Rocco Nacino looks forward to doing Lam-ang after his Singapore vacation; says he can balance career with lovelife

Rocco Nacino is excited over his anticipated Holy Week sojourn in Singapore. He says this is part of their family tradition of being together for the holidays. It will be a sentimental trip for Rocco as he goes back to where he spent most of his childhood.


Tungkol sa gagawing niyang pagbabakasyon sa Holy Week ang unang nabanggit ni Rocco Nacino nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, April 1.

Aniya, “This Holy Week, yung mom ko, iti-treat kami—ako, kapatid ko, at saka dad ko—for a trip to Singapore.

“We’re staying there for four days.

“At excited na ako. Excited na akong magpahinga!” sabay tawa ng aktor.

Ano ang kanilang itinerary sa apat na araw nilang ilalagi sa Singapore?

“Siyempre mamamasyal kami sa Universal Studios.

“Kailangang mapuntahan namin iyon, pati ‘yong mga shopping centers.

“At ako, yung special request ko, gusto kong balikan yung elementary school doon kung saan ako nag-aral.

“At saka yung bahay na tinirhan namin doon," saad ni Rocco.

CHILDHOOD DAYS. Ilang taon nga ba silang nanirahan noon sa Singapore ng kanyang pamilya?

“Ten years kaming tumira doon.

“And excited ako siyempre na makabalik ulit doon.

"At meron akong gusto pang gawin, e—gusto kong puntahan yung bahay ng best friend ko.

“Wala na kasi akong contact sa kanya.

“So I’m just gonna go to his house, kakatok ako.

“Titingnan ko kung nando’n pa rin siya.

“He’s a Singaporean.

"So hopefully, nando’n pa rin siya. Do’n pa rin siya nakatira," nakangiting sabi ni Rocco.

Gaano katagal na ba siyang hindi nakakabalik sa Singapore?

“Matagal na rin po... twelve years.

“Kasi year 2000 po kami bumalik dito sa Pilipinas, e.”

PUPPY LOVE. May naging girlfriend ba siya roon o parang puppy love sa panahong doon pa sila nakatira?

“Secret!” tawa ni Rocco.

"Bata pa ako no’n!

“Umalis kami sa Singapore, thirteen years old ako.

“Uhm… crush-crush lang ako no’ng time na ‘yon. Ha-ha-ha!

“Tapos wala… puro aral.”

LENTEN TRADITION. In observance of the Lenten Season, may mga nakaugaliang tradisyong Pinoy din daw siyang karaniwang sinusunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, like yung fasting," banggit ni Rocco.

Hindi nila kasama ang rumored girlfriend niyang si Sheena Halili sa trip nilang ito sa Singapore ?

“Hindi po, e. Ang alam ko, may plans din sila ng family niya this Holy Week.

“At kami, ano… tradisyon na namin ng family ko na kapag Holy Week, kami ang magkakasama.

“Kaya kaming apat [parents niya and his younger brother Kyle] ang magkakasama.

“Before, nagpupunta kami sa iba’t ibang provinces, without booking anything.

“Without booking a hotel or without planning anything.

“Adventure na yung gano’n para sa amin," sabi niya.

POST-LENTEN PROJECTS. Inaasam-asam at hinihintay ni Rocco ang makapagbakasyon dahil pagkatapos ng Mahal Na Araw, balik na naman siya sa pagiging busy sa trabaho.

Bukod sa Party Pilipinas at taping ng The Good Daughter, naghahanda na rin siya para sa shooting ng isasapelikulang Ilocano epic na Lam-ang.

Ayon kay Rocco, “We’re gonna start shooting on the 22nd [of April].

“So, talagang kailangang prepared ako kapag nagsimula na kami.”

Usap-usapan ang tungkol sa eksenang magpapakita raw siya ng kanyang behind sa pelikula. Totoo ba ito?

“Baka!" nangiting sagot ni Rocco.

“Tingnan natin sa costume-fitting.

“Kasi hindi naman maiiwasan iyon, e. Si Lam-ang, ang suot naman niya, bahag talaga.

“Pero yung costume na ipapasuot sa akin, hindi gano’n ka-sexy.

"Kasi ang target audience ng film na ito ay yung mga kabataan.

“Gusto ng producer at ng direktor namin, ma-appreciate ng mga kabataan yung story ni Lam-ang.

“So I don’t think na papayag ang direktor namin na kita ’yong ano…

“Although sa fight scenes, hindi maiiwasan.”

Bagamat halos hubad na nga siya dahil bahag lang ang kanyang costume sa Lam-ang, hindi raw ibig sabihin ay game na si Rocco for sexy roles.

“I wanna give importance muna dito sa wholesome image na meron ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At hindi naman ako nagmamadali na pumunta ro’n, e.

“So ito muna. Ito muna... kung anuman ang meron ako ngayon.”


CAREER FIRST. Ang ibang budding actors, kapag gumaganda na ang takbo ng career ay isinasakripsyo muna ang lovelife.

Isang halimbawa na nga si Edgar Allan Guzman who decided na itigil na ang pakikipag-live-in sa girlfriend na si Johlan Veluz.

Si Rocco kaya?

“Hindi. Ano naman, e… ako, nagagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko.

“Tapos nagkikita pa rin naman kami ni Sheena. Okey yung communication namin.

“It’s all about balance, na kaya mong i-balance.

“Kaya mo ‘yong gawin. Laging may paraan," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN