Angel Aquino admits to dating a non-showbiz guy; vows never to fall in love again with someone from showbiz

More than a year after her breakup with Lui Villaruz, actress Angel Aquino reveals to PEP that she is now dating a non-showbiz guy. "Yes, I’m dating now. Hindi siya showbiz, Gabriel ang pangalan niya," she says.


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angel Aquino sa taping ng Untold Stories Mula Sa Face to Face noong nakaraang linggo.

Masaya siyang nagkuwento tungkol sa istoryang kanyang ginagampanan sa weekly series na ito ng TV5.

Aniya, gaganap siyang asawa ni Carlos Morales na kinaliwa at nang magkaanak ito sa ibang babae ay dinala niya ang bata sa kanilang bahay na medyo sampal sa kanyang pagkababae.

Mapapanood ang kuwentong ito sa ikalawang sabado ng Abril.

Sa totoong buhay naman ay parang naranasan din daw ito ni Angel dahil second family sila ng kanyang ama. Lumaki siya kasama ang mga anak ng kanyang ama sa una nitong asawa.

ANGEL’S DATING NOW. Matapos siyang magkuwento sa PEP tungkol sa kanyang role sa Untold Stories ay inusisa na namin siya tungkol sa kanyang lovelife.

Matatandaang halos isang taon na siyang hiwalay sa actor-TV host na si Lui Villaruz.

"Yes, I’m dating now. Hindi siya showbiz, Gabriel ang pangalan niya," banggit ni Angel.

Pag-amin niya, mailap talaga siya sa pagpili ng susunod na mamahalin.

Sabi pa ng magandang aktres, “Ito kasi, matagal-tagal din kasi siyang nanligaw. Mga limang buwan din.

“’Tapos, mabait, sobrang mabait, sobrang masugid.

“‘Tsaka ano, naging kaibigan ko siya, naging kaibigan ng pamilya. ’Tapos na-in love ako sa kanya.”

Dahil ba sa hiwalayan nila ni Lui ay inisip niyang huwag munang mag-boyfriend ng mula sa showbiz?

Tugon ni Angel, “Actually, isang beses lang naman akong na-in love sa isang showbiz person—at hindi na mauulit yun.

“Ang hirap pala kasi lahat nakakaalam ng mga nangyayari sa inyo.

“Ang hirap, so mas okay na yung ganito. Mas masaya.”

Dagdag pa ni Angel, masakit ang paghihiwalay nila ng landas ng dating boyfriend.

“A… masakit din. Medyo pareho kaming nasasaktan dun.”

Pero umiwas naman siya nang usisain ng PEP kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Lui.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Tagal na yun, e, isang taon na. Pag-usapan natin ang mga bago’t maganda.”

Ano nga ba ang mga “bago’t maganda” sa buhay niya ngayon?

“Ngayon, I’m in between projects, nakakapag-spend ng time sa bagong love.

“Yun ang bago’t masaya sa aking mundo ngayon.

"Super in love… happy puso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN