Isko Moreno goes to Harvard

Isko Moreno, former actor now vice mayor of Manila recently took a short course at Harvard University, U.S.A. "They call it the executive program ng John F. Kennedy School Of Government sa Harvard. It has something to do with crisis management," he explains. Observers say he’s preparing to run for higher office. "Maybe not in 2013," Isko clarifies.


Maituturing inspirasyon ang pag-angat sa buhay ng dating aktor na si Isko Moreno.

Mula sa pagiging basurero, pinasok nito ang showbiz na nakatulong nang malaki sa kanyang desisyong pumalaot sa larangan ng pulitika.

Bise-alkalde na ngayon ng lungsod ng Maynila si Isko.

Recently he took a short course in one of the most prestigious learning institutions in the world, Harvard University.

Ayon kay Isko sa panayam sa kanya ni Ricky Lo sa Amerika na ipinalabas sa Startalk TX kahapon, April 14, Sabado…

“They call it the executive program ng John F. Kennedy School Of Government sa Harvard.

“It has something to do with crisis management. For example we’re going to study what happened to Hurricane Katrina, how to mitigate a disaster.

"Puro mga massive, yung mga unprecedented scenario. Kasi bagay na bagay sa Pilipinas yun kaya ko kinuha yung kurso.”

Many believe Isko is preparing for a higher political office.

Tatakbo nga ba siya sa mas mataas na puwesto sa susunod na eleksyon?

“Well my options are open, whether national office or as mayor, but it will take time. Siguro not… hindi pa 2013.

“I’m just trying to equip myself to be better in terms of public service,” pahayag pa ni Isko.

Sa dami ng pinagdaanan niya at sa malayo na niyang narating, ano ang maipapayo ni Isko sa mga kabataan na puwedeng maging inspirasyon siya?

“Kailangan na ang tao makapag-aral. The only sure way to have a better future is through education.”

Ayon pa rin sa report ng Startalk TX, the 37-year-old politician also considers himself a family man.

Married to a non-showbiz woman, si Isko ay may apat na anak na ngayon.

“Actually lima na, may isang incoming e,” ang natatawang sinabi ng vice mayor ng Maynila.

"Hopefully this year. Ano na e, first trimester na niya, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga values na itinuro ni Isko sa kanyang mga anak…

“Ang sa akin, yung importance of what they have, that’s one.

"Education, lagi ko silang pinu-push, and higit sa lahat, yung pinaiiwas ko sila na makapanakit sa kapwa sa pamamagitan ng salita at damdamin.”

Hinahanap-hanap pa rin ba niya ang showbiz o ang pag-aartista?

“Hinahanap-hanap ko pa rin dahil siyempre nasa dugo ko na yan. Kumbaga diyan ako nagsimula, iyan ang nagbago ng buhay ko.

"Iyan ang nagbigay sa akin ng opportunity at iyan ang naging tulay ko para sa kinalalagyan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN