Enrique Gil on talk that he is courting Kim Chiu: “Yeah, nagka-text kami, pero not like I like her... walang ganun."

Enrique Gil is not new in showbiz and he has appeared in numerous shows under ABS-CBN stable. Being one of the stand-outs among other stars, Enrique is always being linked with equally beautiful and popular stars. The latest of which is his rumored courting of Kim Chiu which he denies.


Maging si Enrique Gil ay nagulat sa lumabas na balita na palihim daw siyang nanliligaw kay Kim Chui.

Pero agad itong itinanggi ng young actor nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP 2012 noong Linggo, April 1.

“Kahit ako nagulat nang lumabas ’yan—hindi ako nanliligaw!" diin niya.

“At that time kasi, best friend ko si Matteo [Guidicelli], nag-mall show ako sa Cebu, e.

"Tamang-tama that time, yung My Binondo Girl, nag-mall show din sila sa Cebu.

“So, parang tinext ako ni Matteo, ‘Nandito kami sa Cebu, may dinner kami with the whole cast and family ko, kita tayo.’

“Ako naman umoo after ng show, so kasama ko yung handler ko, nagkita kami, and yun, nakilala ko si Kim.

“Taga-Cebu din pala siya. Dun kami unang nagkakilala.

"Nag-usap kami kasi hindi kami nag-uusap dito [sa Manila].

“’Tapos naging friends, nagkapalitan ng numbers, ’tapos text-text pero na-stop din.”

Bakit nahinto ang komunikasyon nilang dalawa? Hindi kaya natakot siya sa Kimerald fans na kilala sa pagiging possessive sa kanilang mga idolo?

“Wala lang, I don’t know..." sabi ni Enrique.

"Wala talaga, walang ganun na umabot sa punto.

“Yeah, nagka-text kami, pero not like I like her... walang ganun.

“Hindi rin kami lumabas, we never went out, basta walang ligawan.”

“Sa mga Kimerald? Hindi, wala naman.”

Sa mga past interviews ay sinabi ni Enrique na attracted siya kay Kim.

Paliwanag ng young actor dito, “A, dun sa mga dati kong interviews, sinabi ko, oo naman, pero hindi ako umabot sa nagkaligawan. Hindi ko binalak.

"Ang nangyari lang kasi that time, kaming tatlo [siya, si Kim, at si Matteo] from Cebu.

“Kilala ng ate niya [Kim] yung tita ko, yung sister ng mom ko. ’Tapos yung sister ng mom ko, kilala din ni Matteo.

“Parang, ‘Oh, what a small world!’ Dun na nag-start.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL FRIENDS. Ngayon naman ay nililigawan daw ni Gab Valenciano ang ex-girlfriend ni Enrique na si Coleen Garcia.

Hindi kaya sumama ang loob ni Enrique kay Gab dahil dinidiskartehan nito ngayon ang kanyang ex?

“Wala, I mean Gab talked to me about it.

“Whenever we go out, lagi kaming nagkukuwentuhan sa problems nila, about me.

“Nag-open up agad siya sa akin, ‘Uy, bro, gusto ko si Coleen.’

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Bro, okay na, hindi mo na kailangang magpaalam. Pero thank you sa respect na nagpaalam ka, pero you didn’t have to.’

“Sabi ko sa kanya, ‘Take care lang.’

“Kami ni Gab, barkada kami, best friend ko siya, brother ko siya.

"Ako, si Gab, at saka si Jake [Cuenca],” sabi ni Enrique.

Bukas at consistent ang communication nila ni Gab pero nang tanungin namin kung nakakapag-usap pa sila ni Coleen, inamin ni Enrique na hindi na.

“Kami ni Coleen, wala na kaming communication.

"Pero kami ni Gab, oo naman, mayroon.

“The other day nga, tumawag siya sa akin, mayroon siyang song na sinabi ko, so tumawag siya.”

PRINCESS AND I. Sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Princess and I ay gumaganap si Enrique bilang isa sa leading men ni Kathryn Bernardo.

Masaya si Enrique sa magandang role na ipinagkatiwala uli sa kanya ng Kapamilya network.

“Super-saya ko, sobrang excited—this is something different so exciting siyang gawin!

“First time kong mag-shoot abroad. First experience, first time in Bhutan.

“Nag-enjoy ako kasi mahilig ako sa exotic, puro bundok, so nag-enjoy talaga ako!” bulalas ni Enrique.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN