Joshua Dionisio on breakup of loveteam with Barbie Forteza: “Parang disappointed ako kasi hindi ko ma-gets kung bakit kailangang paghiwalayin ang loveteam."

Joshua Dionisio’s long-time loveteam partner is Barbie Forteza. Barbie is now slated to do Tweets For My Sweets but not with Joshua as a partner. This time, Barbie is paired with Elmo Magalona. This development seems to have affected Joshua as he surmices: “Parang disappointed ako kasi, hindi ko ma-gets kung bakit kailangang paghiwalayin ang loveteam."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua Dionisio sa taping ng summer episode ng Tween Hearts last week.

Kinunan ang episode sa La Virginia Resort sa Mataas na Kahoy, Batangas.

Masaya si Joshua sa itinatakbo ng kanilang youth-oriented show na hanggang ngayon ay nanatiling matatag at mataas ang rating.

SEPARATED. Pero sa kabila nito, hindi naman itinanggi ni Joshua ang disappointment niya na hindi na sila ng ka-loveteam niyang si Barbie Forteza ang magkapareha sa bagong show ng huli sa GMA-7—ang Tweets for My Sweets.



Ang makakatambal ni Barbie ay si Elmo Magalona.

Ayon kay Joshua, “Parang disappointed ako kasi hindi ko ma-gets kung bakit kailangang paghiwalayin ang loveteam.

“I just hope na may plano sila kaya nila kami pinaghihiwalay—looking at the bright side na lang.

“Actually, wala naman pong sinabi ang network sa akin na paghihiwalayin na kami.

“Narinig ko lang din po sa mga fans.”

FANS’ REACTION. Ang mga fans nila ni Barbie ang apektado dahil sa balitang baka hindi na nga sila mapanood pa sa ibang shows maliban sa Tween Hearts.

Ano ang masasabi niya sa mga ito?

“Hindi ko naman sila pinipigilan sa mga opinyon nila.

“Hindi ko naman sila masisisi kasi matagal din nila kaming sinubaybayan at saka matagal din silang sumusuporta—for three years.

“Kaya natural lang talaga sa kanila ang nararamdaman nila na malungkot sila.

“Pero yun nga, wala akong masabi na matutuwa sila," saad ng teen actor.

NO PARTNER. Kung si Barbie ay mapapanood na kapareha si Elmo, na isa ring Kapuso star, sino naman ang nakikita ni Joshua na puwede ring ipareha sa kanya?

“Parang wala!” natatawa niyang sabi.

“Parang lahat, occupied na. Parang lahat, established na sa mga partners nila.”

May panghihinayang ba siya at tila sobrang attached na rin siya sa loveteam nila ni Barbie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman!" bulalas niya.

"Sobrang nakaka-miss siyempre yung nasanay na ako na palagi kaming magkasama sa set.

“Ngayon, sa Tween Hearts na lang kami magkakasama.

“Although okay lang, kasi puwede pa rin naman kaming lumabas-labas pa rin.

“Masaya rin naman ako dahil kahit na ganoon ang balita, yung mga fans namin, hindi pa rin sila nagpapatalo, talagang stick to one pa rin sila.”

SCHOOLING. Plano ni Joshua na habang wala pa siyang bagong project, magho-home study muna siya.

Fourth year high school na si Joshua.

“Wala pa naman po kasi akong upcoming projects kaya mag-aaral muna ako.

“Home study ako at meron silang branch sa Quezon City na puwede kang regular na pumasok anytime.

"Wala kang kaklase... depende lang kung sino ang parang may schedule," sabi niya.

Ngayong Holy Week naman ay pupunta ang pamilya ni Joshua sa lola niya sa Antipolo na minsan lang nilang madalaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN