Boy Abunda on stars using social networking sites: “So where is the mystery? It’s demystifying, destroying the myth, the magic, and the mystery of stars."

Boy Abunda has a reputation for being candid and frank about his views. In this recent interview, Boy revealed his thoughts about recent controversies that affect the industry in general and celebrities in particular. His advice to stars who are "caught" in social networking sites: “Right now, kung masyadong mainit sa kusina, get out muna."


Naging mainit ang usapin tungkol sa banggaan ng Cinemalaya organizing committee at ng baguhang direktor na si Emerson Reyes tungkol sa hindi napagkasunduang usapin tungkol sa casting ng entry ng huli na MNL 143.

Sa presscon ng kanyang bagong adbokasiyang Hope In A Bottle kamakailan, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boy ng kanyang opinyon sa nangyaring gusot sa Cinemalaya.

Naging bahagi ang TV host sa taunang festival dahil nag-produce na ito ng pelikula na naging entry sa prestigious indie film competition.

Ayon kay Boy, “Nalulungkot ako, dahil malapit ako sa Cinemalaya, tagahanga ako ng Cinemalaya.

“As a matter of fact, we produced two Cinemalaya entries—ang Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio which was directed by Mario O’Hara, at ang Astig, which won many awards a few years ago.

“Nalulungkot ako, kailangan pag-usapan, dahil binabasa ko yung magkabilang panig—both are making very important points.

“Importante na klaro sa bawat participating directors and producers kung ano ang rules of engagement.

“Hanggang saan dapat panghimasukan ng Cinemalaya ang casting?

“Because that’s the whole debate, ’no, ang casting ng bawat entries, dahil yun ang ipinupuntos nung kabila.

“Dahil ito nga ay free—Cine Malaya—pero you have also to understand that Cinemalaya is an organization.

“Kaya nga iyan ay narating din nila ang kanilang narating dahil marami sa pelikula ng Cinemalaya broke into international festivals, broke into mainstream.

“So, yung hindi pagkakaunawaan na ’yan ay dapat pag-usapan ngayon, para maging basehan ng mga darating na problema, future problems, similar to this one.

“Because this is a debate between, ‘Hanggang saan ba kayo mangingialam sa aking pelikula? Hindi ba ako puwedeng mamili kung sino ang gusto kong artista? Na gusto kong gumanap?’

“Ang sabi ng Cinemalaya, ‘Hey, gusto ko lamang maging mabuti, gusto ko lamang mas maganda at mas maayos ang iyong pelikula.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito ang aming pananaw...

"Now, I don’t know the rules, hindi ko alam ang rules, hindi ko alam if from the very beginning may briefing ’yan sa mga participating directors, or bago magsimula halimbawa ang festivals ay…

“I don’t know if iniuupo lahat ’yan at ipinaliliwanag, klaro sa lahat ng participating directors and producers…

“Dahil noong kapanahunan ko, we came in more as financiers, hindi kami masyadong involved doon sa mga pag-uusap.

“Nalulungkot ako… nalulungkot ako, but at the same time, may hope sa aking puso.

“Na sana mag-usap yung kampo nina Laurice [Guillen] na sobra ang aking galang, nina Robbie [Tan], at ang partido naman noong director… ni Emerson Reyes.

“Sana’y magtagpo kasi this is not going to be the last time it’s going to happen. Mangyayari at mangyayari ’yan.

"So if we have to create a precedent to this particular discussion, ‘pag dumating ito sa mga susunod na taon, may maisolusyon na.

“Sana hindi masyadong maapketuhan kasi alam n’yo ho ba sa Cinemalaya, inisa-isa ko ‘yang panoorin.

“I really watch the movies.”

Ngayon, tahimik na ang usapin sa pagitan ni Emerson at ng Cinemalaya.

May mga balitang nagkausap na ang magkabilang kampo, pero hindi ito kumpirmado.

SOCIAL NETWORK AND STARS. Naging bukas naman si Boy sa pagtugon sa katanungan tungkol sa social networking sites na Facebook at Twitter.

Nitong mga nakalipas kasing araw ay naging isyu ang pagsagot ng ilang celebrities sa bashers nila sa Twitter at Facebook.

Sa kaso ni Boy ay wala raw siyang accounts sa mga social networking sites na ito.

Sabi ni Boy, “Wala akong Twitter, wala akong Facebook, hindi po ako text savvy, pero naniniwala po ako sa kapangyarihan ng new media.

“At alam ko po ang nangyayari sa paligid.

"Lahat ng aking staff, lahat ng aking kaibigan subscribe to Twitter, subscribe to Facebook, kaya alam ko po yung mga balita na lumalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko po yung mga pinag-uusapan sa social network.

“Ngayon, ang tanong ay kung bakit hindi ako nakikisali.

“Una, talagang hindi ako masyadong mahusay sa technology. I mean, I text, I call.

"Pero sumisilip ako sa mga trends… sa mga pinag-uusapan sa Twitter, through my staff, through my friends. Sumisilip ako sa Facebook.

“I make sure that I am conversant dito sa social media.

“Pero kung papayagan nga ako sa aking pag-aaral, yung dissertation ko, yun ang gusto kong gawin.

“This is how far I will go–specifically Twitter.”

Malapit nang matapos ni Boy ang kanyang doctorate degree at balak niya para sa kanyang thesis ay talakayin ang usapin tungkol sa social media, partikular na ang Twitter.

“Twitter and movie stars are natural enemies. I would like to develop that discourse in my paper.

“Dahil pinag-iisipan ko ’yan, dahil sa world of Twitter kasi, ang playing field ay pare-pareho tayong lahat.

“In the world of stars, hindi.

"Stars need to be adored. Stars need to be validated. Stars need to be acknowledged.

“They need to be placed in a pedestal.

“Move them [stars] in a platform, in a social network like Twitter where anybody could say anything to them, that certainly violates that very concept of stars being bigger than life.

“So, kaya sinabi ko, ngayon pa lang pinag-iisipan ko, natural adversaries sila, e, natural enemies sila, e.

“Hindi talaga sila magkakasundo because, you know, feeling naman nung nasa Twitter, ’Ay, kapareho ko lang siya! Ay, namumura ko pala siya!’

“So where is the mystery? It’s demystifying, destroying the myth, the magic, and the mystery of stars.

“Though ang mga stars naman, I know the excitement of, ’Dati ako ang source of news, ngayon ako na rin ang reporter.’

“’I have that freedom to say what I want, when in fact in the past, I have to call a press conference for example to announce how I feel.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Today, ngayon, isang tweet lang, I’m able to deliver my message, ang sama ng loob ko.’

"But in the process, meron kang audience na ‘pag sinabi mo ang iyong nararamdaman, ’Walang hiya ka!’

“And that doesn’t happen in a press conference. I mean, at least that doesn’t happen very often.

“You can have your own critics.

“But as opposed halimbawa to the traditional media, where you know you are very careful, there is caution, there is prudence, and there is counter checking of facts...

"On Twitter, you can be anonymous and you can call your biggest stars any name you want without accountability.

“So, nakita ninyo yung basic conflicts ng principles of social network and stardom, and public figure and celebrity and business.

“So, hindi talaga sila magkakasundo. And this course, iba ang intent ng dalawa.

“Because how would you feel if your stars... for example, the biggest star, let’s say Barbra Streisand, who I adore, or let’s say, Barbara Walters, is fighting with somebody who is anonymous?

“Yung feeling ng anonymous basher would be, ’Ay, pareho ko lang pala siya!’"

Sa tingin ba ni Boy, okay na sumasagot ang mga stars na biktima ng mga bashers sa Twitter at maglabas ng kanilang saloobin?

Saad niya, “Pero hindi mo naman mapipigilan din ang isang sikat na artista na magsasabing, ’Tao lang ako, nasasaktan ako.’

“So ito, wala akong conlcusion. Sinasabi ko lamang ang aking mga thoughts, pero ito yung mga nangyayari.

"Sa’n ito papunta, I don’t know…

“Pero right now, sabi ko nga, I want to spend more time to study tungkol dito, kasi paano pagtatagpuin ito?

“Should stars be on social network?

“There are stars naman na hundreds of thousands of followers who don’t follow anybody. They don’t, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May isa pang tanong diyan: how much can stars take?

“You know when your told, ‘Bobo ka, hindi ka maganda, ang pangit mo umarte!’–All these things… how will you separate from being a star and your being part of the social network?"

May advice naman si Kuya Boy para sa mga artistang nabibiktima ng "bashers"...

“Right now, kung masyadong mainit sa kusina, get out muna.

“Tingnan mo, pag-aralan mo because the moment...

"Ako, ang pananaw ko, the moment you are in this platforms, the moment you’re in social network, be ready for the game.

“Even the bashers can be healthy.

“But you have to know how to manage, handle them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN