Mikael Daez on maintaining good showbiz image: “Since artista ka, you have to be personable, you have to look good.”

Mikael Daez seems to have internalized his responsibilities as a showbiz personality. He says one has to hone his craft, like attending workshops, constantly practice, and look good. He explains: “And another thing is regular na rin ako sa gym, sa pagwu-workout, kasi importante rin na you’re fit, na you look good, di ba? It’s not being vain naman, it’s part naman ng pagiging artista."


Kahit noong bata pa si Mikael Diaz, hindi niya pinangarap at hindi sumagi sa kanyang murang isip na mag-aartista siya.

Ayon sa kuwento ni Mikael nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng My Beloved sa San Juan de Dios Hospital noong April 2, noon ay dalawang TV shows lang ang napapanood niya.

“Noong bata pa kami, nag-aaral pa kami noon, and we were allowed to watch TV lang from three to five p.m.

“And ang natatandaan ko na madalas kong napapanood is yung Dragon Ball Z sa GMA at yung Sesame Street sa RPN 9.

“Kaya wala talaga akong alam sa ibang shows, sa mga drama series noon.

“Kasi puro aral din ako noon.

“Then, nung nauso na angInternet and YouTube, iyon na lagi ang pinapanood ko.

“Kaya mas lalo akong walang kamalayan sa mga palabas sa TV, lalo na yung mga local shows!” natatawang kuwento ng hunky actor, who plays Nelson sa My Beloved.

Kaya naman ngayon, may mga pagkakataon na hindi pa rin siya makapaniwala na artista na siya, at nakakadalawang drama series na para sa Kapuso network—una nga ang Amaya at ngayon ay ang My Beloved.

SHOWBIZ FAMILY. Kung noon ay wala siyang “malay” sa local showbiz, si Mikael na ngayon ang nagbibiro sa mga nakababata niyang kapatid.

“Sasabihin ko, ‘O, mag-artista ka na rin, sumali ka sa StarStruck, sumali ka sa PBB!” at muling natawa si Mikael.

Kaugnay nito, may younger sister si Mikael na ipapa-VTR niya sa Mercator, ang artist and model management na siyang nangangalaga sa career niya bilang artista, modelo, at host.

“Maganda siya, and iyon nga, I am planning na ipa-VTR siya sa Mercator.

"And of course, ang Mercator na ang magha-handle sa kanya—co–manager ako!” at muling tumawa ang binata.

So, magiging "stage brother" siya?

“Malamang!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOSTING. Speaking of hosting, sinabi ni Mikael sa PEP na tulad ng pag-arte, mahal niya ang paghu-host ng events at pageants.

In fact ay nag-host siya ng Ginoong Bangkero Festival sa Pagsanjan, Laguna. Ito ay mula sa paanyaya ni Pagsanjan City Mayor Girlie Ejercito (ang dating aktres na si Maita Sanchez) at ng mister nitong si Laguna Governor ER Ejercito.

Sabi ni Mikael, “First time ko yun na mag-host ng male pageant, and okay naman, halos pareho din.

“I love hosting... Actually, nung hindi pa ako masyadong umaarte sa harap ng kamera bilang artista, mas madalas na nagho-host ako ng mga events.

“Kung ano ang mas pipiliin ko? Siguro pareho. Kung kaya ko namang pagsabayin, bakit hindi?”

LENTEN SEASON. Ngayong Holy Week, since walang trabaho, isa si Mikael sa mag-oobserba ng Lenten season.

“Mahigpit ang lola ko pagdating diyan. No matter what, kailangan na gawin namin yung nakaugalian ng pamilya na pag-observe ng Holy Week.

“And iyon nga, since wala namang trabaho, may chance talaga, especially minsan isang taon lang naman.”

After the Holy Week, balik-taping si Mikael for My Beloved.

“Actually, kung ako nga ang masusunod, ayokong magbakasyon, ayokong magpahinga.

“Mas gusto ko na lagi akong may taping or shooting—mas gusto ko yun.”

MAKE GOOD. Mahal ni Mikael ang kanyang trabaho, in fact, this year ay desidido siya na pagbutihin pa ang kanyang career.

“I’m bent on improving myself talaga kaya nga I’m doing two things right now…

“I’m taking up acting workshops kay Miss Bevs [Beverly Vergel] kasi I want to improve my acting.

“Ayoko naman kasing mapahiya sa GMA na nagtitiwala sa akin by giving me such great projects, kaya kinakarir ko talaga ang pagwo-workshops.

“Para naman after My Beloved, kapag nabigyan ako ulit ng mas matinding role, makaya ko, hindi ako mapapahiya sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And another thing is regular na rin ako sa gym, sa pagwu-workout, kasi importante rin na you’re fit, na you look good, di ba?

“It’s not being vain naman, it’s part naman ng pagiging artista.

“Na since artista ka, you have to be personable, you have to look good.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN