Edgar Allan Guzman on showing his butt in stage version of Bakit Bughaw Ang Langit: "Ay naku, mahirap!"

Edgar Allan Guzman’s success in showbiz is getting more obvious as more projects are lined up for him. After winning two acting awards, Edgar Allan is a mainstay in Isang Dakot Na Luha and Lokomokoo U. He is now eyeing a mentally retarded role in the stage version of Bakit Bughaw Ang Langit where he might be required to show his butt.


Maganda ang mood ni Edgar Allan Guzman nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa formal launch ng Noranians Worldwide (NOW) noong Lunes, April 9, sa Aberdeen Court, Quezon City.

Nasa NOW si Edgar Allan bilang suporta niya kay Nora Aunor, whom the award-winning actor calls "Aking Nanay" at sa hukbo ng mga tagahanga ng Superstar.

Nagkasama ang young actor at si Nora sa mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina.

JOHLAN VELUZ. Dito natanong ng PEP si Edgar Allan tungkol sa mga nakaraang balita tungkol sa girlfriend niyang si Johlan Veluz.

Sabi ng young actor sa amin, "Nung nag-text ka sa akin, sorry, ayaw ko lang po munang sumagot, kasi medyo nagkakagulo nga.

"Pero ngayon, okey na po. Tapos na yung mga problema. Maayos na lahat.

"Nakabalik na po ako sa pamilya ko, e."

Nasabi na noon ni Edgar Allan sa PEP ang pag-uwi niya sa tahanan nila sa Pasig City with his mom and siblings late last year pa.

Naiulat na rin ang diumano’y "pagkakalabuan" nila ni Johlan at hindi pagkakaunawaan ni Edgar sa kanyang manager na si Noel Ferrer.

"Hindi... ito na, finally!" nangiti si Edgar.

"Last year, hindi pa po talaga ako umuuwi, pero sabi ko, babalik ako [sa amin].

"Finally, ito... umuwi na talaga ako sa amin."

So, ano ang status ng relationship nila ni Johlan?

"Nag-separate lang po kami ng bahay... nasa kanila na po [si Johlan]," pagtiyak ni Edgar Allan.

IN CONTROL. Ang lumilitaw na sitwasyon, labis na naaapektuhan si Edgar Allan, ang pamilya niya’t talent manager kapag may problemang personal ang aktor, at nagre-react si Johlan sa Twitter at iba pang outlets.

Pero nasasawata naman daw ito ni Edgar Allan. Kumbaga, in control pa rin daw siya bilang male partner.

"Oo, sinasabi ko rin sa kanya na mali [ang pagre-react niya].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya naman, ano naman siya... alam naman niya na mali.

“Kumbaga, mas kontrolado na niya yung sarili niya."

May nag-a-advice ba kay Johlan na pangalagaan ang status ng career nila ni Edgar Allan kasabay ng pangangalaga sa kanilang relasyon?

"Opo nga, e. Sana nga," sambit ng young actor.

"Yun ang sinasabi ko rin sa kanya—suportahan niya... magtulungan kami.

"Yun naman ang nangyayari ngayon."

CURRENT PROJECTS. Sa propesyon, masaya si Edgar dahil sa mga kasalukuyang pinagkakaabalahan.

"Sa Channel 5 po, kasali ako sa Isang Dakot Na Luha, ’tapos Lokomoko U every Sunday.

"Sa movie naman po, gagawin namin yung sequel ng Ligo Na U, Lapit Na Me.

"It’s Complicated po ang title. Ginagawa na yung script," pagbanggit ni Edgar sa mga nakalinya niyang proyekto.

Nagpanalo kay Edgar ng dalawang best actor awards—sa Cinemalaya Filmfest last year at recently sa Golden Screen ng EnPress—ang pagganap niya sa Ligo Na U, Lapit Na Me.

Hindi pang-Cinemalaya 2012 ang It’s Complicated na may kasunod pang mahabang subtitle, ayon kay Edgar.

"Wala po akong pang-Cinemalaya ngayon.

“Pero balak ko pong manood ng Cinemalaya entries this year—lahat, as in lahat!

"Sabi ko kay Sir Noel, ’Panoorin natin para makakuha din ako [ng idea] sa mga mapapanood ko.’"

TWO BEST ACTOR TROPHIES. Hinggil naman sa pagkakamit niya ng best lead actor awards para sa Ligo Na U, Lapit Na Me, "Sobrang saya ko po!" bulalas din niya.

Hindi naman na-nominate si Edgar Allan sa Star Awards for Movies at natalo sa Gawad Tanglaw, na napagtagumpayan naman ng kanyang mga katunggaling sina Rocco Nacino at Martin Escudero.

May naging tampo ba si Edgar Allan sa hindi niya pagkaka-nominate, partikular sa Star Awards for Movies ng PMPC?

"Wala po. Ina-admire ko po lahat [ng award-giving body]," sabi niya.

"Kumbaga, kayo po ang nagbibigay [ng award at nomination] sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pong problema sa akin, kung hindi man ako na-nominate.

"Tao lang tayo, may gusto tayo, may hindi tayo gusto.

“Nirerespeto ko po yung sa PMPC, at hinahangaan ko rin po... na isa sa mga grupong nagbibigay ng awards.

"Pero nung nanalo po ako uli [sa Golden Screen], sabi ko kay Sir Noel, no’ng nag-meeting kami, ’Sir Noel, gusto ko pa ng award, gusto ko pa! Kahit anong ipagawa mo sa akin!’" sambit ni Edgar, na may himig-pagbibiro.

STAGE ACTING. Ang next challenge para kay Edgar bilang isa nang premyadong aktor sa pelikula ay ang hamon ng entablado.

Hindi na ito bago sa aktor dahil nakaganap na siya sa stage productions ng Filipino classics as Florante At Laura, Ibong Adarna, among others.

Kinumpirma ng manager niya na gaganap si Edgar sa isasadulang bersiyon ng klasikong pelikulang Bakit Bughaw Ang Langit (1981) ni Mario O’Hara.

Ang Bakit Bughaw ay isang indie film na tinampukan ng superstar na si Nora Aunor katambal noon si Dennis Roldan.

Si Edgar ang gaganap sa papel ni Dennis bilang isang college varsity player na naaksidente sa paglalaro ng basketball na naging sanhi ng pagiging mentally retarded nito.

“Mahirap… challenging yung role!" pagtukoy ni Edgar sa gagampanan niya sa entablado.

Bilang preparasyon, pinanood ni Edgar ang pelikula nina Dennis at Nora, na ang dating papel ay binabalak daw ialok kay Katherine Luna—naging protégé ni Direk Mario.

"Ngayon pa lang, inihahanda ko na yung sarili ko, kasi medyo mahirap—very challenging.

"May mga eksena na kailangan ang simpleng tingin mo lang, pero matindi [ang impact].

“Kailangan, malalaki ang galaw [sa stage], e," paglalarawan niya.

At bilang retarded, mistulang bata ang character na sa isang eksena ay kailangang paliguan ng naging tagapag-alaga, as portrayed by Ate Guy in the film version.

"Nakita ko nga po, naliligo, bigla siyang naghubad ‘tapos, napagano’n [nagulat] si Ate Guy!" natawa si Edgar Allan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa ba si Edgar Allan na kailangan din niyang magpakita ng butt o behind?

"Opo... Ay naku, mahirap!" natatawang sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN