Aljur Abrenica reveals why his team-up with Kris Bernal did not blossom into a serious relationship

Aljur Abrenica’s rise to fame had always been identified with his loveteam partner Kris Bernal. No wonder, the two have kept their friendship intact even as they both have had different "loves" in reel and real life. For now, Aljur hopes to be paired with childhood crush Heart Evangelista.


Aminado si Aljur Abrenica na nami-miss niya ang tambalan nila ni Kris Bernal.

Parehong galing sa reality-based artista search na StarStruck, sina Aljur at Kris ay nagsama sa maraming proyekto ng GMA-7:

Wala raw lovelife ngayon ang young actress ngayon. Ano ang masasabi ni Aljur dito?

“Oo, pero ang daming nanliligaw sa kanya. ’Pag nalaman ninyo [kung sinu-sino], tatalon kayo!” natatawang sabi ng binata.

Sinu-sino nga ba at boto ba naman si Aljur sa mga ito?

“Basta! Oo naman.

“Basta!” ang muling sagot ni Aljur na natatawa.

“Basta, nangako ako sa kanya na hindi ko ipagsasabi, e.”

Madalas pa rin daw silang nagkakausap ni Kris.

“Oo naman. Kami naman ni Kris, wala namang pinagbago, ganoon pa rin, nag-uusap pa rin kami.”

Nagsasabi pa rin si Kris sa kanya kung sino ang mga nanliligaw sa kanya?

“Oo. Kami kasi ni Kris, wala kaming… natutuwa ako kasi wala pa rin siyang sinisikreto sa akin.

“Kung meron man, nahuhuli ko pa rin!” tawa na naman niya.

Bakit niya hinuhuli?

“E, siyempre curious ako, e.

"Minsan si Kris kasi ’pag nagsasabi, minsan alam ko kung may tinatago pa yun, e.

“Sa tagal ba naman naming nagsama…

“Yung pinagsamahan kasi namin, talagang masasabi mo na para na kami talagang mag-syota… Hindi, joke lang!

“Talagang close na close kami at wala kaming sikretong itinatago sa isa’t isa.”

So, nagsasabi rin siya kay Kris ng mga sikreto niya?

“Oo naman! Tanungin ninyo siya, alam niya lahat.”

DESTINY. Bakit nga ba hindi nag-work out ang muntik na nilang naging relasyon noon ni Kris?

“Yung sa amin? Papunta na doon, papunta na, kaso…

“Masasabi siguro natin na hindi itinakda, ’tsaka hindi panahon.

“’Tsaka pinag-usapan namin ’yan, e... pinag-usapan namin ’yan.

“Mahaba e, basta ang nangyari, ang naaalala ko, ’eto ang magandang sinabi niya: ‘Bebs, ayokong magiging tayo, mas mahihirapan tayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag nagkaproblema, parang Mark [Herras] and Jen [Jennylyn Mercado].

“Kasi nakakarinig kami na hindi sila nakakapagtrabaho nang maayos.

“Sabi pa niya, ‘Siguro mas maganda kung magkaibigan na lang tayo.’ Siya ang nagsabi nun!

“At nung sinabi niya yun, nirespeto ko yun. Sabi ko, ‘Sige!’

“Pero yung pagmamahal ko sa kanya, ganoon pa rin.”

Hindi kaya balang-araw ay maging sila pa rin?

“Puwede, puwede, malay natin?”

KRIS OR RHIAN? Ano ang mas gusto niya: ibalik ang team-up nila ni Kris o itutuloy ang loveteam nila ni Rhian Ramos?

“Kahit anong mangyari, sa akin, okay lang.

"Kung mababalik ako kay Kris, gusto ko, gusto ko talaga!

“Kung tuluy-tuloy ang loveteam namin ni Rhian, okay lang rin sa akin.

“Sa akin, kahit ano, depende... depende sa management yun kung ano ang gusto nila.

“Pero ako kasi, kung ako ang tatanungin, sasabihin ko lang sa kanila, ako kahit ano, okay sa akin.”

“Oo naman!” ang mabilis na sagot ni Aljur Abrenica nang tanungin kung papayag siya kung sakaling si Rhian Ramos ulit ang maging leading lady niya sa next project niya.

Nagkasama ang dalawa sa pelikulang My Kontrabida Girl na ipinalabas last month.

HEART EVANGELISTA. Sino naman ang gusto niyang magiging kasunod na leading lady na hindi pa niya nakakapareha?

“Si Marian [Rivera], Carla [Abellana], si Lovi [Poe], si Heart [Evagelista]! Si Kylie [Padilla]," banggit ni Aljur sa Kapuso actresses.

Sino sa mga nabanggit ang gusto niyang maging leading lady niya agad?

“Si Heart! Si Heart kasi, bata pa lang ako, crush ko na siya.

“Alam niya yun. Lagi ko ngang sinasabi sa kanya, ‘Alam mo ba nung bata ako, ang tawag sa akin John Prats?’

“Kahawig ko si John Prats, e. Sabi niya, ‘hawig’ daw.”

Nakatrabaho na raw niya dati si Heart sa Luna Mystica pero hindi sila magkapareha—si Mark Anthony Fernandez ang leading man doon ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tikbalang ako doon!” tawa ni Aljur.

POLITICS. Tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur kung tulad ng ibang artista, gusto rin ba niyang maging isang politician balang-araw.

“Hindi pa naman siya pumapasok sa isip ko. Pero nasa family… nasa family," sagot niya.

Ang mga ninuno raw nila ay mga dating pulitiko noon sa lugar nila sa Batangas.

May tirahan at resort sina Aljur sa Batangas City.

“Daddy ko nga pinapatakbo, pero ayaw, e.”

Kaya nga siya na lang ba ang papasok sa pulitika?

“Hindi ko alam, e.

“May chance, pero sa ngayon, sasabihin ko na hindi ako karapat-dapat.

“E, wala pa akong alam sa pagpapatakbo ng mamamayan, e.

“Wala akong kaalam-alam, kailangang mag-aral muna ako… kailangang pag-aralan ko muna.”

Sa pananalita ni Aljur ay tila gusto niya…

“Tingnan natin, hindi ako sure, e.

"Kung iyon ang path natin, ang destiny natin, tatanggapin ko.

“Kasi makikita mo naman yung mga signs, e.”

Pero kung sakali man, mas pipiliin daw ni Aljur na sa Pampanga manilbihan.

“Lumaki ako sa Pampanga, mas alam ko doon," sabi niya.

Batangueño ang ama ni Aljur at Kapampangan naman ang mommy niya.

DREAM ROLE. Ano ng dream role ni Aljur bilang artista?

“Maging si Lapu-Lapu! Noon ko pa gustong gawin iyon," sabi niya.

Na-inspire daw si Aljur nang gampanan niya ang karakter ni Lapu-Lapu sa Philippine National Anthem video na ginawa ng GMA-7.

“Doon ko nakita na bagay sa akin.”

Payag ba siyang gumanap sa papel ng isang bading?

“Puwede, oo!”

Willing siyang makipaghalikan sa kapwa niya artistang lalaki?

“Siguro depende sa halikan.”

Kung torrid?

“Hindi ko pa naiisip ’yan e,” sagot ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN