Lovi Poe reaps fruit of her hard work, looks forward to moving into her new pad

Lovi Poe takes everything in stride. The tireless actress can handle an exhausting schedule, outrageous gossip and even negative criticism. Lovi says her day is made when she receives praise from her fans and is grateful for their support and understanding.


Sa sobrang busy ni Lovi Poe sa kanyang showbiz career, nakakaramdam na rin siya ng pagod, pero kapag…

“Simpleng tweet ng tao like ‘pag sinasabi na ang saya nila sa Legacy, na gustung-gusto nila, parang doon, nakaka-inspire…

“Kahit pagod na pagod ka na, pero malalaman mo na nagugustuhan nila, nakakawala ng pagod…

“Gaganahan kang bumangon sa umaga kahit inaantok ka pa,” umpisang pahayag ni Lovi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

MEMORABLE SCENES. At anu-ano ang mga eksenang nagmarka sa kanya sa Legacy?

“For me, yung scene na nilagyan si Natasha [Lovi’s character] ng drugs kasi I’ve never seen…

“Siguro ito lang yung soap na may ganung scene…So far, ha? Hindi ko matandaan.

“And then siguro isa na rin yung pagsubsob sa akin sa basura ni Miss Cherie Gil and yung confrontation scene namin ni Tita Shamaine Buencamino,” kuwento ni Lovi.

At dahil sa Legacy, lalo silang naging close ng co-star at kaibigan niyang si Heart Evangelista.

“Oo, halos every day na nga kaming magkasama kahit walang taping,” at napatawa si Lovi.

CLOSE FRIENDS. So kinalimutan na ba niya ang friendship nila ni Marian Rivera?

“Ano ba? ‘Wag kayong ganyan!” Natatawang reaksyon ni Lovi.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Heart at Marian noong nagsu-shoot sila ng Temptation Island at napagitna sa hidwaan si Lovi na co-star din sa Temptation.

Kailan sila huling nagkita ni Marian?

“Sa Party Pilipinas, ang tagal na rin.”

Nagtsikahan sila?

“Hindi din kami masyadong nagkaka-anuhan because nagkita kami sa backstage, isasalang na yata kami for the opening.”

Strong person ba si Lovi, to think na marami na rin siyang pinagdaanang intriga at kontrobersiya?

“Oo, sometimes, but there are times na vulnerable, like ‘pag may taping iyon, doon ko ino-open yung gate na yun.

“Kasi ang nagyayari sa akin pagka…iyon ang big no-no for me, the night before mag-taping hindi ako puwedeng umiyak…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako puwedeng mag-iiisip o magdadadrama because mawawala siya the next day, hirap ako.

“Kasi pagka binuhos ko na yun sa isang araw sa taping nahihirapan ako, wala ako mailabas.

“So hindi ko siya nilalabas in real life, sa taping, doon ko lang siya nilalabas.

“Like last time nahirapan ako the night before, iiyak-iyak ako, nagdadrama ako, kaya sa taping the following day hirap akong umiyak.”

EMOTIONAL STRESS. Bakit siya umiyak the night before?

“Wala nagdadrama lang,” at muling tumawa si Lovi. “Kasi alam ko may schedule ako dapat that day sa taping na umiyak pero hindi natuloy.”

Loveless si Lovi at mas gusto niya iyon…

“Mas gusto ko kasi… because I don’t wanna deal with any stress muna kasi uuwi ka ng umaga or nasa taping ka, you don’t want any stress.”

Stress ba para sa kanya ang magkaroon ng boyfriend?

“No I mean let’s be realistic… alam mo siguro nasa akin din yun, e.

“Siguro I consider some things as stressful kahit hindi naman.

“But then iyon nga, work muna and I don’t need any kind of stress; trabaho muna.”

WHAT MORE? Ano pa ang gustong ma-achieve ni Lovi?

“A lot, a lot. Marami pa akong gustong gawin especially with characters, ang dami ko pang gustong gampanan.”

Tulad ng…?

“May mga bagay kasi na hindi ko alam na gusto ko pala tapos biglang dumadating.

“Like isa pala itong dream ko, like simpleng dream shoot ko, hindi ko nare-realize na gusto ko pala until nagawa ko nga.”

INVESTMENTS AND INDEPENDENCE. Sa dami ng projects ni Lovi, milyonarya na ba siya? Tumawa muna si Lovi bago sinabing…

“Hindi e!”

Inamin naman niyang may mga investments na siya.

“Sa April I’m getting my bachelorette house. Yay!

“My mom knows, iyon na yung next na inano ko, for me, and then yung sa mom ko nga, she has naman her own but I wanna get something also.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakabukod na siya ng tirahan sa ina niya, ang dating aktres na si Rowena Moran.

“But I’m with my cousins, tatlo kami.”

Pero yun ngang kukunin niyang pad this April, as in mag-isa lang siya. Ready na ba siyang magsolo?

“Kailangan matutong maging independent siguro.

Pinayagan naman ako ng mommy ko, siya naman ang nagturo sa akin na maging independent, that’s why she lets me handle everything by myself.”

Si Ronian Poe ay balitang papasok na sa pagpo-produce ng pelikula. Papayag ba si Lovi kung sakaling kunin siyang bida sa pelikula nito?

“You know I don’t think its gonna be nice, hindi din naman siguro niya plano iyon… No siguro… it’s ano naman e. Hindi siguro.”

Ano sa tingin niya ang magiging consequence, bakit tila ayaw niya?

“No it’s not that. Because it’s… I don’t know, I find it off, I think.

“And I don’t think, hindi din naman niya plano yun, e.

“He’s smart enough to do that.”

MORE PROJECTS. Maraming gagawing pelikula si Lovi, lalo na para sa Regal Entertainment, Inc.

“Excited ako kasi makakatrabaho ko yung mga taong hindi ko pa nakakatrabaho.

“Si Miss Uge [Eugene Domingo] yata, I’m not really sure.”

Ano na ang balita sa project niya with the Superstar na si Miss Nora Aunor?

“Hindi pa kami nag-aano, hindi ko pa alam.”

Gusto rin daw makasama si Lovi ni Rhian Ramos.

“Of course gusto ko rin siyang makasama!”

Gusto ni Lovi ang character niya sa Legacy bilang si Natasha.

“May mga hindi kasi nagagawa in real life na puwede niyang gawin, ang sarap lang sa pakiramdam.

“Siguro sa utak mo lang siya magagawa pero dito, na-e-execute ko siya, yung pagiging super strong.

“Kasi I’m not confrontational e, I’m not like Natasha but then nagagawa ko siya sa character na ito–so masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think everybody has something that they want, it’s probably fun to be that kind of girl but some people can’t do it.

“Siguro iyon lang it must be fun to be a strong girl like Natasha.”

Strong naman siya ‘di ba?

“I mean like si Natasha is very bossy. I can’t do that kaya lang nagagawa ko sa TV,” sabay-tawa ni Lovi.

“Yung role ni Heart, lagi siyang umiiyak, and siguro kaya rin sinuwerte ako na ako.

“Si Natasha kasi she gets angry more than she cries, and it’s hard to cry, its hard to be funny like Alex [Alessandra de Rossi].”

HER FATHER’S DAUGHTER. Sobrang blessed si Lovi lalo na sa kanyang career.

“Sometimes it’s hard to believe na parang feeling ko hindi siya totoo...

“At matagal bago mag-sink in so basta happy lang ako pag may nakaka-appreciate ng mga ginagawa ko.”

Noon ay kilala siya bilang anak ni Fernando Poe Jr., pero ngayon ay kilala na siya bilang si Lovi Poe.

“I’m happy naman, of course I’m proud that he’s my father, who wouldn’t be?

“I’m proud that he’s my father but then ayun nga, I’m also happy that… ‘coz I tried naman not to use…

“I’m not the type naman who would always use my dad’s name…

“It’s not my thing din naman, hindi ko tinatak sa utak ko na he’s that kind of person.

“Kumbaga I see him as my father, I admire him as someone in the industry.

“But then I never actually use [my dad’s name] ’cause I know that that’s his—iba naman yung sa akin.”

GRATITUDE. Ano naman ang masasabi ni Lovi sa mga detractors niya?

“I’m thankful… Nagpapasalamat din ako sa kanila ‘cause may kanya-kanya namang opinyon ang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I can say I’m not a perfect person pero siyempre parang thankful din naman ako na may nakaka-appreciate sa akin.

“Kasi at the end of the day, it’s not about who you are on TV, it’s who you are in real life, e.

“So yung mga taong nakapaligid sa iyo na totoong tao, sila naman yung papakinggan mo.

“I read this quote na parang, ’You shouldn’t allow yourself to be hurt by someone who does so little for you.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN