PEP EXCLUSIVE: Amalia Fuentes regrets not forgiving husband Joey Stevens before his death

“I felt guilty because I allowed myself also to be carried away by my emotions, na hindi naman pala talaga importante," says former movie queen Amalia Fuentes about her rift with late husband Joey Stevens.


Hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin ang dating movie queen na si Amalia Fuentes sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Joey Stevens.

Bukod sa pisikal na pagkawala ng kanyang mister, nakadagdag pa sa lungkot ni Amalia ang apat na taong nawala sa kanila dahil sa mga pangyayaring dulot ng kanilang paghihiwalay.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Amalia sa telepono kahapon, April 11, ay isiniwalat niya ang kanyang saloobin sa pagkamatay ng asawa.

“I’m still mourning," sambit niya.

"More than if my husband died in my arms because I feel guilty for everything that happened in the last four years.”

Naging masalimuot ang paghihiwalay nina Amalia at Joey na nauwi pa sa demandahan.

Pagpapatuloy ni Amalia, “I caused it in my marriage, I caused it on my son, all the pain—how can I live with it?

“I don’t think I will last that long because I can’t live with this, ‘yong pain ko.”

REGRETS. Pinagsisisihan daw ni Amalia ang naging pagtrato niya kay Stevens sa huling apat na taon nito sa mundo.

Aniya, “I am trying to take hold of all my emotions because parang nagkasala rin ako. In a way, na I treated him that way in all those years—na maraming beses kong dinedma what’s been going on.

“Nanghihinayang siya do’n sa four years na nawala sa amin, sa aming dalawa.

“Ngayon, kaya ako ganito ngayon, kasi nga nalaman ko lahat ng nangyari in the past four years na hindi siya makalapit sa akin.

"Kasi nga, mayro’n akong protection order na mako-contempt sa court siya.”

Dumating din daw siya sa punto na pinagsisisihan niya na naging “matigas” ang kanyang loob at hindi pinakinggan ang mga paliwanag ng kanyang dating kabiyak.

“Nagmamatigas nga ako kahit anong pakiusap niya sa akin,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pinagsisisihan ko ngayon, dahil sa akala ko talaga, ako ‘yong mauunang mamatay... kasi maingat ‘yan sa katawan."

Sabi pa ni Amalia, “Until his last breath, he was calling out my name.

“And now, I feel so guilty because I allowed myself also to be carried away by my emotions, na hindi naman pala talaga importante.

“So, I wasted four years of our lives with pain in my heart, because I thought na ginawa niya ang the most hideous crime that a husband will do to his wife—which is to betray her and having an illegitimate family.

"Which turned out not to be true because up to his dying day, he did not acknowledge this boy.”

Ang tinutukoy ni Amalia ay ang sinasabing anak umano ni Joey sa ibang babae.

WHAT WENT WRONG? Inamin ni Amalia na ang usap-usapan na nagkaroon ng anak si Joey sa ibang babae ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay dito.

“I made that space without even giving him a chance because the day that I arrived from the States, and I found out that he was not sleeping in the house, I thought that was the end.

“I thought that there’s another woman for him to do that, so that’s it.

“Then he said, ‘Don’t give me up, remember our twenty-eight years.’

"Sabi ko, ‘You should have remembered the next coming years before you got alliance with that woman or relationship with that woman.’”

Naunang mag-file ng annulment si Joey noong 2007 at “psychological incapacity” sa parte ni Amalia ang kanyang ginawang rason.

Gayunman, kanya itong binawi nang si Amalia naman ang mag-file ng legal separation noong taong din na iyon.

Humingi rin si Amalia ng Temporary Protection Order (TPO) sa korte, dahil sa pagpapadala diumano ni Joey ng death threats sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang noong Oktubre 1, 2009, ay nagkaharap na sila ng sinasabing nakarelasyon ni Joey, at doon ay nasabi ni Amalia na “If there was anything left in my heart, when I saw her, it got lost.”

(CLICK HERE for related article.)

Noong mga panahong iyon daw na humihingi ng tawad at isa pang pagkakataon si Joey mula sa kanya ay nagawa pa niya itong kuwestyunin.

Sabi ni Amalia, “‘Yong kanyang mistake na ‘yon, while I was away, I was out of the country, tinanong ko na.

"’Tapos sinagot ko pa nga siya, ‘Why should you be any better than my first husband Bobby [Romeo Vasquez], the father of my daughter [Liezl Martinez]?

“’When I found out about Bobby having another woman, I called it quits.

"’Why should you be any different? Why should I give you more leeway than him?’

"Sabi ko, ‘Kung ano ang kasalanan ni Jose, kasalanan mo rin, ginawa mo.’”

Gayunman, kahit masama pa raw ang kanyang loob noon sa dating asawa ay nagawa pa rin niya itong respetuhin. Matapos ang isyu sa kanila ay nanahimik na siya.

JOEY’S LAST DAYS. Naikuwento rin ni Amalia sa PEP ang mga huling araw ni Joey kasama ang kanyang mga anak.

Una niyang nabanggit ang huling kaarawan ni Joey, kung saan kasama si Liezl at mga anak nito.

“Si Anna Liza [Liezl’s real name] went on her own to spend his birthday... birthday niya [Joey] is March 27.

"Hawak-hawak niya ‘yong kamay ni Joey, and Joey was so happy, and sabi ni Anna Liza, ‘I have a surprise for you.’

"Sabi niya [Joey], ‘What? What?’ gumagano’n daw.

“Then, no’ng nakita niyang hindi kaming dalawa ni Geric..."

Hindi natapos ni Amalia ang kanyang sasabihin dahil bigla niyang binanggit, "...masamang-masama nga ang loob ko kay Geric."

Si Geric ang adopted son nina Amalia at Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ng dating aktres, "As a matter of fact, I’m still in a shock kasi nga hindi niya [Geric] masabi sa akin na their father is dying, that Joey nga is dying.

“Kasi nga, ni-reject nang ni-reject ko siya.

"And that time, ang feeling ko, the only person that I need more than anything in the world is Joey Stevens.

“I found out from Anna Liza herself—and I have her text—that up to the end, he [Joey] was calling my name.

“Ano ang mapi-feel mo if you are a wife?

“Oo, siya ang nagkamali, he called it a fling.

"Pero ako naman, I was too proud.

"I was then too proud to accept the fact that a man can make a mistake.

“Pero nang malaman ko naman na ganito ang nangyari, na up to his last breath he’s calling out my name, para akong tinambakan ng guilty conscience.

"Na sobra pala ‘yong naging reaction ko, na umabot ako sa point na hindi ko pinagbigyan ang wishes ng a dying man—wala kaming closure.

“Hanggang no’ng mamatay siya walang closure, only Liezl told me what happened, hindi na kami nagkaroon ng closure.

“Without that closure, lalong naging painful kasi nga I cannot make it up to him anymore.

"Alam mo ‘yong feeling na gano’n? Na this is final na hindi ko na [siya makakausap].”

NOT HIS SON. Kaugnay pa rin ng pagpanaw ni Joey, inaayos na raw ni Amalia at ng abugado ng kanyang namayapang asawa ang mga naiwan nitong assets o ari-arian.

Ang mga ito’y hahatiin daw sa kanilang ng kanyang mga anak.

Ngunit paglilinaw ni Amalia, hindi kasama dito ang sinasabing anak ni Joey sa ibang babae

Sabi niya, “Kasi tinanong talaga no’ng anak ni Joey, ‘Dad you must speak, I have to know, what is this boy to you? Because I heard also stories that gano’n-gano’n.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ni Joey, ‘It’s just a rumor.’

"The same ng sinagot niya sa akin: ’It’s just a rumor that I’ve heard a long time ago.’

“So, sabi ko, ‘Why did you not correct it if it’s just a rumor? Why not get a DNA to stop the rumor? Look at what happened to us.’

"Because he allowed the rumor to get on and on and on, kaya ako, nawala ako sa buhay niya dahil nga do’n sa ano niya.

“‘Yon nga, until his death, he denied the boy... wala, e.

"Talagang hindi niya pinagamit ‘yong apelyido niya.”

Dagdag pa ni Amalia, "Siyempre a dying man will not lie.

“‘Yong boy naman is not carrying his family name. Hindi katulad ng nasa situation katulad ni Geric nga na adopted niya, will share some of his assets ni Joey na pag-uusapan namin bukas ng lawyer.

“Geric has been part of this because he is legally adopted, but ‘yong boy na ‘yon will not share with anything not even ano.”

ON ANNABELLE RAMA. Kasabay ng pagpanaw ni Joey ay ang pag-usbong muli ng alitan sa pagitan nina Amalia at Annabelle Rama.

Ito’y kaugnay ng naging kumprontasyon habang nagmimisa para sa huling araw ng burol ni Joey.

(CLICK HERE for related article.)

Pero umiwas si Amalia na magbigay muna ng pahayag dahil nagdadalamhati pa raw siya sa pagkawala ng kanyang asawa.

Aniya, “Please give me that space that I am asking.

“Ako, ang hinihingi ko lang is to give me that space and to give me that ano... because in time, I will deal with this Annabelle Rama.

“No way that I will not deal with her!

"That is a promise because she dropped the fight right in my doorstep [and] nobody can do that to me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN