Agot Isidro still loveless after separation from her husband

“Wala, very quiet ang buhay ko ngayon, puro focus sa trabaho. No lovelife,” says Agot Isidro when asked about her lovelife.


Isa sa mga cast ng Mga Mumunting Lihim ni Direk Joey Reyes si Agot Isidro.

Ang pelikulang ito ay entry sa Directors’ Showcase ng Cinemalaya ngayong taon.

Paglalarawan ni Agot sa sa kanyang role, “Ako dito si Sandra, kasama ako sa magkakabarkada—si Carla, si Mariel, at saka si Olive.

“So si Sandra is a simple girl from the beginning na nakapag-asawa ng mayaman.

“So, wala... yumabang, yung ganun.

“But level-headed siya, prangka… prangkang tao, so masakit man yung sinasabi niya, totoo naman.

“In the end, she cares for her friends.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Agot sa shooting ng Mga Mumunting Lihim sa Casa Francesco restaurant sa Timog Ave., Quezon City, noong isang linggo.

Kasama niya sa pelikula sina Janice de Belen, Iza Calzado, at Judy Ann Santos.

Kumusta naman ang working relationship nila?

Saad niya, “Magkakaibigan kami, magkakaibigan kaming lahat, e.

“So ang gaan-gaan sa set, parang it’s a kind of work that you really look forward to.

“Waking up for this kind of work, parang ang saya-saya, blessed.

“Ang bilis, maaliwalas, ang funny ng script, ang pretty nung dialogues…

“So masaya, masaya yung work at sobrang magaan yung feeling.”

Masaya naman daw si Agot na palagi siyang naisasama sa mga projects ng Cinemalaya.

Aniya, “Any Cinemalaya project is an honor for me to do.

“So I’ve been doing Cinemalaya films… ilan ba?

“I think dalawa and then this is my third, pero Directors’ Showcase.

“Always, ‘pag indie film, support naman ako dun.”

AGOT AS INDEPENDENT PRODUCER. Bukod sa pagiging aktres, nakilala rin sa industriya si Agot bilang isang singer.

Pero parang naka-focus siya ngayon sa pag-arte sa pelikula at telebisyon.

May balak pa ba siyang kumanta o magkaroon muli ng album?

“Oo nga, e, nakaka-miss din, pero soon… soon.

“Wala lang kasi sa mga plano lately, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have to do it myself. Hindi na yung may record company… siguro I can do it independently.”

Bakit kaya mas gusto niya ang mag-produce ng sariling album?

Sagot nito sa PEP, “Siyempre, para meron akong freedom.”

Kapag magkaroon na ito ng katuparan, all originals kaya ang kanyang kakantahin o cover songs?

Sabi ni Agot, “Di ko pa alam.

"I think, andami ko na kasing nagawang covers, e, sana this time originals naman.”

NO LOVELIFE FOR AGOT? Noong nakaraang taon, inamin ni Agot na hiwalay na sila ng dating asawang si Manu Sandejas.

Ngayong 2012, handa na ba siyang umibig muli?

“Lovelife? Wala namang lovelife,” sagot niya.

Is she dating now?

“No, no, no.

“Wala, very quiet ang buhay ko ngayon, puro focus sa trabaho.

“No lovelife,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN