Shamcey Supsup scared of giving birth: “Kasi, di ba, parang may mga namamatay during panganganak… parang ganun. Takot talaga ako!"

Shamcey Supsup has shown her mettle in the beauty pageant arena after bagging the 3rd runner-up title in last year’s Miss Universe beauty pageant. Now, it’s her time, perhaps even her responsibility to share her experiences in the form of tips to the new crop of contestants who aspire to wear the beauty crown.


Gaganapin na sa April 15 ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2012 sa Smart-Araneta Coliseum.

Sino ang susunod sa mga yapak nina Venus Raj at Shamcey Supsup na mag-uwi ng karangalan sa ating bansa?

Nagkaroon ng pagkakataon na masaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang press presentation at Parade of Beauties ng 30 candidates na kasali sa Binibining Pilipinas ngayong taon.

Dito rin nakapanayam ng PEP ang Miss Universe 2011 3rdrunner-up na si Shamcey Supsup. Inalam namin ang kanyang mga plano ngayong matatapos na ang reign niya.

“I wanna focus now on my firm, my profession as architect," sabi niya.

Personal business ba ni Shamcey o may kasosyo?

“Yes, it’s me and my friends.”

SHOWBIZ PLANS? Most beauty titleholders, especially those who won in international contests enter showbiz after their reign, is she considering the same?

“Wala pa naman, depende siguro sa projects na gagawin.

“Siguro hosting or lifestyle show, kasi yun ako, e.

“Kung acting naman kasi na kailangang may i-portray ka na role, siguro hindi ko kaya yun, kasi hindi ako ganun, e," sabi niya.

TIPS FOR THECONTESTANTS. Who is her bet among the present crop of contestants?

“Actually, nag-iiba-iba nga, e.

“Everytime na nakikita ko sila, may iba akong nakikitang maganda.

“Nakikita ko habang nagtatagal, yung iba sobrang nag-i-improve… nung press presentation, ang daming nag-standout.

“Hopefully ma-sustain yung mga strong contenders at yung mga hindi pa napapansin, sana mas mag-improve sila.

“Para yung talagang laban, competition talaga—-it’s gonna be a tight competition!”

From a beauty title holder’s experience, ano ang mga tips niya sa mga contestants to win in the pageant?

“Tip ko sa kanila… complete rest talaga. Iba talaga ‘pag well-rested sila.

“Sabi ko rin sa kanila, huwag sila masyadong ma-pressure.

“Kung ano sila, yun ang ipakita nila, huwag sila mag-pretend.

“Wala naman talaga stereotype, e. Hindi mo naman kailangan kopyahin si ganito or si ganyan para manalo ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat kung ano ka talaga, yun ang ipakita mo,” sabi ni Shamcey.

May nakikita bang "next Shamcey Supsup" sa mga candidates ngayon?

“Hindi ko alam!" tawa ng beauty queen.

"Nakakatuwa lang, kasi during the fashion show, sabi sa akin ni Sir Raymond, yung nag-choreo ng fashion show…

“Sabi sa akin na halos lahat daw Shamcey Supsup maglakad. Sabi ko, ‘Kasalanan ko po?’" sabay tawa ni Shamcey.

“Marami ang nag-tsunami walk… Yun lang, sana ma-inspire sila sa amin ni Venus Raj.

“Huwag silang ma-pressure, kasi yung pressure, mas hihila sa ’yo, e, ‘pag yun na lang iniisip mo.

“Basta dapat i-enjoy lang nila yung competition.”

LOVELIFE. Hindi ikinakaila ni Shamcey na mayroon na siyang boyfriend bago pa man siya nanalo sa Miss Universe—si Lloyd Lee.

Kumusta naman sila at gaano na sila katagal?

“Okay naman kami.

“Quite long… basta quite long na… basta!” iwas sagot ni Shamcey.

Mas naging strong ba yung relationship nila pagkataopos niyang sumali sa Miss Universe?

“Yes! Mas nakilala namin ang isa’t isa and getting stronger talaga.”

Are there plans to get married?

“It’s gonna come… in God’s time!

“Huwag naman sana more than 30... late na masyado sa ‘kin yung 30!” tawa ng 25-year-old beauty queen.

And her dream wedding?

“Gusto ko garden wedding... Christian wedding, e.

“So, it’s in the church, gusto ko with space… gusto ko… it’s either garden or beach.

“Pero kasi within Metro Manila, wala naman masyado…

“Mahirap din kung out of town, mahirap sa pag-invite.”

Have they discussed how many babies they want?

“Ay, ayoko! Kasi scared ako, e, parang scared ako manganak!

“Parang fear ko talaga siguro yun.

“Kasi, di ba, parang may mga namamatay during panganganak… parang ganun. Takot talaga ako!

"Siguro, kahit isa lang na baby. Okay na yun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN