Nikki Gil enjoys kontrabida role in Mundo Man Ay Magunaw; does not mind being typecast

Nikki Gil enjoys being a kontrabida in Mundo Man Ay Magunaw as it gives her the opportunity to portray a different role other than her "usual." Asked why she enjoys the role so much, she said: “Because it’s something different, hindi ko siya laging nae-experience dahil sa totoong buhay, hindi naman ako nang-aaway ng ibang tao."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) at ng ibang entertainment press si Nikki Gil noong Biyernes, March 30, sa set ng Mundo Man Ay Magunaw.

Kontrabida ang role ni Nikki sa afternoon soap na ito ng ABS-CBN, taliwas sa karaniwang napapanood sa kanya.

Pahayag ni Nikki, natutuwa siya sa kakaibang role na ibinigay sa kanya ng Kapamilya network.

“I don’t remember having this much fun sa isang role!

“Ito talaga, na-enjoy ko talaga yung pagiging kontrabida.

“Because it’s something different, hindi ko siya laging nae-experience dahil sa totoong buhay, hindi naman ako nang-aaway ng ibang tao.

“So parang, nakakalabas ako ng mga... in real life kasi, hindi ako nakakaano ng mga tao, e,” paliwanag ni Nikki.

Dagdag pa niya, wala siyang takot na ma-brand bilang kontrabida.

Sa katunayan ay tatanggapin niya kung kontrabida uli ang role na ibibigay sa kanya.

“I really don’t mind na ma-typecast ako. Well, someone’s gotta do it!

“I really don’t mind being the girl for the job because I enjoy it so much.

“I feel like ang dami ko pang puwedeng gawin as a kontrabida,” sabi niya.

Hindi ba siya natatakot na baka maapektuhan ang career niya as a TV host and singer dahil magiging iba ang imahe niya sa TV?

“Actually, I said it before. I think our viewers are smarter now.

“Gone are the days na hahabulin ka ng mga tao, sasabunutan ka dahil bad ka kay ganito...

“Gone are the days na hindi nila ma-differentiate yung role from reality.

“Hindi naman naaapektuhan yung hosting ko, I still get the same hosting jobs… I still get to sing.”

Suportado rin ng kanyang boyfriend na si Billy Crawford ang kanyang pagko-kontrabida.

“Nag-e-enjoy siya. Gustung-gusto niyang nagtataray ako.

“’Tapos napapansin niya na na lately, na umiiyak na ako, nagiging kawawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Ay, nami-miss ko yata yung nagtataray ka.’ Sabi ko, ‘Wait ka lang,’” kuwento ni Nikki.

BILLY’S WEIGHT. May nakapansin naman sa press na pumapayat na ngayon si Billy, mula sa bulky nitong hitsura noong nakaraang taon.

May kinalaman ba si Nikki sa desisyong ito ng kasintahan?

“Siguro feeling ko, kaya din siya for a time nag-expand, nag-gain ng weight, e, hindi isyu sa akin yun.

“At siguro alam niya na mamahalin ko siya, payat man o mataba. So, hindi ko siya yung nina-nag.

“E, ang sarap niya kumain, e, cute-cute niya ‘pag kumakain siya, e. So, papabayaan ko talaga siya,” pagmamalaki ni Nikki.

Hindi ba siya naghahanap ng sexy na boyfriend?

“Kung ako walang abs, bakit ko siya hihingan ng abs?” biro ni Nikki.

Suportado raw kasi ni Nikki anumang desisyon ng boyfriend.

“It helps with his self-esteem, it helps with his job, it helps with his work.

“But you know, as a girlfriend, basta masaya siya. Dun lang naman ako.

“Kung masaya siya na chubby siya, kebs!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN