Marian Rivera on boyfriend Dingdong Dantes: "Anong dahilan para magselos pa ako, e, napaka-vocal naman niya kung gaano niya ako kagusto?"

“Naniniwala ako na si Dong, stick to one sa akin at love naman ako. Ganoon din naman ako sa kanya. Dito sa showbiz, wala naman akong naging boyfriend ko ‘to, naging boyfriend ko yun, lumipat ako rito... wala naman akong isyung ganoon," says Marian Rivera.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Marian Rivera sa taping ng My Beloved sa San Juan de Dios Hospital kahapon, April 2.

Dahil Holy Week na nga, isa sa unang itinanong sa aktres ay kung saan nito planong mag-Holy Week.

“Wala pa talaga. Nag-iisip pa kami,” pagtukoy ni Marian sa kanila ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

“Hindi ko talaga alam kasi, ang akala namin at ang alam ko rin, ang My Beloved, hanggang Tuesday ang taping. E, hanggang today lang pala.

“Hindi pa kami nakakapag-usap kung ano ang gagawin namin. Kung dito na lang ba kami kasama ang family.

“Pero kung anuman ang mangyari, basta Sunday, kailangan nandito kami.

“Kasi, ano yun, e, salubong yun at saka Pasko ng Pagkabuhay.”

Nabanggit ni Dingdong na tila plano nilang magpunta ng China ngayong Holy Week. Tuloy pa ba ito?

“Ay naku, hindi kami matutuloy ng China bilang napakaraming requirements para sa visa!

“E, napaka-short ng time namin para ayusin lahat. Ang dami talaga, promise!”

Kung siya ang masusunod, ano ang mga gusto niyang puntahan?

“Simple lang naman ako. Kahit saan, puwede akong pumunta.

“Pero siyempre, mas gusto ko ang mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Marami pa.

“Hindi pa ako nakakapunta sa New Zealand, sa Vietnam, sa India…

“Pero siyempre, gusto muna naming mag-search kung anong meron do’n… anong culture meron.

“Kasi minsan, nakakatakot kapag hindi mo pa alam.”

BECAUSE OF LOVE. Sa My Beloved, ipinalabas na ang episode kunsaan ikakasal sana si Marian bilang si Sharina kay Nelson (Mikael Daez) at si Dingdong naman bilang Benjie kay Emmie (Katrina Halili).

Pero bandang huli, iniwan nila ang mga ito at lumayo.

Sa totoong buhay kaya ay gagawin din niya ang talikuran ang pamilya para sa lalaking minamahal?

“No!” mabilis na sagot ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko gagawin ‘yan sa family ko.

“At lahat naman ng nagiging… minamahal ko, never silang naging hadlang kung kaya’t bakit naman ako magtatanan at mamimili sa parents ko o sa magiging boyfriend ko?

“Mahirap makahanap ng magulang at ng lola.

“At mahirap din makahanap ng boyfriend na seseryoso sa ‘yo na pang-habambuhay. So, magkaiba yun.

“Naniniwala ako na kung mahal din ako ng boyfriend ko, gagawa siya ng way para magustuhan siya ng magulang ko, dahil ang magulang, ang lola na nag-alaga sa akin, hindi ko mapapalitan ‘yan, e.”

So, si Dingdong ay gumawa talaga ng paraan para magustuhan ng mommy at lola niya?

“Oo! Hindi naman siya, pero what if iba lang, di ba?

“Pangit naman no’n. Give up mo ang family mo para sa love? Ayoko no’n.”

Kung sakali pala, ’tulad ng characters nila ni Dingdong sa My Beloved, hindi niya ipaglalaban in real life ang pag-ibig niya sa lalaking minamahal?

“Bakit ko ipaglalaban kung wala namang tumututol?” sagot ni Marian.

A DIFFERENT CASE. Pero ayon sa Kapuso actress, ibang kaso na raw kung ang boyfriend niya ay malalaman niyang may ibang karelasyon din.

Sabi ni Marian, “Ay, hindi ko ipipilit ang sarili ko!

“Once na magkamali sa akin ang isang lalaki, tapos yun sa akin.

“Although, wala pa namang nanggagano’n sa akin. Ayoko ng ganoon, e.

“Gusto ko, umpisa pa lang, maganda, smooth ang relationship namin.

“Walang problema, honest kami sa isa’t isa.

“Gusto siya ng parents. Gusto ako ng parents.

“Ayoko no’ng may nagiging lamat.

“Okay lang siguro yung konting tampuhan. Pero kapag may malaking nagawa sa ‘yo…

“Mahirap kasi akong magtiwala agad.

“Kapag may nagawa sa akin at nasaktan ako, nahihirapan akong takluban ulit yun para maging okay.”

So, goodbye na agad sa kanya?

“Depende sa naging kasalanan niya,” sagot ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung nangaliwa?

“Ay, ayoko na... goodbye!”

STICK TO ONE. Sa ilang taon na ring relasyon nila ni Dingdong, may pagkakataon ba na nagkaroon sila ng major issue?

“Wala,” mabilis na sagot ni Marian.

“At naniniwala ako na si Dong, stick to one sa akin at love naman ako.

“Ganoon din naman ako sa kanya.

“Dito sa showbiz, wala naman akong naging boyfriend ko ‘to, naging boyfriend ko yun, lumipat ako rito... wala naman akong isyung ganoon.”

Sa loob ng apat na taon nila ni Dingdong, hindi pa sila umaabot sa puntong nagkahamunan halimbawa na mag-break na lang sila?

“Echosera ka diyan, wala pang ganoon! One month pa lang!” natatawang hirit ni Marian.

Dagdag pa niya, “Wala, hindi kami nagbibilang.”

Consistent pa rin si Marian na hindi talaga sinasabi kung ilang taon na sila ni Dingdong.

Sabi pa niya, “Wala… ayaw rin ni Dong ng ganyan-ganyan.

“Kahit ako, ayokong bigyan ng pagkakataon na, ‘O, ang anniversary natin, November 1…’ pangit yung ganoon, e.

“Ang palagi naming sine-celebrate, kapag birthday namin, Christmas, New Year, at saka ito, Holy Week.

“Maraming dahilan para mag-celebrate naman.”

Sa ilang taon ng relasyon nila, wala pang ganoong insidente talaga na parang muntik ng maghiwalay o mag-break?

“Wala, wala,” sagot ni Marian.

“At saka, kilala n’yo naman si Dong, edukadong tao ‘yan.

“Kapag may mahal siya, yun lang.

“At kapag ayaw niya, e, di sa iba. Pero walang ganoon.

“At saka, never naman kaming nagganoon na dalawa.

“Kasi, kapag siya ang mainit, ako ang relax. Kapag ako naman, siya ang relax.”

JEALOUSY. Nagseselos pa rin ba siya?

“Hindi na. Para saan pa?

“Bigyan n’yo ako ng dahilan para magselos.

“Kahit kayo, sagutin n’yo ‘yan, anong dahilan para magselos pa ako, e, napaka-vocal naman niya [Dingdong] kung gaano niya ako kagusto?

“Wala naman tayong naririnig sa kanya—mabait na tao, edukado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit pa ako magseselos?

“Unless na may mangharot na on the spot na nakikita mo, e, wala naman.”

Meron bang ganoon?

“Wala naman.”

SEXY COVER. This month ay si Marian ang cover ng Cosmopolitan magazine, kunsaan napaka-sexy niya sa kanyang one-piece bathing suit.

Marami nga siyang ginulat sa ginawa niyang pagpapaseksing muli.

Sabi naman ni Marian, “Nagulat ba kayo? Napakasimple lang naman.”

Kuwento pa niya, “Actually, noong tinawagan ako ni Popoy [Caritativo, her manager], sabi niya, ‘Ano, Yan, kaya mo bang mag-bathing suit?’

“’Saan? Ano ang susuutin ko?’

“Sabi naman niya, ‘Hindi, siyempre kasi Cosmopolitan naman.’

“Sabi ko, ‘Para saan? Summer edition?’

“’Tapos sinabi ko kay Dong. Sabi ko, ‘Ano, gawin ko?’

“Sabi niya, ‘Sige, gawin mo.’

“So, ginawa ko. Kasi, nahihiya talaga ako, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN