Charice “appalled” by airing of Korea’s Star King episode

Charice Pempengco and her road manager Courtney Blooding were “appalled” and “angry” over the aring of Charice’s performance in the Korean talent search show Star King because “they were not supposed to air the show.”


Hindi raw nagustuhan ni Charice at ng kanyang personal assistant at road manager na si Courtney Blooding ang April 7 episode ng Korean talent search show na Star King.

Ayon sa artikulong isinulat ni Jonathan M. Hicap sa national broadsheet na Manila Bulletin ngayong araw, Abril 12, “not approved” daw ang naging performance ng international singer na si Charice sa naturang segment ng show.

Ilang kanta ang inawit ni Charice sa naturang episode ng show, na kinunan noong March 20, 2012.

Kasama sa kinanta ng Filipino singer ang revival niya ng awitin ni Whitney Houston na “Saving All My Love For You” at ang original song niya na “Before It Explodes."

Naka-duet din ni Charice ang Korean singer na si K. Will.

Kasabay ng kanyang performance ay ang pagpapakita ng ilang video clips ng performance ni Charice sa naturang show, sa show ni Oprah Winfrey, at sa konsiyerto ni Celine Dion.

Ipinakita rin ang ilang larawan ng libing ng ama ni Charice na si Ricky Pempengco noong nakaraang taon.

INAPPRORIATE. Ngunit ayon kay Blooding, hindi “approved” ang performance ni Charice sa naturang episode.

Sabi ni Blooding sa kanyang Twitter account noong Abril 8: “FYI for all Chasters [fans club ni Charice], starking taping and performance was not approved by @OfficialCharice and management. The show was inappropriate.

“I am angry...they were not supposed to air the show. There is a lot of behind the scenes that I can’t tell you about.”

Ang pangyayaring ito’y hindi rin daw ikinatuwa ng international singing sensation.

Ayon kay Blooding, “@OfficialCharice and I are both APPALLED and angry.”

“Star King was disrespectful and rude. @OfficialCharice said it’s not the same show it used to be.”

Hindi ito ang unang beses na lumabas si Charice sa Star King.

Katunayan, dito pa nga nagsimula ang kanyang international singing career nang maging viral ang video ng kanyang performance sa naturang show noong 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang naging daan para maimbitahan siya sa Ellen DeGeneres Show sa Amerika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN