Alex Gonzaga denies reconciliation with ex-boyfriend Kean Cipriano; earns college degree

Alex Gonzaga has not been visible of late, and as PEP.ph found out, she was busy with her schooling. Now that she has been rewarded with a diploma, she says she will find it more convenient to pursue her showbiz career. This commitment includes no dating and no reconciliation in the offing with ex-boyfriend Kean Cipriano.


Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex Gonzaga, kasama ang dating boyfriend na si Kean Cipriano, sa concert ng Hanson noong Biyernes, Marso 30, sa Smart-Araneta Coliseum.

Dahil dito hindi tuloy maiwasang itanong kung nagkabalikan na ba sila.

“Ay, hindi!" mabilis na tanggi ni Alex.

"In-invite niya lang po ako dito... para nga manood nitong concert ng Hanson.

“Paborito ko kasi ang Hanson kaya ayun, inaya niya ako manood.”

So, sinusubukan nila uli?

“Hindi naman!”

So, friendly date lang ito?

“Opo, kasi, di ba, nagkasama naman kami sa P.S. I Love You?"

Wala bang chance na magkabalikan sila kung sakali?

“Parang wala naman!” biglang sabat ni Kean.

Natatawang sabi pa ng singer-actor, “Hindi pa naman siya nanliligaw uli sa akin, e!

“Uy, biro lang yun, ha?” pahabol ni Kean.

Pero kumbaga sa Facebook, ano ang “status” nila ngayon?

“Friends po talaga kami ni Kean!” sabi ni Alex.

Singit naman ni Kean: “Ako, ’looking’ ang status ko!”

Kumusta ang lovelife ngayon ni Alex kung hindi talaga sila nagkabalikan ni Kean?

Sagot ni Alex: “Okay naman! Okay naman siya. Nasabi ko na ’yan dati, e.

“Sabi ko nga, katatapos ko lang mag-aral, i-enjoy ko muna yun trabaho ko.

“So, hindi na ako nag-aaral, so hindi na ako masyado busy at maaasikaso ko na yung trabaho ko.”

COLLEGE GRADUATE. Bihira sa mga artista ang nakapagtatapos ng pag-aaral lalo na kung maraming silang proyekto.

Kaya isang malaking accomplishment ang pag-graduate ni Alex Gonzaga ng Education, major in Child Development, kahit busy siya sa kanyang hosting at acting jobs.

“Happy ako at masaya ako sa accomplishment ko!” bulalas ng TV host-actress.

Ano ang plano niya after graduation?

“Sa TV5 muna, kasi under contract ako sa kanila.

“Kung ano po yung ibibigay sa akin ng TV5, of course, open ako doon.

“Pero sana, magamit ko rin yung pinag-aralan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung natapos ko po ay Education, pero hindi pa po talaga ako magtuturo kasi hindi pa ako nakapag OJT [on-the-job training], although may diploma naman ako.

“Meron pa akong nine units na kukunin para makapagturo.

“Pero hopefully, ‘pag nagkaroon ng time, matapos ko, kasi gusto ko talaga magtayo ng school.”

FUTURE TEACHER. Ang ibig sabihin ay hindi pa ganap na teacher si Alex dahil hindi pa nakakapag-licensure exam.

“Opo, hindi pa po ako kumukuha ng board exam.

“Although po yung school namin, yung pinag-aralan ko po, ay may subject kami na tinuturuan ka rin kung paano magtayo ng school.

“Business course, at the same time… educators.

“Ayun, gusto ko ring magtayo ng school kasi," ulit niya.

Pinangarap ba talaga ni Alex ang maging teacher?

“Oo, gusto ko talagang maging teacher kahit nung bata pa ako.

“Gusto ko talaga maging teacher ng mga bata. Gusto ko pa nga noon, high school ang turuan.

“Dati nung bata ako, gumagawa pa ako ng lesson plan.

“Kaya lang, mas gusto talaga ng mommy ko pre-school para makapag-start daw kami sa paggawa ng school.

“Di ba, ‘pag nag-start ng school, mag-i-start sa pre-school, habang nagtatagal, padagdag nang padagdag na lang ng grades kada taon?

“Yun yung plano."

STILL TONI AND PAUL? Tinanong din ng PEP si Alex tungkol sa report na nagkakalabuan daw ang ate niyang si Toni Gonzaga at ang boyfriend nitong si Paul Soriano.

Ayon kasi sa usap-usapan ay may ibang babae raw si Direk Paul.

“Ay, wala po!" mabilis namang tanggi ni Alex.

"Sa bahay namin, laging nandun si Kuya Paul, lagi rin silang magkasama.

“Feeling ko, hindi naman sila apektado nun, parang wala naman.”

Nasabi ng Ate Toni niya dati na may niluluto silang proyekto ni Alex. Ano na ang balita dito?

“Yes, excited na excited na kami doon!

“Hopefully, June or July, ay ma-open na namin yung aming project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa po puwedeng sabihin, pero excited na po kami.

“Actually, pupunta kami sa Hong Kong this Holy Week para planuhin yung project.”

Wala bang plano na magsama sila ni Toni sa isang TV show o pelikula?

“Hopefully po, kasi gusto ko talagang makatrabaho ang ate ko.

“Kaya lang, di ba, magkaiba kami ng network, so parang mahirap. Pero sana po soon!” asam niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN