DJ Durano says it was his character in Praybeyt Benjamin that gave birth to four more in Moron 5

DJ Durano’s hard work finally pays off. “Feeling ko this is it and I’m happy with where I am now, sa career [ko]. I couldn’t ask for more kasi I’m doing TV. I can jump from TV5 to GMA-7 to ABS-CBN 2. I’m doing movies and maraming director ang humahawak sa akin. Hindi na ako naka-categorize kay Direk Wenn [De Ramas]. So, may napuntahan yung pagsusumikap ko," he says.



Kung kailan naman unti-unting nabibigyan nang pansin ang pangalan ni DJ Durano sa pelikula, gaya nga sa lalabas na comedy movie na Moron 5 and the Crying Lady kung saan kahilera na ang billing niya kay Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Joe Crawford, Martin Escudero at John Lapus, saka naman nagkaroon ng problema sa pagitan ng Viva Films at Star Cinema.

Ito yung isyung pagba-back out ng Star Cinema bilang co-producer ng nasabing pelikula na siya ring dahilan kung bakit sumama ang loob ng director na si Wenn De Ramas.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay DJ, hindi naman siya masyadong apektado dahil gaya ni Direk Wenn, hindi sila dapat makialam sa problemang ito ng dalawang film companies.

“Gaya nga ng sinabi ni Direk Wenn, gusot nila yun. It’s an organization problem.

"Dapat sila ang umayos non at kung ano ang magiging kalalabasan sana okey ang lahat.

"Umaasa kami siyempre na maayos. Wala namang isyu na hindi nakukuha sa magandang usapan, e.

"Napakaliit lang ng industriya para hindi sila magka-ayos,” paliwanag ng character actor.

BILLING. Hindi itinatanggi ni DJ na natatakot rin siya sa magiging resulta sa takilya ng pelikula nila kapag hindi ito nagkaroon ng malaking network for promotion, lalo’t above the title na rin ang billing niya.

“Siyempre, magiging ipokrito naman ako kung sasabihin kong hindi.

"After all these years, pinangarap ko rin yan, pinagtrabahuhan ko.

"Sabi ko nga, hindi naman ibinigay lang yan kanina at hindi pinaghirapan. Dumaan ako sa proseso, inalagaan ko ang sarili ko, dumaan ako sa tamang daan.

“Feeling ko this is it and I’m happy with where I am now, sa career [ko].

"I couldn’t ask for more kasi I’m doing TV. I can jump from TV5 to GMA-7 to ABS-CBN 2. I’m doing movies and maraming director ang humahawak sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na ako naka-categorize kay Direk Wenn. So, may napuntahan yung pagsusumikap ko.

"Nandun na ako at pinagbubutihan ko naman yung trabaho ko," paliwanag niya.

Huwag naman raw sanang mangyari na hindi kumita ang pelikula nila, pero hindi nakikita ni DJ na nasayang ang effort niyang maging isa sa mga bida.

“Sa akin, sapat na ang mga ipinakita naming blockbusters.

"Wala namang kasiguraduhan ang pelikula. Ang tao talaga ang huhusga dyan.

"Sa mga nasamahan kong pelikula na pumatok sa takilya, for me, I’m really happy na napasama ako sa Moron 5 and nakasama naman ako sa mga blockbuster movies.

“Never pa naman akong nagkamali. Pag feeling kong, meron, meron talaga,” naniniwala niyang sabi, kasunod ng pagbanggit niya sa mga pelikulang nasamahan niya na kumita gaya ng Tanging Ina series, Praybeyt Benjamin, Petrang Kabayo, Apat Dapat, Cute ng Ina, at ng Who’s that Girl?

HIS CHARACTER STARTED MORON 5. “Halos lahat ginawa ni Direk Wenn. Pero ang maipagmamalaki ko talaga yung Praybeyt Benjamin kasi doon sa character ko kinuha yung Moron 5.

“Kasi tinawanan nang tao yung sobrang pagka-tanga ko sa Praybeyt Benjamin. Mali-maling tanga. Wala talagang laman.

"So, dun kinuha ng Viva yung idea na gumawa ng storyline tungkol sa character ko. At gawing lima.

“I have faith naman sa kakayahan ng Viva. Ang ABS-CBN 2 naman tumutulong kahit sa mga guesting sa Sarah G Live, PBB, may mga spots naman sa network.

"Nangako naman si Tita Malou [Santos] na tutulong sila sa pelikula. Hindi nga lang sila nakabakas sa movie.

“Direktor nila si Wenn at hindi nila ito sisirain. May interes pa sila sa director nila at marami pa silang gagawing movie kaya susuportahan nila si Direk Wenn.”

Proud si DJ sa pagsasabing marami na raw siyang projects na wala sa ilalim ng pamamahala ni Direk Wenn lalo na ang mga drama series na ginawa niya. Nagpapasalamat nga lang raw si DJ na napupunta siya sa mga taong nagmamalasakit sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIKES COMEDY. Kapansin-pansin nga lang na mas napapansin si DJ sa mga pelikulang ang tema ay comedy.

“Sobrang ramdam ko, oo nga parang mas gusto ako ng tao sa comedy,” pagsang-ayon niya.

“Kasi ang ginawa ko, hindi ako natakot.

"Hinahap ko nang hinanap ang sarili ko sa industriya.

"Ano ba ako? Drama ba ako? Kung sa drama marami nang nagda-drama.

"Mag-comedy ba ako? Alam mo gusto ko [ang comedy].

"I wanna look stupid pero sa mga roles lang na ginagawa ko sa movies or sa mga TV shows.

"Itong pagku-comedy ang gusto kong gawin,” nakangiti niyang sabi.

Naniniwala si DJ na nakapagpundar na siya ng pangalan sa showbiz na hindi na kailangang ikabit pa ang pangalan ni Direk Wenn sa kanya.

“Alam naman ng mga kaibigan nating press kung saan ako nanggaling from my New Manila days na I’m just a struggling actor.

"Now, I can say na I’m there kasi ultimong maliit na bata, kahit nagpupunta ako ng Amerika, they call me DJ Durano na.

“It’s just an indication na I have [found my] niche in this business.

"Happy naman ako di ba? Sino ba naman ang ayaw?

"Ang daming nagpapakahirap na makapasok sa industriya."

GRATEFUL TO DIREK WENN. Dugtong pang paniniwala ni DJ, “Malaking bagay rin ang mga naitulong sa akin ni Direk Wenn, hindi na maalis yan.

"Pero aminin natin, hindi naman si Direk Wenn ang humaharap sa kamera e.

“Ako, ang gumigising para magbasa ng script, ako ang nag-aaral ng script, ako ang bumabato ng mga linya sa script, ako ang nagpapakahirap para pagbutihin ko yung trabaho ko…kasi gusto ko yung ginagawa ko, may goal ako.

"Inayos ko ang sarili ko, nagpaka-professional ako.

“Siguro kung hindi ko rin naman pinagbuti ang trabaho ko wala rin namang DJ Durano.

"Ang isang tao o manager makakatulong lang kung may talent at dedication yung isang artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nagpapasalamat ako kay Direk Wenn pero kahit anong sabihin nila, na boy toy niya ako...kahit anong sabihin nila, okey lang.

"Malinis ang ano ko…kaya nga kumikita ang mga pelikula namin dahil malinis ang kunsensiya namin.

“Kumbaga, natural pag ang isang tao tumulong, may pagmamahal e.

"You cannot help [but give] love. Saka nag-effort naman ako. Inalagaan ko ang sarili ko at hindi ako nagpabaya.

“Kaya masasabi ko rin na I’m blessed,” mahaba-haba niyang paliwanag.

Ang primetime series na Wako-Wako sa ABS-CBN 2 ang existing TV show ni DJ. At ang naka-line up na acting projects pa niya ay pelikulang pagbibidahan uli ni Vice Ganda. Meron ding Vilma Santos at Santa Niña sa TV5.

“Kinausap na rin ako before ng GMA-7, nina Ms Wilma Galvante and si Ms. Lilibeth Rasonable na intresado raw sila sa akin.

"So, natutuwa ako dahil ako na yung hinahanap.

"Si Direk Wenn nagta-trabaho na yan ng sarili niya and si Tita June [Rufino] ang nagmamanage sa akin,” pagbabalita niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN