Iza Calzado not yet "completely immersed" in ABS-CBN

Iza Calzado on being a Kapamilya: “Okay naman. Pero hindi pa ako completely immersed kasi ang ASAP ko, twice a month.’Tapos kanina, nag-summer plug kami, nag-shoot ng summer plug. Siyempre ‘pag tinitingnan ko yung mga tao... dati [sa GMA-7], parang halos kilala mo lahat halos na. Dati, kung hindi mo memoryado yung pangalan, alam na alam mo ang mukha kapag nakita mo. ’Tsaka malapit na akong ma-fully immersed—yun ang t


Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng pelikulang Mga Mumunting Lihim, ang Cinemalaya entry ni Direk Jose Javier Reyes para sa Directors’ Showcase ng nasabing film festival.

Sa Casa Francesco restaurant sa Timog Ave., Quezon City ang shooting ng pelikula noong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga nadatnan namin sa location sina Judy Ann Santos, Janice de Belen, Agot Isidro, at Iza Calzado.

Kasama rin sa cast si Janice de Belen.

Ang pelikula ay tumatalakay sa kuwento ng apat na magkakaibigan na may mga “lihim” na hawak ni Judy Ann na sa huli ay mabubulgar isa-isa.

Kuwento pa ni Iza tungkol sa pelikula, “Ang character ko dito is very driven. Very ambitious. I will stop at nothing.

“Pero hindi ko naman intensiyon na masaktan ang mga tao. Hindi rin naman intention ng karakter ko na nanakit ng tao.

“Pero dahil sa talino ko minsan may nasasagasaan ako along the way.

“And yun nga ay yung isang sikretong mabubunyag.”

Ito raw ang kauna-unahang pelikula ni Iza para sa Cinemalaya.

“It’s my first time with Cinemalaya,” sambit ng aktres.

“Matagal ko nang gustong gumawa ng pelikula sa Cinemalaya.

“Nagkataon din na bukod sa maganda yung istorya, Direk Joey Reyes ‘yan, ang ganda nung cast.

“It’s something na hindi mo hahayaang makalampas sa ’yo yung opportunity.”


WORKING WITH KAPAMILYA STARS. Sunod na inusisa ng PEP kay Iza ang tungkol sa panibagong mundo na kinabibilangan niya ngayon—from being a Kapuso to Kapamilya.

Kumusta ang working environment niya sa ABS-CBN?

Aniya, “Okay naman. Pero hindi pa ako completely immersed kasi ang ASAP ko, twice a month.

“’Tapos kanina, nag-summer plug kami, nag-shoot ng summer plug.

“Siyempre ‘pag tinitingnan ko yung mga tao... dati [sa GMA-7], parang halos kilala mo lahat halos na.

“Dati, kung hindi mo memoryado yung pangalan, alam na alam mo ang mukha kapag nakita mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka malapit na akong ma-fully immersed—yun ang term ko kasi magsisimula na this April yung soap opera na kasama ako.

“Malapit na ding mag-start yung movie with John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo.”

JOHN LLOYD & SARAH. Ayon kay Iza, nakapag-shooting na siya sa third installment ng John Lloyd-Sarah Geronimo starrer.

Ano ang role niya sa pelikula?

“Basta kasama po ako sa movie,” maikling sagot niya.

Wala raw pagsidlan ang kasayahang naramdaman ni Iza nang malamang makakasama niya ang blockbuster tandem nina John Lloyd at Sarah sa pelikula.

Papuri pa nga niya sa dalawa, “It’s a blockbuster team-up.

“It’s the third installment kumbaga, and I’m really honored to have given an opportunity to work with them.

“They’re very sincere big stars, sincere actors. Good-hearted individuals.”

Sa huli, inamin ni Iza na naramdaman niya talaga ang paggabay sa kanya ng namayapang ama na si Lito Calzado.

Aniya, “Yes, of course, sa tingin ko, yung tatay ko, sinisiguro niya na nasa tamang daan ako. Nararamdaman ko naman, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN