Amalia Fuentes refuses to speak about tiff with Annabelle Rama: “I’m not ready to deal with her on her level.”

Former movie queen Amalia Fuentes says that she is not yet emotionally prepared to deal with talent manager Annabelle Rama. "But I will, I can do it. I’ve been there before,” she says.


Hindi pa raw handa ang dating movie queen na si Amalia Fuentes na sagutin ang mga patutsada ng talent manager na si Annabelle Rama laban sa kanya.

Ito ang kanyang ipinahayag sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez, na ipinalabas ngayong gabi, April 10, sa TV Patrol.

Matatandaang nakaaway ng beteranang aktres si Annabelle noong April 3. Nangyari ang alitan sa misa para sa libing ng dating asawa ni Amalia na si Joey Stevens.

(CLICK HERE for related story.)

Matapos ang alitan sa loob ng simbahan ay naging sunud-sunod ang pahayag ni Annabelle laban kay Amalia, na ipinahatid nito sa media at sa social networking site na Twitter.

Gayunpaman, nakapagpahayag si Amalia na sasagutin niya lamang ang mga ito matapos ang Holy Week.

Ngunit sa pahayag ni Amalia sa TV Patrol, sinabi nitong hanggang sa ngayon ay nagpapalakas pa siya ng loob bago sagutin si Annabelle.

“I am on a Holy Week retreat, because as you know, I just buried my husband Tuesday, and then Wednesday, I came up here to find peace, to find courage,” saad niya.

Dagdag ng dating aktres, hindi pa siya handang harapin ang matapang na talent manager.

“Wala pa ako sa emotional... my emotions, I’m not ready to deal with her on her level.

"You know, yung sa salitang maiintindihan niya at ng kanyang followers. It’s hard to go down to her level.

"But I will, I can do it. I’ve been there before,” saad ni Amalia.

DEAD HUSBAND. Samantala, ipinahayag naman ni Amalia ang saloobin tungkol sa libing ng dating asawa noong araw na nagkaroon sila ng kumprontasyon ni Annabelle.

Naging malaking eskandalo noon ang paghihiwalay nina Amalia at Joey, na diumano’y third party ang dahilan.

Nagpalitan pa nga ng mga kaso ang dalawang panig; kasama na ang libelo at qualified theft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Amalia, hinanda niya ang sarili na mag-iskandalo ang kinasama diumano ng kanyang asawa. Mabuti na lamang ay hindi ito nangyari.

Saad ni Amalia, “Hindi nga niya inaamin yun, e.

"As a matter of fact, she wasn’t there with him sa dying moments niya.

"And she has been texting the son and threatening bodily harm, kung anu-anong mga threats.

"In fact, during the wake here, they were prepared here na baka nga mag-iskandalo."

Dagdag pa ni Amalia, hindi niya pinatawad ang dating asawa kahit sa pagkamatay nito. Mayroon umano kasi itong anak sa ibang babae na hindi inaamin.

“It’s not actually the act that I condemn, but it’s the betrayal.

"Up to his dying day, his son and everybody around him wanted to know if that son that was allegedly his son...

"Mine-maintain niya up to his dying moment, na conscious siya, na hindi niya anak yun.

"Kaya masakit na masakit sa akin na nagka-anak siya.

"At his age, he should know better,” saad niya.

Pagtatapos ni Amalia, naging aral sa kanya ang pagkamatay ng dating asawa.

“You never can tell when God is ready for us, that’s why I believe now that we should always be ready.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN