Alessandra de Rossi on making Busong: “Isa ito sa pinakamahirap na pelikulang nagawa ko at ginawa ko ito dahil naniwala ako sa magandang istorya nito."

Last December, Alessandra de Rossi was given the Pugliesi nel Mondo, an award bestowed upon outstanding citizens born in or originated from the Italian region of Puglia. Her father, Luigi Schiavone, is from Martano, Puglia.


Magkakaroon ng isang special theatrical run ang highly acclaimed film na pinagbidahan ni Alessandra de Rossi na ang pamagat ay Busong sa Shangri-La Cineplex sa April 18.

Napanalunan ng director nitong si Auraeus Solito ang Best Director award sa 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Naipalabas din ang Busong sa 2011 Cannes International Film Festival Directors’ Fortnight.

Nakarating na rin ang Busong sa 20 international film festivals in Europe, Asia and North America.

It was also hailed by The Wall Street Journal as one of the “standout” Asian films in 2011.

PLOT. Busong na ang ibig sabihin ay “karma” ay kuwento ng magkapatid na naglalakbay sa mga bundok at dalampasigan ng Palawan. Naghahanap sila ng gamot para sa skin disease ni Punay (ginagampanan ni Alessandra de Rossi).

Dahil sa sakit ni Punay, hindi siya makatapak sa lupa kaya siya binubuhat ng kanyang kapatid na lalake.

Sa kanilang paglalakbay, marami silang mga nakilala tulad ng isang babae na hinahanap ang kanyang nawawalang asawa, isang mangingisda na hinahanap ang kanyang nawawalang bangka at isang espiritista na kakabalik lang mula sa bayan.

Kuwento ni Alessandra, ang Busong ang isa sa pinakamatindi at kakaibang proyekto na kanyang ginawa.

Pinag-aralan daw niya nang husto ang character ni Punay at malaking sakripisyo ang kanyang pinagdaanan habang sinu-shoot nila ang naturang pelikula.

“Marami akong inaral dito. Tulad na lang noong mga kilos at pananalita ng mga tribo sa Palawan. Importante iyon sa role ko as Punay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Tapos yung paglagay sa akin ng make-up and prosthetics, almost three hours iyon nilalagay sa akin.
“Kaya kapag natapos na ang lahat, ’in character’ na ako. Ramdam ko na ang character ni Punay sa sarili ko. Malaking tulong din ang motivation ni Direk Auraeus sa akin,” diin ni Alex.
GRADE A. Nabigyan nga ng grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Busong. Pinuri nga nila ang performance ni Alex pati na ang direction, cinematography at musical score.
Ayon sa CEB: “Alessandra as the sickly Punay is like a metaphor herself slouching toward metamorphosis. Auraeus’s work is wonderfully quiet, patiently crafted film, its beauty resting mainly on what it withholds as much as it tells.”
Masayang-masaya ang isa sa mga bida ng GMA-7 primetime series na Legacy dahil magkakaroon nga ng special commercial run ang kanilang pelikula. Pinagmamalaki nga ni Alex ang kanilang pelikula na pinuri na ng maraming film critics sa buong mundo.
“May magandang mensahe ang pelikula namin at gusto naming i-share ‘yan sa maraming tao.
“Isa ito sa pinakamahirap na pelikulang nagawa ko at ginawa ko ito dahil naniwala ako sa magandang istorya nito.
"Sana ay panoorin nila at patuloy na suportahan nila ang mga ganitong mga pelikula natin.”
Isa nga si Alex sa mga lokal na artista natin na nakakagawa ng mga pelikula na dinadala sa iba’t ibang international film festivals.
Bukod sa Busong ay nagbida rin si Alex sa mga critically acclaimed films na Mga Munting Tinig at Azucena. Nanalo na rin siya ng acting awards mula sa Metro Manila Film Festival (best supporting actress for Hubog) at FAMAS (best supporting actress for Azucena).
AWARD. Noong nakaraang December 17, 2011 ay ginawaran nga si Alex ng prestigious Italian award na Pugliesi nel Mondo.
Pugliesi nel Mondo is an award given to outstanding citizens born in or originated from the Italian region of Puglia
Tinanggap nga ng half-Pinoy at half-Italian actress ang naturang award sa Bari, a province within the Italian region of Puglia. The ceremony was hosted by Italian journalist Donatella Azzone and Italian actor Beppe Convertini.
Ginawad nga ang naturang award kay Alex dahil sa kanyang pagiging “outstanding offspring of Puglia.” Ang ama ni Alex na si Luigi Schiavone ay galing sa Martano, Puglia.
Tinanggap ni Alex ang Pugliesi nel Mondo award mula kay Stefano Gallo (vice mayor ng Martano) at Philippine Embassy Cultural Officer Charisma Pineda.
“Malaking karangalan nga para sa tulad ko na matanggap ang award na iyon. Biruin n’yo, may gano’n pala?” sabay tawa ni Alex.
“Pinagmamalaki pala ako ng mga tao kunsaan nagmula ang aking ama. Malaking sorpresa sa akin iyon.
“Ang nakakatuwa nga diyan, hindi lang ang mga Pinoy ang nakaka-appreciate sa talento natin kundi pati na ang mga Italians, particularly ang mga taga-Puglia.”
Busong is rated PG-13 without cuts by the Movie and Television Review and Classification Board.
The film produced by Solito Arts Productions also stars Clifford Banagale as Aris, Daz Alejandro as Lulong, Rodrigo Santikan as Angkadang and Bonivie Budao as Ninita.
Busong premiere night will be on April 17 at the Shangri-La Cineplex. For more information, check the film’s website (www.busongpalawanfate.com)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN