Part 2. Kathryn Bernardo not ready yet to enter into a relationship

Kathryn Bernardo on her three Princess And I leading men—Enrique Gil, Daniel Padilla, and Khalil Ramos: “Siguro masasagot ko na lang ‘yan ‘pag tapos na yung show kung kanino ako pinaka naging close talaga. So far, sa ngayon, silang tatlo at sila rin naman ang gumagawa ng way para makapag-bond kami. Ayos naman silang lahat.”


Kung si Julia Montes ay dalawa ang leading men sa Walang Hanggan—sina Coco Martin at Paulo Avelino—hindi naman papatalo si Kathryn Bernardo dahil tatlo ang leading men niya sa Princess and I—sina Enrique Gil, Daniel Padilla, at Khalil Ramos.

Kanino ba siya pinaka-close sa tatlo?

“Ngayon, super close ko silang lahat,” sagot ni Kathryn.

“Si Quen [Enrique], okay.

"Si Khalil nga ‘di ko ine-expect na ganun kami magiging ka-close. Ngayon, wala na kaming ilangan.

“Kay DJ [Daniel], close naman talaga kami from Growing Up pa lang.

“Siguro masasagot ko na lang ‘yan ‘pag tapos na yung show kung kanino ako pinaka naging close talaga.

“So far, sa ngayon, silang tatlo at sila rin naman ang gumagawa ng way para makapag-bond kami.

“Ayos naman silang lahat.”

Hindi rin daw nakalimot ang tatlong leading men ni Kathryn na bigyan siya ng regalo nang mag-birthday siya last March 26.

Si Daniel daw ay nagbigay ng chocolates, si Khalil ay lotion at shampoo, habang si Enrique ay lalagyan ng relo.

Pero ano ang masasabi niya na si Daniel talaga ang totoong pumuporma sa kanya dahil ito raw ang pumupunta sa bahay nila?

“Ngayon po, siya ang pumupunta sa bahay. Pero kung gustong pumunta nung dalawa, puwede rin naman," sabi ni Kathryn.

NOT READY TO HAVE A BOYFRIEND. Vocal si Daniel sa pagsasabing gusto talaga niya si Kathryn.

May pag-asa ba ang binatang aktor kay Kathryn kung sakaling ituloy nito ang panliligaw?

“Hindi ko pa po masasagot ‘yan.

“Basta ang masasabi ko lang po, kung willing siyang maghintay sa akin.

“Sa ngayon po kasi, hindi ko ‘yan iniisip dahil bata pa naman po ako, 16 lang ako.

“So, siguro ‘pag 18 na po ako, baka payagan na rin po ako na magka-boyfriend.

“Pero hindi naman po ako binabawalan sa amin na magpaligaw.

“Kaya lang, personal ko rin pong desisyon na huwag munang pumasok sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko, hindi pa po ako ready.”

Ano ang ina-admire niyang qualities kay Daniel?

“Siguro yung pagiging sweet at maalaga.”

How about Enrique and Khalil?

“Si Quen, he’s fun to be with. And hindi ka mabo-bore ‘pag kasama mo siya.

“Si Khalil naman nung una tahimik siya. Pero ‘pag naka-bond mo na siya, yung personality niya, may pagkamakulit na side din siya.”

WORKING WITH GRETCHEN AND ALBERT. Bukod sa leading men niya, nag-enjoy rin daw si Kathryn na katrabaho sina Albert Martinez at Gretchen Barretto.

Hindi ba siya na-intimidate sa dalawa?

“Hindi naman po,” sagot ni Kathryn.

“Na-starstruck nga po ako ‘pag kaeksena ko sila, e. So, hindi ko masasabing na-intimidate.

“Siguro masasabi kong sila yung talagang maa-idolize mo dahil very professional sila, yung maaga sa set at makikita mo na prepared na sila pagharap sa camera.”

Nagkaroon daw talaga sila ni Gretchen ng bonding moments sa Bhutan. Ano ang mga ginawa nila?

“’Pag dinner time na, ayun na yung tsikahan kayo.

“Nagbigay din po siya ng advice ng mga pinagdaanan niya.’ Tapos yung mga hindi ko gagawin.”

Ano raw yung hindi niya dapat gawin?

“Siyempre po sa lahat ng bagay. Marami siyang itinuturo sa akin.”

Kasama ba rito ang love advice?

“Siyempre hindi mawawala na nag-a-advice din si Ms. Gretchen dun na dapat mag-focus muna ako sa career, ganyan-ganyan.

“And ako naman, nandun din yung Mama ko, sinabi ko lang, ‘Noted po, noted.’

“Nakikinig naman ako kasi makikita mo sa kanila na concern din sila sa akin kaya nakakatuwa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN