Luis Manzano to guest his mom Vilma Santos and girlfriend Jennylyn Mercado in game show

Luis Manzano on running for mayor of Lipa: "I think kung ang 2013 elections ang puntirya ko, dapat by now, nagpaplano na ako.”


Kaugnay ng kanyang 31st birthday ay dalawang special guest at very close sa host na si Luis Manzano ang isasalang sa programang hino-host niya, ang Kapamilya Deal or No Deal.
Ang inang gobernadora at Star for all Seasons Vilma Santos-Recto, at ang kasintahan niyang si Jennylyn Mercado ang magkahiwalay na maglalaro sa naturang game show ni Luis Manzano.
Sa taping ng nasabing game show, unang isinalang si Jen at pagkatapos ng Kapuso aktres ay si Governor Vi naman ang naglaro para sa napili nilang charity.
Puring-puri ng halos lahat ang pagho-host ni Luis Manzano sa Kapamilya Deal or No Deal.
PEANUTS. Mukhang minamani na lang ni Luis ang pagho-host ng programa kung saan ang orihinal na host ay si Kris Aquino. Kampanteng-kampante na ang actor at TV host.
“Nag-e-enjoy naman ako sa ginagawa ko rito sa KDOND, pero ayoko namang sabihin na kampante kasi everything is a learning experience.
“Kumbaga, panibagong atake ang pinagaggawa ko para sa mga contestant but I feel very comfortable [with them],” aniya.
May mga nagsasabi na mas lalong gumagaling ngayon si Luis sa paghohost. Puring-puri raw ng mga staff ng show si Luis. Base sa komento ng mga staff, sino ngayon ang mas magaling sa kanilang dalawa ni Kris Aquino?
“Well, wala namang sinabi kung sino ang mas magaling, pero one thing na ikinatuwa ko when I spoke to one of the foreign producers, tinanong niya ako kung nakapag-host na ako ng Deal Or No Deal.
“Parang nagtataka siya kung bakit parang sanay na akong mag-host ng show.
"Hindi talaga siya makapaniwala na wala pa akong experience sa hosting ng [isang show] na same format."
Speaking of Kris, is it possible to have her as a guest in the show?
“Well, it is very okay for me. I guess that is a good thing.
"Something special para sa akin yan. Siyempre, nasanay na rin si Kris na siya ang nagtatanong.
"Ano kaya kung siya naman ang tatanungin ko sa KDOND? Definitely, open arms ako to welcome Ms. Kris as a contestant,” banggit pa ni Luis.
IN EXCHANGE. Isang two-part birthday special ang handog sa kanya ng KDOND. Sobrang saya raw si Luis dahil sa wakas ay matutupad ang pinapangarap niyang maisalang ang ina at ang kasintahan.
Ano ang reaksiyon ni Jen Marcado? Excited rin ba ang aktres at TV host? Wala na rin kayang problema sa Kapuso network kung saan nakakontrata ang kasintahan?
“Sa totoo lang, nu’ng inoperan sa akin ‘yung [show], sinabi ko na at napag-usapan na kung ano talaga ang mangyayari kung magge-guest si Jen.
“Pero sabi namin, papayagan kaya nila? Pero madali naman silang napaliwanagan, kung kaya pinayagan nila si Jen," sabi ni Luis.
Inamin niya rin na ang kapalit sa naturang guesting ni Jen sa show niya sa ABS-CBN ay guesting naman ni Luis sa GMA-7.
“Pero sa totoo lang, we’re very thankful to both ABS and GMA. Siyempre hindi naman araw-araw na mangyayari yan na may pagbibigayan."
Hindi nakuha ni Jennylyn at ni Ate Vi ang pinakamalaking maiuuwi ng isang contestant ngunit masaya pa rin si Luis dahil na-guest niya ang dalawang pinakamamahal niyang babae sa mundo.
Kamusta naman ang guesting ni Jennylyn sa show ni Luis?
"Meron siyang ginawa na hahangaan mo talaga. Meron din siyang ginawang performance at doon ipinaglaban niya ang kanyang panindigan," seryoso pa ring lahad ni Luis.
Ano ang magiging kapalit sa ginawa ni Jen na pagge-guest sa show niya?
“Well, siyempre ako. Magge-guest din ako sa isa sa mga program ng GMA. Sa totoo lang naman, fair ang ginawa ng Kapuso network.
"Kumbaga, dahil pumayag ang Kapuso na mag-guest siya sa Kapamilya network, e, kailangan din naman akong mag-represent ng ABS-CBN sa isang show nila.
“Kumbaga, napahiram ng GMA si Jen sa ABS, ipapahiram din naman ako ng ABS sa GMA, kung saang show, e hindi ko pa alam. So, magandang move yun di ba?” balik tanong pa sa amin ni Luis.
Di ba isa sa mga host ng Manny, many prizes si Jennylyn na katapat ng DOND? Hindi kaya conflict yun sa GMA?
“Well, hindi naman regular si Jen sa show na yun, guest co-host lang siya doon.
"Kung nagkataon siguro na regular host siya ng show, e, I think isang malaking conflict yun pero as I said guest co-host lang siya at nag-alternate lang siya doon.
“So, walang problema," kwento pa niya.
Ano ang katangian na mayroon si Jennylyn at pumayag si Luis Manzano na pag-usapan ang relasyon nilang dalawa?
“Siguro yung [we’re on the same] wave length. We laugh at the same [things], we smile at the same time.
"She’s something special and something rare. She’s so very special," sabi ni Luis.
So, si Jennylyn na talaga ang ihaharap niya sa altar?
“Sabi ko nga, long way to go. Ako marami pa akong dapat gawin, and I’m 31 years old na.
"Siya mas marami pa siyang dapat gawin dahil may responsibility siya bilang ina,” tugon pa rin niya.
Nang tanungin namin si Luis kung ano ang tawag sa kanya ng anak ni Jen na si Jazz, nakiusap ito na wag na lang daw muna naming pag-usapan ang tungkol sa bata.
CONTRACT WITH ABS-CBN. Kay Luis na rin namin nalaman na malapit na palang mag-expire ang kontrata niya sa Kapamilya network.
“I think early next year, tapos na ang kontrata ko sa ABS,” banggit pa niya.
So, may mga offer na rin siyang natatanggap from other networks?
“Well, mali naman kung mag-offer [sila] ngayon kasi medyo matagal-tagal pa, pero kung may dumating man o magparamdam, e wala naman sigurong problema.
“But still, wala pa namang solid na offer. Pero may isang… basta... But I think nirespeto pa rin naman nila ang kontrata ko sa ABS,” bitin pang banggit ng actor at TV host.
ON POLITICS. Kalat na kalat na rin sa buong Lipa, Batangas ang pagtakbo raw niya bilang mayor ng bayan. Tuloy na tuloy na ba siya rito?
“Well, sabi ko nga kailangan ko pa ring mag-aral at pag-aralan ang tungkol diyan. Ang dami kong dapat pag-aralan bago ko pasukin ang bagay na ‘yan.
“Ang bukod tanging pondo ko lang siguro sa pagtakbo ko bilang mayor ng Lipa, e, yung tiwala ng tao sa Mommy ko na naging mayor nila for three straight terms.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, if ever I wake up someday and [I decide to] try politics, the rest of the world will know my decision,” sabi ni Luis.

At kung papasukin na niya ang pulitika, payag naman daw siyang i-give up ang ilan sa mga showbiz commitments niya.
“Especially, if it is my first term. Napaka-unfair naman kung may ginagawa pa akong sobrang regular na teleserye.
"Ano pa ang ibibigay kong time sa mga Lipenos—two days or three days a week?
“Hindi pupwede sa akin yun. So, kung sakali man, e, one show lang na hosting na kagaya ng Kapamilya Deal or No Deal [ang gagawin ko].
“Yun lang ang TV show ko talaga, kung sakali ngang nasa pulitika na rin tayo.
“Kumbaga, almost 90 percent of my time nakatutok don sa Lipa.
"It is very unfair kasi na tatakbo ako ay nasa TV ako lagi, nagbababad, at dahil puyat ako, e, hindi ako makakapunta sa Lipa.
“Very unfair sa akin yun. Sayang. And I think kung ang 2013 elections ang puntirya ko, dapat by now, nagpaplano na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN