Part 1 JC de Vera and Danita Paner stay friends after breakup

JC de Vera celebrated his birthday, not with a party, but with the chicken pox. His only company was his mother, as his father was abroad. He ate cake which ex-girlfriend Danita Paner sent on his special day.


Nasa bahay lamang si JC de Vera nitong nakaraang birthday niya last March 10.

Wala siyang celebrasyon dahil nagkaroon siya ng bulutong!

“Wala, kasama ko si Mama, siya lang. Wala si Papa noon, out-of- the country siya kaya ako lang yung nasa bahay that time. Kaming dalawa lang ni Mama, sa bahay lang kami, bawal akong lumabas noon, e.

“Iyon yung mismong birthday ko yung kasagsagan pa ng bulutong ko,” kuwento ni JC nang dalawin namin sa taping ng Valiente kamakailan.

Hindi ba malungkot mag-birthday ng loveless?

“Hindi naman.”

Last year nang nag-birthday siya ay may girlfriend siya, si Danita Paner.

“Anong difference? May chicken pox, iyon yung difference ng birthday ko last year at ngayon,” at tumawa si JC.

Binati siya ni Danita?

“Oo naman, nagpadala siya ng cake.

“Isa siya sa mga nagpadala ng birthday cake kaya nung birthday ko wala akong ibang kinain kundi cake,” sabay-tawang muli ni JC. “Iyon lang ang pagkain sa bahay, cake!”

STILL FRIENDS. Hindi raw totoo na nag-break sila ni Danita, ayon sa bali-balita.

“Sino nagsabi? Hindi.”

May mga nakakakita kasi sa kanila na magkasama.

“Nagkikita pa rin kami, hindi palagi pero nagkikita kami na kaming dalawa lang.

“The last time na nagkita kami nanood lang kami ng sine. Oo, kaming dalawa lang.”

Puwede ba iyon?

“Bakit hindi puwede? Hindi naman lahat ng nagbe-break bawal, wala namang nakasulat sa sinehan na bawal na po ang manood dito ang nag-break na.”

Pero bihira iyon, na magkasintahang nagkahiwalay pero naging magkaibigan.

So walang nabago?

“Meron naman hindi lang siyempre katulad dati na yung attached ka talaga.”

Bakit nga ba sila nag-break?

“E amin na lang yun, amin na lang yun.”

Pero dating pa rin sila…

“Dating, ano ba yung ano ng dating? Puwede ba yung nag-usap lang, yung ganun pero sa sinehan, yung nagbubulungan lang sa sinehan,” at muling tumawa si JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nila pinag-uusapan ni Danita ang pagbabalikan.

“Ah wala pa, wala pa.”

May chance ba?

“Hindi ko rin alam. Siyempre kumbaga pakiramdaman yan e, nag-aantay, usap-usap, dumidipende sa mga pangyayari pero sa ngayon kasi sa tingin ko nae-enjoy naming dalawa yung nagkukuwentuhan, yung nagtatawanan, di ba?

"Kaya wala namang naging problema kung magkasama kami kasi masasabi mo puwede kaming maging magkaibigan or more than friends di ba?

“Maayos kami, hindi kami nag-aaway, maayos ang tao sa lahat ng paligid namin, walang naninira so okay lang.”

Ang naging reaksyon ni JC sa pagbabati ng manager niyang si Annabelle Rama at former GMA-7 executive na si Wilma Galvante.

“Aba e, masaya ako para kay Tita Annabelle, nabawasan siya ng kaaway,” sabay-tawang muli ni JC.

Nagulat siya?

“Ah hindi, hindi ako nagulat kasi ang tao naman, makakalimutan nila yung mga nangyari before, e.

"Puwede silang mag-forgive pero hindi sila puwedeng mag-forget, or the other way, puwedeng mag-forgive, puwede ring mag-forget.

“Hindi lang natin sila puwedeng ma-expect na katulad dati na chummy-chummy sila, batian, talagang ‘Masaya tayo!’ tawanan, ganyan.

“Hindi lang natin puwede expect yung ganun pero at least na- survive nilang dalawa yung pagkakaroon ng peace and love and harmony.”

Natuwa siya; dahil isa diumano siya sa pinag-awayan ng dalawa?

“Nge! Hindi, ha. Hindi totoo yun.”

Ang reaksyon naman ni JC sa pagre-retire ni Miss Galvante mula sa GMA?

“E wala, siguro dala ng panahon? Hindi ko alam, e.

“Babalik na ako sa GMA? Kung tanggapin nila ako, di ba,” tumatawang sinabi ni JC.

TV5 OR GMA-7? Aalis pa ba siya sa TV5 gayong prinsipe siya ng Kapatid network…

“Hindi… e siyempre hindi mo naman masasabi iyon e, nasa TV5 pa ako di ba? Kung offer-an naman ako ng TV5 ulit e, dito muna ako, di ba?”

Three years ang pinirmahang kontrata ni JC sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“2013 tapos na, itong darating na March 2013. Isang taon pa.

“Mabilis naman dito ang isang taon, parang dalawang show lang yun dalawang soap lang yun.”

If ever ba, magre-renew siya sa TV5?

“Sana, gusto ko sana.”

Kung sabay na mag-offer rin ang GMA?

“Sa ngayon yung puso ko nasa TV5. Naniniwala ako na maibibigay ng TV5 yung feeling nila, na bagay para sa akin kaya dito muna ako.”

May effort ba si JC na kapag kaeksena niya si Oyo Sotto sa Valiente ay ginagalingan niya para huwag siyang masapawan nito?

“Ah hindi, wala ano yan, pagdating kay Oyo teamwork yan.

“Hindi siya mang-iiwan, hindi rin ako mang-iiwan, ganun yung tulungan nung team kasi hindi ka puwedeng mangsapaw kasi lahat naman kami may time to shine.

“Hindi naman puwedeng susupalpalin mo si Oyo, kumbaga eksena niya talaga yun tapos mag-o-over ako sa kanya, hindi naman puwede yung ganun, kaya suportahan talaga.

“Pag ako naman ang may ganung klaseng eksena binibigay rin naman niya sa akin, balanse lagi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN