Melai Cantiveros on breakup with Jason Francisco: “I’m very happy at siyempre, mas minahal ko ang sarili ko ngayon."

Melai Cantiveros on the lessons she learned after breakup with Jason Francisco: “Kung meron silang pinagdadaanan, dumaan talaga sa maayos na daanan. Huwag silang magpaka-stress. Nandoon yung dinadaanan ninyo, after that, may ma-learn kayo na lesson. And magma-mature kayo.”


Matagal-tagal na rin mula nang mapabalita na nag-break na ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Parehong tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa isyu at walang nagsasalita sa totoong dahilan ng breakup nila.

Pero sa The Buzz kahapon, April 8, ay nagsalita na si Melai tungkol dito.

Ayon sa comedienne, “I’m very happy at siyempre, mas minahal ko ang sarili ko ngayon. Nagkaroon na ako ng focus sa sarili ko.

“Kaya nga tayo natututo sa future... Kaya tayo natututo sa future, kaya tayo naging mabuting tao sa future dahil sa past.”

May mahalaga rin daw natutunan si Melai sa pinagdaanang relasyon.

“Kung meron silang pinagdadaaanan, dumaan talaga sa maayos na daanan. Huwag silang magpaka-stress.

“Nandoon yung dinadanan ninyo, after that, may ma-learn kayo na lesson. And magma-mature kayo.”

Binigyang-linaw rin ni Melai na wala siyang sama ng loob kay Paul Jake Castillo, na kasamahan din nila noon sa PBB..

Si Paul Jake kasi ang sinasabing nag-impluwensiya kay Jason sa diumano’y pambababae nito.

Ani Melai, “Matanda na rin naman si Jason para magpa-udyok siya.

“Wala kaming problema ni Paul Jake. Okay kami, friends.”

Pero nang tanungin si Melai kung kamusta sila ni Jason ngayon at kung magkaibigan naman sila, hindi niya sinagot ni ang tanong bagkus ay umiwas ito at tumakbo sa mga nag-i-interview sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN