko lang kasi yung pagtulong. Feeling ko lang puwede mo talagang tumulong.

"And when that happens...masaya yung tao.

"Pag masaya kasi yung tao...ang sarap ng feeling para sa yo na pag lumalakad ka dun, pinagmamalaki nila yung pangalan mo.”

Kapag matuloy siyang pumalaot sa pulitika, ipagpapatuloy pa rin kaya niya ang pag-aartista?

Aniya, “Yes, of course naman. Kasi sabi ko nga hindi naman tayo… kailangan pagbibigyan nila ako dun kasi naghahanap-buhay ako.

"Ang politiko naman hindi paghahanap-buhay yan.

"Kumbaga hindi ko na paghahanap-buhayan yan, ibig sabihin pera ng tao yan.”

CHARLENE’S SUPPORT. Tanong pa kay Aga, ano naman ang opinyon ng asawa niya na si Charlene Gonzalez sa plano niyang sumabak sa politika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is she supporting or discouraging him?

Masaya namang ikinuwento ni Morning (palayaw ni Aga) na suportado siya ng asawa niya sa kung ano man ang plano niya.

“No, no, no, she will never [discourage me] of course...

"Sa kanya naman, last night lang, we were talking about that. Sabi niya, ’Whatever will make you happy.’

"Ang sinabi niya sa ‘kin, ’If you do run, in case you decide to run,’ ano, sabi niya lang, ’Please,’ sabi niya talaga, ’Please make sure that you do good.

"’Para you give to them what’s theirs’… Yun lang talaga ang request niya sa ’kin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN