Carla Abellana has no regrets about her decision to stay with Kapuso network; excited to work with Richard Gutierrez in new soap

Carla Abellana has renewed her contract with GMA-7 for another three years and with a much bigger talent fee. “Para naman na humahabol na ako sa iba, di ba? So… hindi naman sobrang laki but oo naman, compared to the first contract. Yes, oo, bigger and better," she says.


Masaya si Carla Abellana sa desisyon niyang manatili sa GMA.

Matatandaang naging malaking isyu dati ang diumano’y paglipat sana ng aktres sa ABS-CBN.

At ngayon na nanatili siyang Kapuso, happy si Carla.

“Of course! Very happy, very happy that I renewed [my contract], very happy and excited, tapos okay naman, naging very patient naman yung GMA sa amin kasi I know it took a while also, na pinag-isipan namin nang mabuti so thankful ako na naging very patient sila sa akin,” pahayag ni Carla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tatlong taon ang bagong kontrata na pinirmahan ni Carla sa Kapuso network.

Mas malaki ang talent fee niya ngayon?

“Dapat,” sabay-tawa ng aktres. “Para naman na humahabol na ako sa iba, di ba? So… hindi naman sobrang laki but oo naman, compared to the first contract. Yes, oo, bigger and better.”

Naitanong naman ng PEP kay Carla kung natuwa ba siya na lumipat sa Kapamilya network ang isa sa mga dating reyna ng GMA na si Iza Calzado? Na nabawasan siya ng kakumpitensiya?

“Hindi, nakakalungkot nga that she left, e.”

Lumuwag ang kumpetisyon…

“No, not at all. I don’t see it that way.

"Para ngang kawalan, isang kawalan nga na lumipat siya e, kasi… sa akin personally, isa siya sa mga I look up to, parang ganun.

“Na she’s been in the industry longer, she’s older, she has more experience, so parang I look up to her.

“Pero ano naman, okay lang naman because you know it’s only one industry, that even if you belong to different networks alam mo namang magkikita pa rin kayo.”

Sa nakaraang birthday ng kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann, natatawang ikinuwento ni Carla kung ano ang regalo niya dito.

“May hiningi siya sa aking bagung-bago na wala pa ang lahat… iPod,” at muling tumawa si Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“iPod, hindi lang iPod Touch ha, iPod Classic talaga.

“Kasi nung hindi pa lumalabas yung mga iPad, iTouch, iPhone, yung iPod Classic muna, di ba?

Yung ganun niya kasi, lumang-luma na, may basag na sa harap, so gusto niya ng kapalit.

“Although nagtaka ako nung una kasi meron naman na siyang iPad, meron na siyang iPhone, klumpleto na siya so bakit pa siya hihingi ng iPod Classic?

“Kasi gusto niya talaga hiwalay yung music niya.

“Iyon lang, ganun lang kasimple. Tapos with matching headphones lang, earphone.”

HOLY WEEK. Nitong nakaraang Holy Week, sa Batangas nagpunta sina Carla at Geoff.

“Sa Punta Fuego kami ng family ko. Kasi Geoff’s family, sa Subic.”

Puwede naman raw na nagsama na lang sana ang mga pamilya nila ni Geoff...

“Puwede naman, in-offer ko din naman sila, we invited them naman pero nakagawa na sila ng plans, nakapag-book na sila.”

Si Geoff naman ay humabol kina Carla sa Punta Fuego after ng taping nito ng Legacy bago ang Mahal na Araw.

Nagkuwento naman si Carla ng role niya sa upcoming soap ng GMA na Makapiling Kang Muli na pinagbibidahan nila nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

“Isa akong abogado doon, kasi yung tatay kong namatay, abogado din, kumbaga lumaki ako na siya yung idol ko so eventually, I pursued law also.

“Pero ako yung type na nag-o-offer ng services ko pro bono so hindi ako yung corporate na ano, na very powerful ang dating pero ano pa rin, though laking-Manila, dugong probinsiya, parang ganun.

“So ano ako, kumbaga mapagkumbaba.

“The soap deals with the concept of the poor being abused in terms of work.

"Hindi naman slavery but kumbaga ano sila, kinakawawa sila, yung mga workers, so ako yung magde-defend sa kanila.”

NEW SOAP WITH RICHARD GUTIERREZ. Ang direktor ng soap nila ay si Ricky Davao, na nakasama ni Carla dati bilang artista sa Kung Aagawin Mo Ang Langit. Excited si Carla dahil kung noon ay katrabaho niya si Ricky bilang co-actor, ngayon ay katrabaho niya ito bilang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First time naman ito ni Carla makatrabaho si Richard.

“It’s about time. Kumbaga noong unang pasok ko sa show business inaabangan ko yan e, na makapareha ko siya.

“Parang hindi puwedeng hindi, parang he is really one of the ultimate leading men in the industry.

“Tapos lumampas yung three years ko na hindi ko man lang siya nakatrabaho.

"Tapos parang buena mano yun sa akin na kaka-renew ko lang, Richard Gutierrez soap opera, so that’s a good thing na finally...”

Hindi kaya sila ma-link ni Richard?

“Hindi naman.”

Sana raw ay sa Zorro noon ilalagay si Carla…

“But nalagay po ako sa Rosalinda, with Geoff.”

At title role si Carla sa Rosalinda, at bukod doon, natagpuan niya ang lalaking mamahalin niya—si Geoff.

“Eventually, [but] not right away. Matagal na matagal na proseso pa,” ang muling natatawang sinabi ng magandang aktres.

May mga gagawing pelikula si Carla para sa Regal Entertainment ngayong taon, bukod pa nga sa pagiging in demand niya sa telebisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN