Slater Young on intrigues about his PBB victory: "I don’t think it’s an issue naman kasi it’s voting naman."

Slater Young on issue that he became the Pinoy Big Brother Big Winner because of his manager: "Yung boto ng mga tao ang nagde-decide kung sino ang mananalo, di ba? And I think marami nang housemates even before ang pumapasok sa PBB na mero’n nang manager."


Ngayong nasa labas na ng Bahay ni Kuya ang Pinoy Big Brother Unlimited Big Winner na si Slater Young, handa na raw siyang harapin ang anumang intrigang ibabato sa kanya.

Isa raw kasi ito sa mga unang lessons at advices na ibinigay sa kanya ng Cornerstone Talent Management sa pangunguna ni Erickson Raymundo na humahawak sa kanyang career.

Ang iba pang celebrities na nasa ilalim ng Cornerstone ay sina Sam Milby, Richard Poon, Yeng Constantino, Erik Santos, Markki Stroem, Jaco Benin, Marie Digby, Moi Bien, at Direk Joyce Bernal.

Kasama nga sa mga intriga kay Slater ay ang pagkakaroon niya raw ng manager bago pa man siya pumasok sa PPB house.

Diumano ay malakas ang manager niya sa ABS-CBN kaya raw pumasok siya sa Big 4 at eventually ay itinanghal na Big Winner.

Ano ang masasabi niya rito?

Ayon kay Slater, "I don’t think it’s an issue naman kasi it’s voting naman.

"Yung boto ng mga tao ang nagde-decide kung sino ang mananalo, di ba?

"And I think marami nang housemates even before ang pumapasok sa PBB na mero’n nang manager."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Slater sa presscon na inihanda ng ABS-CBN para sa Big 4 at sa bagong PBB host na si John Prats na ginanap sa 9501 restaurant sa loob ng Kapamilya Network kahapon, Abril 11.

THROUGH FACEBOOK. Inamin naman ni Slater na na-discover siya ng manager niya sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Dito raw siya unang kinontak ng Cornerstone para sa isang meeting. Hanggang sa alukin nga siya para mag-audition sa PBB.

"Noong lumapit yung Cornerstone sa akin, I thought about it for a few months.

"Then I decided na I’ll try it out. Kinausap ko yung parents ko. So, yun," sabi niya.

Gusto ring linawin ni Slater na dumaan siya sa proseso ng audition at hindi siya basta ipinasok na lang bilang isa sa official housemates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SAM MILBY. Dahil isa lang ang manager nila ni Sam Milby kaya siguradong magkakaroon ng isyu ng pagkukumpara sa kanila ng actor-singer.

"It’s a great compliment," sambit ni Slater.

"Knowing Sam, he’s a very humble person. It’s a very good compliment.

"I met him na bago pa siya umalis ng bansa."

Magkaibigan ba sila?

"Yes, friends kami. Magkasundo talaga kami."

Sa tingin niya advantage na nasa ibang bansa si Sam ngayon, kaya mas magkakaroon siya ng chance para mai-build up ng management niya at pati na rin ng ABS-CBN?

"I don’t want to say it’s an advantage. I’m happy for him that he’s trying out his luck sa ibang bansa.

"And ako naman, I want to try my luck muna dito sa bansa natin.

"At saka lahat naman kami bini-build up at inaalagaan nang maayos ng Cornerstone.

"So I don’t think may problema pagdating sa aspeto ng pagbi-build up.

"Pagdating naman sa projects sa ABS, sina Direk Lauren [Dyogi, ABS-CBN business unit head] ang bahala sa akin diyan.

"I trust them naman na mabibigyan nila ako ng magagandang projects."

Pero handa rin ba siya sakaling hindi niya maabot ang kasikatan ni Sam?

"Of course, handa ako. Hindi ko nga ine-expect na maging Big Winner ako.

"I just wanted to try showbiz for the sake of the challenge.

"I want to challenge myself also kung ano pa yung kaya kong gawin."

May back-up plan ba siya kung sakaling hindi magtagumpay ang showbiz career niya?

"Back-up plan? My dad told me na anytime I decide to go back home, he’s always gonna be there to help me out."

Bago pa man kasi siya pumasok sa PBB ay licensed civil engineer na si Slater bukod pa sa pagkakaroon ng pamilya niya ng construction business sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTING, DANCING, SINGING. Kung mabibigyan daw ng oportunidad, gusto ni Slater na mag-focus sa acting sa kanyang pagpasok sa showbiz.

Naka-attend na raw siya ng ilang acting workshops, pero sa tingin niya ay kailangan niya pa ng dagdag pang workshops.

"Siyempre this is all something new to me, di ba?

"At saka sana hindi lang acting workshop, gusto ko rin ng dance workshop at kung puwede pati voice lessons.

"Gusto kong pagbutihan yung trabaho ko kaya gusto kong maging handa sa anumang ibibigay sa akin."

Sino ba ang mga iniidolo niya sa pagdating sa acting?

"Kung sa acting, gustung-gusto ko yung mga ginagawa nila Mr. Pen Medina…character actor talaga.

"Ina-idolize ko talaga siya pagdating sa acting.

"Gusto ko rin yung mga ginagawa nina JM de Guzman and John Lloyd Cruz. Iyan mga idol ko."

Halimbawang itatampok sa Maalaala Mo Kaya ang life story niya, sinong artista ang gusto niyang gumanap bilang siya?

"Kung hindi ako mismo ang gaganap, siguro si John Lloyd kasi magaling talaga siya," sagot ni Slater.

Ngayong papasok na siya bilang artista, hiling nga ni Slater na sana ay suportahan pa rin siya ng mga taong sumuporta sa kanya lalo na yung mga bumoto sa kanya para maging Big Winner.

Puno nga siya ng pasasalamat sa mga ito.

"Thank you so much sa inyong lahat. Alam ko marami ang sumusuporta sa akin.

"From the start po, alam ko magastos yung sumuporta sa PBB kasi may banners, may T-shirts, may votes pa, so thank you talaga.

"Sana ituloy n’yo lang po ang pagsuporta sa akin," asam ni Slater.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN