Gary Valenciano hopes son Gab explains himself clearly about his breakups

“One day, in the same way that you’re asking me, I’m sure people will ask him also, and then I hope that he’ll be able to present it. With clarity and with purpose, and with the sole intention of not clearing his name, but doing two things: One is perhaps, apologizing for the people that he’s hurt, but also for hoping that people do understand also that he doesn’t hate any of them. He actually knows that they all played certain


Bilang selebrasyon ng kanyang ika-29 na taon sa show business, magkakaroon ng eight-day concert series si Gary Valenciano sa Music Museum na magsisimula na sa Abril 12, Huwebes, at magpapatuloy sa mga araw na Abril 13, 19, 20, 26, 27, at Mayo 9 at 10.

Gary V: On Higher Ground ang titulo ng kanyang concert series kung saan makakasama niya bilang guests ang acoustic singer na si Julianne, ang dating Rage Band lead singer na si Juan Miguel Salvador, at ang Manouevers.

At para sa concert na ito, magkakatrabaho sa unang pagkakataon bilang co-directors si Gary at ang anak niyang si Paolo Valenciano.

“I’m very proud of the fact that I can work with my son,” pagmamalaki ni Mr. Pure Energy sa pakikipag-usap niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng press na pumunta sa presscon ng kanyang concert na ginawa sa 9501 restaurant sa ABS-CBN kahapon, Abril 10.

Patuloy ni Gary, “And there are many disagreements I had with actual directors than there are with my son.”

Dahil daw kasi ito sa pagkakaroon nila ng parehong “page” pagdating sa creativity at sa pareho nilang pagiging bukas sa bagong ideas.

“We’re open to these things. [We’re] very flexible.

"So, it feels good na I’m working with somebody like that,” sabi pa ni Gary tungkol sa kanyang anak na si Paolo.

ON SON GAB. Siyempre pa’y natanong din si Gary tungkol sa isa pa niyang anak na lalaki—si Gab.

Nagpasalamat pa ang Manila Genesis premium artist sa pagtatanong sa kanya ng PEP tungkol sa isyung ipinupukol sa kanyang anak na si Gab.

May mga nagsasabi kasing nagkakaroon na ng reputasyon ang panganay ni Gary bilang “chick boy,” playboy, o heartbreaker dahil tila wala raw itong nagtagal na nakarelasyon.

Nakatatlong girlfriends na mula sa showbiz si Gab.

Mula kay Nikki Gil, naging girlfriend din ng binata si Rachelle Ann Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ang maintriga’t kontrobersiyal na breakup sa singer ay sa Kapuso actress naman na si Isabel Oli nakipagrelasyon si Gab.

Pero nauwi rin sa breakup ang relasyon nina Isabel at Gab.

Ngayon nama’y naiuugnay ang ASAP mainstay sa Kapamilya talent na si Coleen Garcia.

May mga nagsasabi tuloy na tila nangungulekta lang ng girlfriends si Gab.

Ani Gary, nagkausap na raw sila ni Gab tungkol sa nangyayari sa lovelife nito.

“There are things with Gabriel that I have to sit down with him and talk about and sometimes it becomes very intense, because he’s a young boy with what he believes in his heart, is, what is right.

“And I’m there telling him, ‘Hey, you know, you don’t go to that collect and then select thing,’ you know.

“’If you want to collect, you collect friends. Don’t go beyond that,’" sabi pa raw niya sa anak.

“But then he also has his reasons. But for me, that’s for him to explain.

“But I appreciate the people like you, who come up to me and sincerely ask, ‘What’s going on?’

“Gab is 23, he’s a grown up now, but I’m hoping he can sit down with people like you and really explain himself,” sabi pa ni Gary.

Dagdag ng singer-TV host at I Do Bidoo Bidoo star, “One thing I will say about my son, though, is that you’ve heard everybody else speak, except him.

“Because he respects those he was with.”

Pero nakapagsalita na rin naman si Gab tungkol sa naging breakup nila ni Isabel sa PEP. (CLICK HERE to read related story.)

Inihalintulad pa ni Gary ang naging sitwasyon ni Gab sa pakikipagrelasyon sa pagpili ng cell phone.

“Like changing a phone. He might get this phone, he might get that phone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But he will never look at that phone and say, ‘Yeah, but you know why I went here? Because this phone? Oh, my God!

“’People just don’ t know, but this is what I went through!’

“But I know.”

Nangingiti pang patuloy ni Gary, “And I’m just watching him, and I’m saying… ‘Wow!’

Ganun daw ang expression niya dahil nakita na niya kung paano dumaan sa pagiging heartbroken at kung paano umiyak ang kanyang anak.

“Everybody thinks he’s tough ano.

“Oh, my God, he cries when he’s broken…

“It’s a very pitiful sight!”

ONE DAY, HE WILL PRESENT HIMSELF. Hindi sa ipinagtatanggol niya raw ang kanyang anak, pero ang sinasabi lang ni Gary ay darating din ang panahon na magsasalita na talaga si Gab kung bakit nga hindi ito nagtagal sa mga nakakarelasyon.

“One day, when he thinks it’s right, and when people are really asking questions, he’d probably would be able to present the reasons why.

“He will not say that he’s right, but he will just present.

“’This is why it happened, this is why that happened…’”

Ikinuwento rin ni Gary kung gaano ka-demonstrative at mapagmahal na tao ang kanyang anak.

“Even sa office, even sa security office, basta makita ni Gab, yayakapin niya,” sabi pa ni Gary.

“And sometimes, even in the house, the maids, ‘Ayan na si Gab!’

“And there’s Gab running towards them, ‘Yayaaa!’

“And then, he’ll hug. That’s how he is. There’s no hiding that. He’s really like that.

“And it so happens, there are many girls who either like it or are in need of it.

“That little touch that says, ‘Hey, it’s okay, I’m a friend.’

“And then they fall and he falls.”

Naniniwala si Gary na patuloy lang sa pagma-mature ang anak niya habang natututo ito sa mga pinagdaanan sa pakikipagrelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala rin siyang darating ang panahon na maayos na maipapaliwanag ni Gab ang sarili sa lahat tungkol sa mga pinagdaanan nito.

“One day, in the same way that you’re asking me, I’m sure people will ask him also, and then I hope that he’ll be able to present it.

“With clarity and with purpose, and with the sole intention of not clearing his name, but doing two things.

“One is perhaps, apologizing for the people that he’s hurt, but also for hoping that people do understand also that he doesn’t hate any of them.

“He actually knows that they all played certain roles in his life to make him what he is today,” sabi ni Gary.

Gary on his son Gab:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN