Part 1. Kathryn Bernardo on "rivalry" with Julia Montes: “Magkaiba rin siguro yung audience namin. Sa akin, mas mga bata... Si Julia po yung pang-mature na talaga.”

Kathryn Bernardo on Julia Montes: “Kasi si Julia nakita natin na pina-mature na siya sa Walang Hanggan, very mature na may asawa na, ‘tapos nagwo-work na. And then ako naman po, nandun ako sa teeny-bopper na stage. Ako yung nagre-represent sa mga 14 to 16 or 14 to 17 siguro na ka-age ko—yung mga tinatawag na tweens."


Para sa Kapamilya young actress na si Kathryn Bernardo, ang mga kasabihang “it pays to wait” at “patience is a virtue” ay swak na swak sa mga pangyayari sa kanyang buhay at career ngayon.

Sa kabila kasi ng malaking tagumpay last year ng pinagbidahan niyang Mara Clara ay umabot din ng may isang taon bago ito nasundan ng panibagong primetime project, ang Princess And I, na mapapanood na sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa Abril 16.

Nakaramdam ba siya ng tampo sa ABS-CBN?

“Naku, hindi po. Never po akong nagtampo sa ABS," mabilis na tanggi ni Kathryn.

“Kasi po, hindi naman nila ako pinabayaan. After naman po ng Mara Clara ay dumating ang Growing Up.

“At saka naniniwala po ako sa right timing at right project. Kaya ‘eto na po yung Princess and I.

“Kumbaga, sulit na sulit po yung paghihintay ko na magkaroon ulit ng primetime soap.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn sa grand presscon ng pinagbibidahan niyang Princess And I na ginanap sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound noong Miyerkules ng gabi, Abril 11.

RIVALRY WITH JULIA. Siyempre, kabado rin si Kathryn dahil ito ang first solo project niya bilang bida dahil hindi na nga niya kasama rito ang Mara Clara co-star niyang si Julia Montes.

Para sa fans ni Kathryn, ang Princess And I na ang pangsagot ng young actress sa mga nagsasabing tila naiwanan na siya ni Julia.

Ngayong taon kasi mas naunang magkaroon ng primetime show si Julia, ang Walang Hanggan, na humahataw sa ratings ngayon.

Sabi ni Kathryn, “Happy ako kasi kung titingnan mo, ito yung first ko at si Julia first naman niya yung sa Walang Hanggan na solo.

“Happy pero nandiyan yung kaba, pero mas more yung nae-excite ako lalo na po first time po na magkaroon ng palabas na nag-shoot sa Bhutan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas ngang pagkumparahin sina Kathryn at Julia dahil sa umano’y namumuong rivalry sa pagitan nila.

Pero depensa ni Kathryn, magkaiba naman daw ang career path na tinatahak nila ngayon, pati na rin ang ibinibigay na roles sa kanila ni Julia kaya hindi sila dapat pagkumparahin.

“Sa amin kasi naniniwala ako na magkaiba yung career path namin, magkaibang-magkaiba.

“Kasi si Julia nakita natin na pina-mature na siya sa Walang Hanggan, very mature na may asawa na, ‘tapos nagwo-work na.

“And then ako naman po, nandun ako sa teeny-bopper na stage.

“Ako yung nagre-represent sa mga 14 to 16 or 14 to 17 siguro na ka-age ko—yung mga tinatawag na tweens.

“’Tapos sa aming dalawa, magkaiba rin siguro yung audience namin.

“Sa akin, mas mga bata, na ako yung magandang example siguro. Si Julia po yung pang-matanda na talaga.”

May mga nag-react sa sinabi niya na “pang-matanda” si Julia, kaya agad ding nilinaw ito ni Kathryn.

Aniya, “Ang ibig ko pong sabihin pang-mature. Nililinaw ko kasi baka ma-misinterpret ng mga tao.

“Sa mga projects kasi na ginagawa namin mas mature na yung role niya.”

Eventually ba gusto ring mag-level up ni Kathryn sa mature role gaya ni Julia?

“Sa akin, ngayon, ‘di ako nagmamadali at ‘di rin ako ready pa sa ganun.

“Darating din tayo sa roles na ganun after three years siguro, pero sa ngayon ine-enjoy ko muna yung roles ko.”

Kahit pinagkukumpara sila, nananatili naman daw silang magkaibigan ni Julia. Hindi raw sila nawawalan ng communication.

“Kahit nga po nung nasa Bhutan ako, may communication kami, e. Never pong naging isyu sa amin yung sinasabing rivalry.

“Alam naman po namin na hindi basta-basta maaapektuhan ng kahit anong isyu o intriga ang pagkakaibigan namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN