Willie Revillame plans to turn his organization into a party list; clarifies he is not interested in joining politics

Willie Revillame announced on Wil Time Bigtime that he wants to turn his 1 Wil Serve organization into a partylist. He was, however, quick to clarify, “Hindi ako tatakbo. Gusto ko lang magtayo [ng party list].”


“Alam n’yo ba na magtatayo ako ng party list?”

Ito ang naging umpisa ng pag-aanunsiyo ng Wil Time Bigtime host na si Willie Revillame tungkol sa interes niyang gawing party list ang organisasyon niyang 1 Wil Serve.

Sinabi niya ito sa programa niya kagabi, Abril 11.

Ayon kay Willie, gagawin niya raw ito para makatulong sa mga Pilipino.

“Para sa inyo ‘yan hindi para sa akin,” pahayag niya sa studio audience at sa manonood ng kanyang programa.

Agad ding nilinaw ni Willie, “Hindi ako tatakbo. Gusto ko lang magtayo [ng part ylist]. 1 Wil Serve Party-List. Okay?

“Puro party lang tayo, puro party.”

Itinatag noon ni Willie, kasama si Atty. Ferdie Domingo, ang organisasyong 1 Wil Serve kasabay ng kanyang kaarawang noong nakaraang taon.

Sa panayam ni Mae Ann Los Baños ng News 5 kay Atty. Domingo, inilarawan niya kung ano ang layunin ng 1 Wil Serve.

“It’s an advocate of rights.

“If you are an advocate of rights, you could put it into legislation. You can put it into policy.

“So why don’t we register it as a party list so that we can now go to Congress.”

Ayon kay Atty Domingo, nasumite na ng kanilang grupo ang mga kailangan para makilala bilang isang party list sa Commission on Elections noong nakaraang Marso.

Kung sakali, magiging multi-sectoral party list daw ang 1 Wil Serve. Ibig sabihin, maari nitong pagsilbihan ang mga mahihirap, matatanda, kababaihan, at pati na ang mga propesyunal.

Kasalukuyan umanong binubuo ang organisasyon ng 3,000 miyembro.

Samantala, sa hiwalay na panayam ng News 5 sa Wil Time Bigtime program manager na si Jay Montelibano, sinabi niya na wala talagang balak si Willie na pasukin ang pulitika.

Aniya, “Wala naman siyang interest sa pulitika.

“At saka he has often stated he would be best be able to serve ‘yong mga kababayan natin as him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging icon at inspirasyon lang umano si Willie ng 1 Wil Serve pero hindi siya ang magiging kinatawan nito sa Kongreso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN