Shaina Magdayao says her relationship with John Lloyd Cruz runs parallel to mature roles they portray

Shaina Magdayao is one hot item especially when her relationship with boyfriend John Lloyd Cruz is concerned. In this interview, the press undoubtedly got more than what they bargained for as Shaina was candid about the real score between her and John Lloyd.


Dumalo sa presscon at press screening ng bagong teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo noong nakaraang Marso 29, Huwebes, sa 9501 Restaturant sa ABS-CBN compound ang masaya at blooming na Shaina Magdayao.

Dito nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang press si Shaina at hindi maiwasang pag-usapan ang tungkol sa kanila ng kasintahang si John Lloyd Cruz.

LUCKY YEAR. Ano ang masasabi ni Shaina sa bagong pelikula ni John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo?

“Ah yung part three, at last natuloy na rin, ang tagal na yata nun e, ‘di matuluy-tuloy.”

At Sarah pa ang pangalan ng karakter ni Shaina sa Kung Ako’y Iiwan Mo!

“Oo nga, kaya lang wholesome si Sarah [Geronimo] sa tunay na buhay, ako, as Sarah sa soap na ito ay hindi masyadong wholesome.

“Ayun, natutuwa ako kasi non-stop yung trabaho niya [John Lloyd] talaga.

“Non-stop din yung trabaho ko.

“We’re very, very blessed nitong taon, sana hanggang pagtapos ng taon na ito.

“Dahil pagbukas pa lang ng taon ay very blessed na kami… sana magtuluy-tuloy na.”

MATURITY. Sa dami ng mga nali-link sa kanila ni Lloyd, wala ba silang pinagseselosan sa isa’t isa?

“Sino naman ang pagseselosan namin? Gaya nga ng nasabi ko before, may kanya- kanya naman kaming work… Paano?... Saka sino?”

Pero si Shaina, selosa ba?

“Paano? Paanong pagka-selosa? Hindi naman yung mababaw na selos?

“Parang I don’t think na bibigyan niya ako ng reason para magselos ngayon.

“And kung ano man yung nangyayari sa ‘min dalawa ngayon—para namang baguhan kami.

“Parang alam na naman namin pareho na parte yun ng trabaho naming dalawa.

“Mas lalo na ngayon na ang mga tinatanggap naming roles ngayon ay mature roles na.

“Hindi na kami pa-tweetums at pakilig–hindi na mga ganun yung ginagawa namin.

“So, trabaho lang talaga at walang personalan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin ba, nag-adjust na sila ngayon dahil nga mga mature roles na ang ginagawa nila?

“I can say na mas maraming changes, pero for the better.

“Mas masaya ako kung paano ang mga bagay-bagay ngayon.

“Parang ganun, mas bumuti, mas nakabuti… naging masaya, mas naging peaceful.”

GIVE AND TAKE. Paano ba yung bonding moments nila ni John Lloyd, lalo na’t pareho silang busy sa trabaho?

“Sobrang effort… Kailangang mag-effort talaga kami pareho.

“Kapag may pareho kaming trabaho, kung mayroong tatlong oras na pahinga, we try to eat dinner together.

“Either magdadala siya ng pagkain sa akin or ako ang magdadala ng pagkain sa kanya, ganun… lunch together.

“Yung mga Linggo naman namin—untouchable yun para sa pamilya ng isa’t isa.

“Tapos after namin mag-spend ng time with our own family, we spend time naman together.

“And we pray together, yun siguro yung pinanghahawakan ko.”

VACATION TIME. Mayroon bang plans sila ni John Lloyd ngayong summer?

“Summer plans? Eto, dahil nga bigla kaming ini-ere.

“So, bigla-biglaan, hindi kami prepared na i-ere ngayon, so definitely, walang summer plans kung ’di ang maghahabol kami ng tapings.”

Napanood na ba ni Shaina yung Unofficially Yours?

“Hindi pa, pero balak ko talaga panoorin, baka sa DVD na lang.”

Pero alam niya yung mga eksena ni John Lloyd dun?

“Oo naman, pati nga mga kamag-anak ko na nakapanood na ay natatawa, sila Ate natatawa nalang, may mga nagkukwento.

“Kasi nga, it’s part of our job, so okay lang yun.”

ATTRACTION. Ano ba sila ni John Lloyd bilang mag partner—seryoso ba o makulit sa isa’t-isa?

“Oo naman, makulit kami pareho. Kung paano kami?

“Malayu-layo yun sa mga karakter na pino-portray namin, siguro yun ang gusto naming pangalagaan. Yung keep it real, ‘di ba?

Tulad ni Angel Locsin doon sa Unofficially Yours mahilig din ba siya sa chubby-chubby na guy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Uy! Hindi naman! Macho naman si John Lloyd sa paningin ko.”

Bakit nga ba chubby-chubby ngayon si John Lloyd?

“Kinailangan sa role yun!” Sabay tawa.

Hindi mo ba niya pinag re-reduce?

“Hindi eh! Yun na nga lang yung bonding namin together—yung kumain ng dinner and lunch together…tapos pagre-reduce-in ko pa ba siya?”

FOREIGN TRIP. Kung magkaroon ng chance na makapagbakasyon silang dalawa, saan ang dream destination?

“Marami siyempreng plans.

“Siguro ako personally, na-in love ako sa Europe—siguro kahit saang parte ng Europe.

“The first time that we went there, parang pinilit naming puntahan lahat ng cities.

“So hindi namin na-namnam yung each city.

“Siguro sa susunod na punta namin dun, mas matagal sa bawat city, para ma-enjoy namin!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN