Heart Evangelista and Daniel Matsunaga confirm breakup on Twitter

After weeks of talk that they have broken up, Heart Evangelista and Daniel Matsunaga somehow confirmed their breakup on Twitter.


Matagal nang usap-usapan ang diumano’y breakup nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga.

Pero sa mga huling interviews ng media kay Heart ay mariin niyang pinabulaanan ang balitang hiwalay na sila ng Brapanese model-actor.

Ipinagtanggol pa nga ng aktres si Daniel sa balitang may death threats daw ito kaya bumalik ng Brazil.

Ani Heart, may ipapa-opera lang ang model-actor na may kinalaman sa paghinga nito.

Sa huling panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart sa taping ng Legacy noong March 22 ay sinabi niyang nami-miss niya si Daniel.

Dagdag pa niya, araw-araw naman daw silang nagtatawagan at nag-uusap sa pamamagitan ng Skype.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero tila nakumpirma na ang matagal-tagal nang usap-usapan sa tunay na estado ng relasyon nina Heart at Daniel dahil sa tweets mismo ng dalawa.

Sa personal Twitter account ni Heart (@heart021485) ay nag-post siya ng mensaheng ito noong April 12, Huwebes:

“today i woke up with a different mind set:) when the end comes a new chapter begins:) its hearts time again:)”

Mas lalong umigting ang hinala ng marami na wala na nga sina Heart at Daniel dahil sa magkasunod na tweets na ito ng aktres ngayong araw, April 14:

“Being single is embracing growth:)”

“breakups don’t always mean the other one was bad or we didn’t love each other it could just be...we were too different.”

At tila nakumpirma na nga ang breakup ng dalawa dahil sa magkakasunod na tweets ni Daniel (@dmatsunaga) ngayong araw rin:

“just asking God...why? i tried”

“cant be happy at this moment guys...God bless u all...thanks for the words...i am sure u all know what is happening... :(“

“lost 4kilos this days...feel like shit....i need my family i think...”

Sa pinakahuling entry ni Daniel ay ito ang kanyang mensahe:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“i am going to be away of the internet for a few days...sorry for that...hope u guys understand....God bless u all...”

Sa ngayon ay walang pang detalye kung ano ang pinag-ugatan ng breakup nina Heart at Daniel.

Tumagal din ng isa’t kalahating taon ang relasyon nina Heart at Daniel.

Matatandaang unang inamin ni Daniel ang relasyon nila ni Heart sa panayam sa kanya ng PEP noong September 2010.

(CLICK HERE to read related story.)

Noong isang taon naman ay isinama ni Daniel si Heart sa Brazil upang ipakilala sa kanyang pamilya roon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN