Ejay Falcon happy to receive praises for his improved acting skills

Magpapaliga raw ng basketball si Ejay Flacon sa kanyang probinsiya na Oriental Mindoro para sa Holy Week. “Kasi medyo adik din ako sa basketball e,” sabi niya.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang young actor na si Ejay Flacon sa set ng ABS-CBN afternoon soap Mundo Man Ay Magunaw noong Biyernes, March 30.

Sa panayam na ito ay pinuri ng press si Ejay dahil sa kapansin-pansing malaking improvement ng kanyang pag-arte.

Noon kasi ay laging pinupuna ang skills ni Ejay sa pagiging artista—"bano" raw siyang umarte.

Malaki ang ngiti ng young actor nang marinig ang puri ng press.

“Siyempre masaya!" bulalas niya.

"Masaya kasi nung hindi pa ko marunong umarte, may mga nagsasabi na hindi ako marunong umarte, pero dahil doon mas natututo ako.

"Naniniwala naman ako sa mga nagsasabi, at alam ko sa sarili ko noong panahon na yun, hindi talaga ako marunong umarte bilang baguhan.

"’Tapos ngayon, maraming nagsasabi na mas nag-improve.

"So yun, sobrang saya na na-appreciate nila yung ganun.”

Malaki ang pasalamat ni Ejay ABS-CBN dahil sa tiwala nito sa kanya.

“Kasi ang ganda ng mga ibinibigay na roles sa akin ng ABS,” paliwanag niya.

“Siguro masasabi ko na kaya naman ako natututo, nag-i-improve sa propesyunal na buhay ko, e, dahil sa tiwala na binibigay ng ABS sa akin, sa ibinibigay na roles sa akin, kailangan kong pagbutihan.

"At saka mababait yung mga nakakatrabaho ko.”

Naniniwala rin si Ejay na tuluy-tuloy lang ang improvement niya sa acting.

“Kasi, alam ko sa sarili ko na meron pa. Hindi lang siguro ito.

"Ayoko pong magmayabang, pero alam kong hindi lang ito.

"Hindi ko ba naibibigay lahat," saad ng dating Pinoy Big Brother Teen Edition winner.

EMPRESS. Sa Mundo Man Ay Magunaw ay ka-loveteam ni Ejay ang young actress na si Empress.

Totoo ba na nanliligaw na siya sa bida ng show na si Empress?

Agad niyang sinabing hindo totoo ang isyu.

“Di naman kami nagmamadali. Sa ngayon, masarap kasi na magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala pa, hindi ko pa nililigawan," sabi ni Ejay.

HOLY WEEK. Sa katunayan ay magkahiwalay nilang papalipasin ang darating na Holy Week.

“Siyempre may family naman yun, alam ko may family din sila.

"So siguro yung Holy Week, sa mga pamilya na lang namin,” sabi niya.

Uuwi raw kasi si Ejay sa Oriental Mindoro para sa Holy Week.

“Doon ako magho-Holy Week sa amin.

"Kasi yung mga tao, parang gusto akong makasama nang mas matagal. Mga tao doon, mga kababayan ko.

"Magpapaliga ako doon,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN