Gwendoline Ruais on rumors about being “big-headed”: “It’s very sad na kailangan talaga ng ibang tao na maghanap ng masamang sasabihin.”

Gwendoline Ruais is a half Filipino-half French beauty from Muntinlupa and the reigning Miss World Philippines. She won the coveted first edition Miss World Philippines crown from the pageant’s new franchisee. Gwendoline moved on to become First Princess/1st runner-Up and Asia and Oceania Continental Queen in the Miss World 2011 pageant held last November 6.


Panay ang tawa ni Gwendoline Ruais nang mausisa siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa isyung lumalaki na raw ang kanyang ulo, yumayabang, at may attitude problem na raw siya ngayon.

Yun nga raw ang una niyang narinig nang makabalik siya sa Pilipinas from Thailand kung saan nag-judge siya sa Miss World-Thailand pageant.

Aniya, “It’s very sad na kailangan talaga ng ibang tao na maghanap ng masamang sasabihin.

“Pero hindi ko naman kailangang pagurin ang sarili ko na-i-defend tungkol do’n. Dahil alam ko namang hindi totoo, e.

“So, wala na lang akong comment.

“Yung mga totoong friends ko, kilala naman ako.

“Pati yung mga nakakasalamuha at nakakatrabaho ko, kilala naman ako.

“Wala naman silang sinasabing gano’n sa akin.

“And no matter what happens, never naman akong mag-change.

“Buong buhay ko naman, masyado naman akong grounded.

“My parents raised me really well na… wala namang magtsi-change sa akin, e.

“Tanungin na lang yung mga nakakakilala sa akin. Pati na yung mga nakakasama ko sa trabaho.

“Hindi ko naman kailangang i-defend ang sarili ko kasi alam ko naman ang totoo, e.”

SENSE OF HUMOR. Sabi nga ni Gwendoline, nami-misinterpret lang daw siguro ang kakengkoyan niya.

“Oo. Siyempre kasi half-French ako. So, may ibang humor ako, di ba?

“May iba akong personality… And siyempre, alam ko naman na yung personality ko is very strong.

“Pero yung mga nakakakilala sa akin, alam nila na sense of humor ko yun, e.

“Pero wala naman akong sinasabi na feeling ko mai-interpret in a bad way.

“So, sa akin is… if people want to talk, they’re always gonna talk naman.

“People love you, people hate you.

“Wala naman akong magawa diyan.

“Pero hindi naman ako naaapektuhan kasi alam ko naman yung totoo, e.

“’Tapos yung mga friends ko, the people I really care about… they know who I really am.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya happy lang ako," saad ni Gwendoline.

Ano naman ang masasabi niya sa pagtatanggol sa kanya ng kaibigang si Venus Raj?

“Siyempre naman, touched ako na ipinagtanggol ako ni Venus,” sabi ng beauty queen.

“Friend ko naman si Venus, di ba? So, uhm… like I said, lahat ng friends ko, kilala ako.

“Alam nila ang totoong personality ko. Yun lang!”

PAGEANT JUDGE. Kaysa magpaapekto sa mga nagiging intriga sa kanya, sa trabaho na lang daw siya nagpu-focus at sa mga obligasyon niya bilang Miss World 2011 First Princess.

Nag-enjoy nga raw siya sa recent trip niya sa Thailand .

“Yung Miss Thailand-World Organization mismo ang kumuha sa akin para mag-judge doon.

“At lumakad ako sa stage kasama ang ibang beauty queens nila.

“And super fun talaga kasi best friend ko ‘yong Miss Thailand last year na nakasama ko sa Miss World pageant sa London.

“It was really a lot of fun.”

Marami pa raw ibang invitations sa kanya kugny mga Miss World activities and events sa kung saan-saang bansa.

Naghihintay lang daw siya ng abiso kung alin sa mga ito ang sigurado na o kumpirmadong tuloy talaga.

“Mahirap kasi dahil iba-iba ang schedule namin."

Ang tinutukoy ni Gwendoline ay sila ng nanalong Miss World 2011 na si Miss Venezuela at Second Princess na si Miss Puerto Rico.

“May mga schedule na pupunta kami sa U.K., sa Ghana, ’tapos sa Mongolia [host country ng Miss World 2012], pero mahirap nga na mapagsabay-sabay kaming tatlo.

“I’ll let you know na lang kapag may tuloy na talaga.

“Tingnan na lang natin what will push through.”

SUITORS. Intimidated pa rin ba ang mga lalake at wala pa ring nagkakalakas-loob na magparamdam o pumorma sa kanya?

“Uhm… hindi naman ako puwedeng mag-comment sa boy,” nangiti si Gwendoline.

“Pero siyempre, nano-notice ko na… most of them, naghe-hello lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So very rare are the ones who stick around and be able to utter a sentence, di ba?”

Masaya naman daw siya sa pagiging single ngayon—kahit walang special someone o manliligaw sa ngayon.

“As of now talaga, focus ako sa work. And kung merong darating, tingnan natin. Why not?” sabi ni Gwendoline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN